After kong ihatid si Ricci (oo hinatid ko), nagpunta ako ng mall at nagpagupit ako ng buhok na hanggang balikat. Pinaayos ko yung tikwas kong bangs at pina blower.
Magdidinner ako magisa, sa fastfood na gusto ko.
Di naman kasi big deal sakin ang kasama sa mga ginagawa ko araw araw. Green Archers, Donny at si Marie lang naman ang friends ko, kuntento na ako sa kanila pero ayoko na all the time kasama sila.
Nagpalit lang ako ng pang bahay na damit — oversized hoodie at basketball shorts ni Kuya na nakuha ko dun sa damitan ko.
Bumaba ako ng condo at lumakad pumunta sa Mcdo Taft. Malamig na ulit ang simoy ng hangin dito, naka move on na sa mainit na hulab ng mga kotse.
Bilis bilis akong lumakad kasi 7pm na, labasan na ng Green Archers mula sa training. Baka dumugin nanaman ako ng mga yon sa me time ko.
Nagorder na ako pero napansin kong medyo mahaba ang pila at puno ang seats. Inisip ko if dito ba talaga ako kakain kasi napapaibig din ako sa pizza hehe
Biglang may tumawag sakin na kinagulat ko habang pabalik ako ng condo at oorder nalang ako ng pagkain don.
"Hello?"
"Nak, nasaan ka?"
"Pa! Pabalik na ng condo. Need anything?"
"Can you go to your kuya's room and pick up my papers na pipirmahan? Your tita will pick it up tomorrow morning sa condo and fly it here since papunta rin naman pala sya dito. Alam ko dun ko naiwan sa drawer nya. Sayang papel kaya ibigay mo, or ibilin mo sa front desk"
"Daming nasabi, Papa. Papel lang papa eh, kuripot much?"
"Sadyang ganyan anak. How's school pala?"
"Okay naman, Pa. I had an attack kanina"
"Talaga anak? Okay ka na ba?"
"Medyo. I had a friend who helped me naman. Di na ako nakatanggi eh. Besides, gumaan naman feeling ko kahit konti lang yon."
"Sinong friend? Sina Brent ba?"
"Si... ano.. si Ricci po"
"Yieeeee anak ha!"
"Papa..."
"Anak, kung sya ang makakapag pababae sayo, boto na ako"
"Hay nako! Pareho kayo ni Kuya, tumawag last week para mangasar. Di nyo ba ako papasunurin dyan, Pa? Ayoko na sa Maynila"
"Pwede naman anak. Gusto mo ba?"
"Check ko pala muna schedule ko hehe sige na Pa, aakyat na ako ng condo"
"Sige anak, ingat ha! Love you"
"Bye Pa, lablabyu too"
Pagakyat ko sa dorm, nahanap ko kaagad yung pinakuha ni Papa na papers at binaba ko narin sa front desk dahil baka makalimutan ko bukas.
Wala kaming klase kapag Wednesday pero kailangan namin pumasok for attendance at pwede rin for completion. Ewan ko sa La Salle at sa ibang students, pero I don't see why they don't like this strategy na Wednesdays are for completion.
When my pizza came, nagbinge-watch na ako ng mga naiwan kong seasons for Grey's Anatomy at Orange is the New Black.
Twitter:
i want mcdreamy
@---: @RicciRivero06 ayan na si mcdreamy mo
to be like him pala HAHAHAHA oops
umuwi ka na kasi @migzgumabao nababagot na ako wala akong maaway
@migzgumabao: Konti nalang! Miss mo naman ako masyado :p andyan naman si....
@--: omg kuya sino!!!! 😂
@--: si ricci :p
@alexgumabao: bwisit ka
BINABASA MO ANG
Change [Ricci Rivero, Completed]
Hayran Kurgushe has her heart stoned by fate and there he goes ever so bravely, tries to snatch away the hate by giving her the love she deserves, and telling her too how lovely the change he's brought her has always been Highest Ranking in Fanfiction as of: 0...