Freya David's P.O.V
Ito, ito yung kinatatakutan ko. Yung maiwan akong mag-isa, yung magkasama kayong umangat pero iiwan ka nalang niyang nakabitay. Ang sakit, ang sakit-sakit.
Gusto kong umalis at tumakbo tulad ng ginawa niya, kaso naisip ko kapag ginawa ko yun mas lalong mapapahiya sina Mama at Tita niyan. Kaya mas pinili ko nalang umakyat sa stage ng mag-isa.
Pinilit kong ngumiti sa harap ng marami. Gusto kong ipakita kina Mama at Tita na hindi ako tutol kahit sa loob-loob ko ayaw ko, bata pa ako, marami pa akong pangarap, hindi pa ako nakapagtapos sa pag-aaral, pero anong pinakita ko? Pinakita ko na hindi ako tutol kasi nga ayaw kong biguin sina Mom and Dad. Dahil yun yung gusto nila kaya kahit ayaw ko e, sinunod ko.
Sana lang, pagbalik ni Danreb, mahal niya parin ako at sana matanggap niya yung magiging sitwasyon namin.
-
Pagtapos ng party ni Mama e agad na akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko, nagbihis muna ako ng pantulog bago ako tumambay sa coridor ng kwarto ko.
Tahimik akong nakaupo doon habang ini-istrum yung gitara ko.
'♪I want you to stay with me, 'cause your all I need. They say love is clear to see, but darling, stay with me.'♪ Pagkanta ko habang nag gi-guitar.
Habang kinakanta ko yung kanta (A/N: Stay with me by Sam Smith yung title, 'di ko na kinuha yung first part ng lyrics. Iba e. Hahaha) Ang sakit, parang unti-unting dinudurog yung puso ko. I cannot blame Danreb if he acts like that a while ago. Kasi ganoon rin naman gagawin ko e pero ang mas pinili ko yung mas makakabuti, hindi ko inisip yung pansarili kong gustuhan, inisip ko rin yung makakabuti sakin, kina Mom and Dad at sa kompanya.
'♪Why I'm might so emotional, no its not a good look gain some self control. Deep down I know it never works, but you can lay with me so it doesn't hurt.♪' pagpapatuloy ko sa kanta.
Ang sakit, di ko lubos isipin na gagawin yun ni Danreb, kasi ang akala ko ay tulad ko, mas pipiliin niya yung mabuting desisyon para sa lahat. Akala ko lang pala yun, dahil sa maling akala, akala na siyang dudurog at mananakit sayo. Ang sakit isipin at sobrang sakit sa pusong may pighati.
'♪I want you to stay with me, 'cause your all I need. They say love is clear to see, but darling, stay with me...♪' naputol ang pagkanta at pag strum ko ng guitar ng may marinig akong katok sa pinto ng kwarto ko.
'Come in, bukas yan.' Sigaw ko dito para marinig niya.
Narinig ko ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto.
Ilang segundo pa at naramdam kong tinabihan ako... ni Mama.
'Yes, mom?' tanong ko sakanya.
'Son, sorry kasi binigla kita, binigla ko kayo sa announcement ko kanina. High school pa kasi namin yun napagusapan ng Tita mo.' Pagpapaliwanag ni Mama.
'No 'ma, I understand. You only want the best and whats good for my future. Thanks mom.' Saad ko dito habang nakatingin sa mga bituin sa langit na nagniningning.
'I should be the one to be thanful of, kasi naintindihan mo, tinanggap mo kahit labag sa kalooban mo. Salamat 'nak, salamat.' Sabi ni Mama at naramdaman ko na niyakap niya ako, yakap ng isang ina.
Yinakap ko nalang siya ng mahigpit bilang tugon sa sinabi niya.
'Pero anak, nabalitaan kong kilala ninyo na ang isa't-isa. At 'di lang kilala, kilalang kilala.' Saad ni Mama habang nakangisi.
'W-wala yun 'ma... Same po kasi kami ng school, at magkaklase po kami sa lahat ng subjects.' Paliwanag ko dito. At bumitaw na siya sa pagkakayakap.

BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Genç KurguMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...