KABANATA 01

268 1 0
                                    

KABANATA 01

“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Ben?” tanong ni Constancia habang pinagmamasdang nag-empake ang 25-anyos na anak-anakan. Nalulungkot siya at mukhang hindi na ito mapipigilan.

“Nakapgdesisyon na po ako, Nanang. Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko. Ngayong nakapagtapos na ako sa kolehiyo, luluwas ako ng Maynila para hanapin ang mga kapatid ko.” Sagot ni Benedict. Napahawak pa siya sa kamay ng taong nagpalaki sa kanya.

“Hindi mo ba naisip na parang naghahanap ka lang ng karayom na nahulog sa dagami? Isa pa’y napakagulo ng Maynila. Baka kung ano pa ang mangyari sayo roon.” Ani Cardo na hindi nila napansing pumasok din ng kuwarto.

“Kaya ko na po ang sarili ko, Tatang. Hindi po ako nawawalan ng pag-asa para mahanap ang mga kapatid ko. Maghahanap naman ako ng trabaho roon habang hinahanap ko sila. Maraming salamat sa labinlimang taon na pag-aaruga ninyo sa akin. Huwag po kayong mag-aalala at magpapadala ako ng pera kapag nakahanap na ako ng trabaho.” Anas ni Benedict.

“Huwag kami ng Tatang mo ang alalahanin mo at nakakaraos kami sa araw-araw. Ikaw ang inaalala namin at baka kung ano ang mangyayari sayo roon. Baka mapahamak ka.” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Constancia.

“Mag-iingat po ako, Nanang. Uuwi po ako rito kapag medyo nakaluwag-luwag na ako.” Sambit ni Benedict at niyakap ito gayundin ang ama-amahan.

“Tanggapin mo ito, Anak. Bayad ito ng dalawang baboy na ibinenta namin ng Nanang mo para makadagdag sa babaonin mo sa Maynila.” Ani Cardo at inabot ang pera.

“Maraming salamat po, Tatang. Hindi ko po ito hihindian. Ipinapangako ko po sa inyo na gagantihan ko ang lahat ng mga kabutihang ipinakita ninyo sa akin.” Bulalas ni Benedict at doon na siya napaluha. Siya naman ang niyakap ng mga kinikilalang magulang.

“BEN!” tawag na nagpalingon sa binata pagbaba niya ng bus sa Cubao Terminal. Napangiti siya at naroon na kaagad ang kanyang sundo. Nilapitan siya nito at niyakap.

                “Na-miss kita ah.” Bulalas ni Maggie at mahinang sinapak sa braso ang binata pagkatapos itong yakapin. Sobrang nagalak siya at nakita na naman ito pagkalipas ng dalawang taon.

                “Na-miss din kita, Magdalena.” Ngiting bulalas ni Benedict. Sabay sila nitong lumaki at mas matanda lang siya ng tatlong taon. Dalawang taon lang silang hindi nagkita ay malaki na ang ipinagbago nito. Hindi na mukhang negra at matuwid na ang buhok nito na dating kulot at higit sa lahat ay maganda na itong manamit.

                “Maggie. Please call me Maggie from now on.” Bulalas ni Maggie na sinundan ng tawa ng binata. Tinulungan siya nitong buhatin ang mga bagahe niya galing probinsiya.

                “Nadala na ako roon sa dating eskuwelahan na tinuturuan ko. Nang malaman nila ang pangalan ko, tinutukso pa nila akong kalapating mababa ang lipad.” Kuwento ni Maggie habang nag-aabang sila ng masasakyang taxi patungong boardinghouse.

                “Nagresign ka? Alam ba ito ng Nanay mo?” biglang tanong naman ni Benedict.

                “Hindi niya alam pero nakahanap na ako ng bagong eskuwelahan. Private pa.” si Maggie.

                “Di ba mas maraming benefits pag nasa public school ka nagtuturo? Sayang naman.” Sambit ni Benedict pero natutuwa siya sa naabot ng kababata. Dalawang taon na rin itong nagtuturo.

                “Marami nga’ng benefits pero puro pasaway naman ang mga estudyante. Sumusuko na nga ako sa kanila at parang gusto ko na lang magcall center. But a friend told me to apply at St. Luke’s Academy at natanggap naman ako. Malaki pa ang sahod at puro mayayaman ang mga estudyante.” Sagot ni Maggie. Nagpara siya ng taxi at nagpahatid na sa boardinghouse.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon