Chapter 2 - Danreb ✓

3.6K 129 5
                                    

Danreb Olivar Mcsaint P.O.V

Habang naglalakad ako pabalik sa locker room sa tabi ng soccer field dahil katatapos lang naming maglaro ng barkada ko ng Basketball kasi napagtripan nila, kaya sumama nalang ako, no choice 'e. Palapit na ako ng Soccerfield ng may maaninag akong magandang babae na nakaupo sa isa sa mga bleacher sa tabi ng soccerfield kaso tanong ko sa isip ko "bakit naka uniporme ng pang lalake", which is slocks and pollo na dapat ay skirt at blouse. Nakakagulo pero isinawalang bahala ko nalang 'yon at agad iniba ang direksyon na papunta sakanya. 

Ng tuluyan na akong makalapit sa kinaroroonan niya ay bigla namang nagsigawan ang mga soccer players na umalis at umiwas sa bola pero ng makita ko kung saan ang direksyon ng bola ay nakita kong papunta ito dun sa magandang babae na nakaupo sa bleachers.  

Agad naman na-proseso ang utak ko at agad na tumakbo at ng maunahan ko ang bola sa pagtama, inusub ko ang katawan ko sa katawan niya na dahilan upang mapadapa ako sa ibabaw niya at mapatong ko sakanya.

Nagkatitigan kami dahil hindi ko namalayan na ang dalawa kong kamay ay nakapatong na pala sa umbok niya pero bakit wala akong makapa o mahawakan man lang. Isip-isip ko, grabe naman ang pagkapatag ng bundok nito.

Ilang segundo pa ang nakalipas ay napabalikwas ako ng pwersahan siyang tumayo galing sa pagkakahiga sa bleacher. Sumunod naman ako sa kanya at pinagmasdan siyang kumilos habang nagmamadali, napako na ang mga mata ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit.

Pagkatapos niyang maligpit ang gamit niya, tumingin siya sakin na bakas sa kanyang itsura ang pagka-inis at pagkagigil. At ng biglang magsalita ito ay parang musika lang sa aking tainga.

"Salamat sa tulong mo." Sarkastikong sabi nito. Galit man pero mas umiibabaw sa mukha nito ang kagandahang taglay. (A/N: Charotera ka talaga, Danreb! Hmp!)

"Walang anuman. Pasensya na sa pagkakahawak ko dyan sa ano m-..." Bigla niya akong pinutol sa aking pagsasalita at agad na sumabat.

"Wala yun.  Atsaka wala ako ng tinutukoy mong bagay na nahawakan mo. Okay?" Saad niya sakin at akma ng tatalikod pero hinila ko ang kanyang braso niya dahilan ng pagkahinto niya sa paglalakad.

"B-bakit mo nasabi na wala ka 'nun? 'D-di ka naman fl-flat ah? Bata ka pa siguro kaya ganoon." Pagkukumbinsi ko dito habang medyo na uutal. Hindi kasi maintindihan ng utak ko kung bakit niya nasabing wala siya 'non.

"17 na ako kaya 'di na ako bata. At talagang flat ako kasi nga lalake ako, okay?" Inis na sagot niya sakin at agad na tumalikod at mabilis na naglakad papalayo sakin.

Hindi agad na-process ng utak ko sakaniyang mga sinabi a while ago. Hindi agad nagsink in sa isip ko na Lalake siya at hindi babae. Napako na ako sa pagkakatayo sa kinatatayuan ko.

Imbis na pagkadismaya ang maramdaman ko ay hindi kundi pagkainteresado at pagkamangha hindi dahil sa kanyang itsura ngunit sa kanyang paguugali. 

Oo't na love at first sight ako pero akala ko hanggang doon lang yun pero ng makita kong ganoon ang kanyang kilos at paraan ng pakikipag-usap parang nakaka-bilib dahil iilan lang ang taong ganoon na kilala ko. Si Mama at Ate lang. Kaya ganoon nalang kung hangaan ko siya.

Gagawin ko ang lahat para malaman ang tungkol sakanya at ng magkalapit kami ng loob hanggang sa maging... kami na officially. 

Wait... whaaaat!? Ano 'tong mga pinag-iisip ko? 'Nako Danreb naba-bakla ka na ata sa kaniya 'e. Ahh basta.. Ang alam kong mahal ko siya, period.

To be continued...

~~~

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon