Chapter 40: Tour to Albay(P 2)

1.4K 37 23
                                    

A/N: Ito na yung Part 2 guys! Hope you'll enjoy this. Let's try your imagination. Ha-ha. Enjoooy!

--

Danreb Olivar's P.O.V

'Last but definitely not the least... the well-known for its -- renowned as the "perfect cone"... The Mayon Volcano or also known as Mount Mayon...'

...

'Wait--!' Biglaan kong pagpigil kay Kuya Chad.

'Bakit sir? Ano pong nangyari?' Naguguluhan na tanong ni Kuya Chad.

'Sorry kuya Chad, but pwede saka nalang tayo pumunta dyan sa Mount Mayon?' Pakiusap ko kay Kuya Chad.

'Why sir? Is there anything you don't want? Or anything? Tell me.' Sabi naman ni Kuya Chad.

'U-uh.. Wala naman kuya, but I already planned that I'll go there before I leave Albay. Pwede po ba yon?' Saad ko naman kay Kuya Chad na halatang naguguluhan.

Ngumiti naman si Kuya Chad.

'Osya-sige. Gusto mo yan 'e. Ha-ha. So, dun nalang muna. Ihatid na kita sa tutuluyan mo.

'Okay po, thank you.' Sabi ko naman at binigyan si kuya Chad ng isang matamis na ngiti.

At tumuloy na ulit kami ngunit pabalik na ng syudad kung san daw naka-locate yung resthouse na sinasabi ni Jamie.

Habang nasa byahe naalala ko yung plano ko...

...

Habang nasa tulog ako sa eroplano e nanaginip ako...

Hindi ko alam kung talagang panaginip ba yon or what? Kasi parang totoo.

Nasa saksakyan daw ako non at papuntang Mount Mayon, dahil nga sa huling araw ko na sa Albay e binalak ko raw pumunta don dahil yun nalang ang natitirang lugar na di ko napupunta ditto sa Albay.

Habang nasa byahe e hindi ako mapalagay, hindi ko alam pero parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

At ng dumating na kami sa Mount Mayon ay pinili kong mapag-isa, umakyat ako sa isang matarik pero hindi gaanong kataasan na bundok kung san tanaw na tanaw mo ang kabuuan ng Mount Mayon.

Habang naglalakad paakyat e mas lalong bumibilis at lumalakas yung kabog ng puso ko. I don't know why but it's very unusual feeling. Pero ang inisip ko e baka dahil lang 'to sa excitement dahil yung pangarap kong Mount Mayon e makikita ko na, sa malapitan pa.

Kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko.

Ngunit...

Ngunit, malapit na ako sa tuktok ng bundok na inaakyat ko ng bigla akong may matanaw na bulto ng kung sino, hindi ko siya matanaw o makilala dahil sa sinag ng araw na tumatapat sakaniya kaya ang tanging makikita ko lang sakaniya e yung llikod niyang itim.

Nagtaka ako at nalungkot. Nagtaka ako dahil baka may ibang taong nakatira dito. At nalungkot dahil may mas nauna na pala sakin. Balak ko kasing tanawin ang Mount Mayon ng mag-isa, as in literal.

Habang papalapit na ako ng papalapit mas dumuble pa ang bilis ng tibok ng puso ko, siguro kung may high blood ako e inatake na ako kanina pa.(A/N: Drama mo, ihulog kita dyan e! Ha-ha.)

Sa hindi inaasahan e ang kaninang sobrang tirik na araw ay tila nakiisa sakin at medyo nag dilim pero sakto lang.(A/N: Ano daw? Basta. Kayo na bahala umintindi at mag imagine. Ha-ha)

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon