Chapter 1 - Freya ✓

5.7K 148 9
                                    

Freya David P.O.V

"Ang hirap kaya ng sitwasyon ko, kung alam mo lang. Ikaw nalang kaya rito?" saad ko sa babaeng kausap ko na walang ibang ginawa kundi ang painitin at mang-inis sakin.

"Aba? Gusto mo yan 'e, magdusa ka. Dapat kasi pinag-isipan mo muna yang papasukin mo." pangaalaska sakin ng kaibigan kong si Eyna.

"E hindi ko naman ine-expect na uuwi sa ganito 'to e." sabi ko habang nakayuko, dahil gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin sa mga oras na ito.

"Ewan ko sayo, maiwan muna kita bibili lang ako sa canteen ng makakain natin." pagpapaalam nito at agad na tumayo at naglakad papalayo.

Naiwan akong nakaupo sa gilid ng field kung saan kami tumatambay ng kaibigan kong si Eyna. Dito kami madalas tumambay dahil sa presko ang hangin at matatanaw mo mula rito ang mga taong busy sa kanya-kanyang buhay.

Hindi ko pa pala napapakilala ang aking sarili. Ako si Freya David Santiago, or Freya. Pangbabae masyado ang pangalan ko ano? Sabi kasi nina Mama at Papa noon naisipan nilang Freya David ang ipangalan sakin kasi Freya is Goddess of Beauty kasi mas maganda pa daw ako sa babae pero angkaso 'e lalake ako kaya dinagdagan ng David para hindi ako magmumukhang katawa-tawa.

Nagdaan ang ilang minuto ngunit wala parin ang anino o kaluluwa man lang ng kaibigan kong si Eyna. Gusto ko ng tumayo at hanapin siya pero ayaw ng katawan kong sumang-ayon, kaya mas pinili kong maupo na lamang at hintayin ang bruhitang babae na yun.

Pinili kong magsoundtrip nalang habang naghihintay kaya sinuot ko sa aking tainga ang earphones at agad na pumili ng kantang pakikinggan, at ang napili ko ay 'Memories' by Shawn Mendes (A/N, If gusto ninyo pwede ninyong isabay ang pakikinig sa kantang 'Memories' while nagbabasa. Para feel. Okaaaaay!)

'♪When I wake up to your footsteps
As you get up out of bed
They make a song that sounds so simple
But it dances in my head
A melody so perfect
That it gets me through the day
And the thought of us forever
Is one that won't ever go away...♪'

Habang pinakikinggan ko 'tong kantang 'to agad namang nag flashback sa isipan ko ang ating mga alaalang magkasama. Noong una na kung saan ay maihahalintulad tayo sa isang perfect couple, na puro sweetness at saya lang ang ating nararamdaman. Yung usapan nating tayo lang, at pang forever tayo kasi wala tayong pake sa opinyon at sinasabi ng iba. Ang saya at ang sakit lang maalala ng mga panahong 'yon.

'♪All I need to know is
Where to start
Take my hand and show me forever
So never will I ever let you go

So let's hold on together
To this paper and this pen
And write down every letter
To every word we've ever said...♪'

Yung mga pangarap na binuo nating magkasama, yung oras na nilaan natin sa isa't-isa, pagod at sarap, saya at success. Lahat yun naka-sulat sa isang kumpol na mga papel na may kasamang mga litrato natin, kasi ang usapan natin noon na pagtanda natin makikita lang natin at mabasa yung mga papel na 'yon ay parang bumabalik tayo sa mga panahon na 'yon.

'♪All I need to know is
Where to start
Take my hand and show me forever
So never will I ever let you go

Let's write our story
And let's sing our song
Let's hang our pictures on the wall
All these precious moments
That we carved in stone
Are only memories after all

Memories after all
Memories after all...♪'

Yung storya nating akala mo happy ending na, yung mga kantang ginawa at pinagpaguran nating gawin kahit na 'di mo'ko sinasabayang kumanta. Kung sa ano ay nag li-lipsing ka lang para maipakita na suportado mo parin yung ginagawa ko. Yung mga pasabit mo na pictures nating magkasama tuwing monthsary at anniversary natin, at yung mga pangalan na sinulat natin sa bato at puno, lahat yun, alaala nalang ng kahapong nagdaan na kahit anong gawin natin 'di na maibabalik kahit anong pilit nating gawin.

'♪You know, you gave me hope
But I've got to let go
I've got to let go

It's taking its toll
Deep in my soul
Now I've got to let go...'♪

Alam mong ikaw ang nagbigay ng ilaw at pag-asa sakin na magmahal at mahalin, kaso kailangan kong bumitaw dahil alam kong matagal mo na rin akong binitawan. Kahit ang sakit at ang hirap, pero kailangan.

'♪We wrote our story
And we sang our songs
We hung our pictures on the wall

Now those precious moments
That we carved in stone
Are only memories after all.♪'

Lahat-lahat ng oras at panahon na 'yon, ay hanggang ala-ala nalang. Na kung saan ay kaya natin magbalik tanaw pero hindi na muling maibabalik pa...

To be continued...

~~~

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon