Chapter 9 : Amber is still a bitch

1.4K 36 1
                                    

"Bakit ba nandiyan siya?"

"Pati ba naman ang Dozen HT kasama niya?!"

"So feelingera!"

Kanina pa ako nagtitimpi. Hinahawakan lang ako ni Amber para hindi ko mapatulan yung mga babaeng yun.

"Tss. Wag mong intindihin ang mga yun, Ian." Sambit ni Two.

They've become my friends for the past 3 weeks. Tuloy tuloy parin ang training nila with Nico. Kasalukuyan naming pinapanood ang laban ng Basketball team  sa team ng Jordan Univ.

"Tch. Pag yan nagsalita pa, papatulan ko na yan."

Kanina pa kasi ako sinasabihan ng ganyan. Mapamalandi, Sipsip, Kulang sa pansin. Mga bwisit.

"Kings for the win!!!" Panalo ang team namin! ^__________^ Ang laki nga ng lamang namin e! Kings ang tawag samin! Hindi ko rin alam kung bakit?

"Let's have a party! Tonight at my house!" Sambit ni Andru.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria.

"Sama tayooooooo!!" Kami nina Rico at nung constants lang ang nandito. Since si Amber kasama si Andru at si Alien naman may ginagawa nanaman as usual.

"No. It's dangerous. I'm sure madaming mga lalaki run."  Si Eight.

Eight has been just like my big brother. -_______- Remember nung hinawi niya yung buhok ko? Ang sabi niya it's just a joke. Tinitignan daw niya ang reaksyon ni Liam na pinagtaka ko rin. He likes me..... As a sister. Wala kasi siyang sister. Just a baby brother. At sinabihan din siya ni Nico na bantayan ako. Kasi nga hindi naman siya dito nagaaral.

"But it's been a thousand years nang last akong nakapag bar. Last na nakainom ng favorite kong malibu and vodka drinks. at last na nagsayaw sa dancefloor."

Wala atang pagasa ang pagpapaawa ko. -________-

"It's the only night na nagiging babae ako. Naiinsecure yung ibang babae  at nahuhumaling ang mga lalaki kapag dumadaan ako. Ayaw niyo bang iparamdam sakin yun?" I pouted at nag puppy eyes pa ako.

"Still dangerous." Si Liam.

"Eh bahala kayo. Basta ako pupunta ako. It's your decision kung hindi kayo sasama or what." Malamig kong sabi. Inirapan ko sila at nag walk out ako.

--

"Pupunta rin parin pala kayo e!" Nakangiti kong sabi.

"We don't have a choice. Malay mo mga gungong yung mga nandito. Bastusin ka pa." Si Eight.

"tch! Laki laki ko na e!" I hissed.

"Ang ganda mo nga ian e!" puri ni Seven.

Nag piece sign lang ako. I really loved parties. Nandito rin si Amber of course. Party to ng boyfriend niya, right? Umupo kami ng constants sa isang couch. Malapit lang ito kila Amber.

"Dito ka lang ah. You're not gonna dance. just drink." Si Eight.

"Uggh! What's the use of partying?!"

"Umiinom ka na nga e. Wag ka ng umalang." Si Liam.

Nilagok ko yung huling laman ng baso ko. " Sa pagkakaalam ko, Mga slaves ko kayo. Anong nangyare? Bakit ako yung inuutusan niyo?!"

"It's for you din naman, Ian." Si Third.

Hindi na ako sumagot pa. Napalingon ako sa may back door. Nakita ko si Amber na nakangisi at nakatingin saakin ng masama. Lumingon ako sa iba. Nakaramdam ako ng kaba. Habang hindi nakatingin saakin sina Liam, mabilis kong hinubad yung heels ko at tumakbo sa back door.  Nakita ko si Amber na nakipaguusap doon sa isang lalaki.

The RuleBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon