Freya David's P.O.V
Ang sakit na ng likod ko dahil nakakangalay na nakahiga lang ako dito. Sinubukan kong tumayo ngunit nahihirapan akong umangat, ng mapansin iyon ni Danreb ay agad itong lumapit sakin kahit na nakatulala ay alerto parin ito.
Akmang tutulungan niya na sana ako ng ginamit ko ang kamay ko upang sabihing, 'Okay lang, kaya ko. ' kahit ang totoo e kailangan ko talaga ng tulong.
Tumango nalang siya at bumalik sa upuan kung san siya kanina umupo matapos magkausap ang doktor.
Kaya imbes na uupo ako ay mas pinili ko nalang na mahiga kahit na masakit na sa likod. Hihintayin ko nalang sina Mom and Dad na dumating.
Nakabukas ang t.v kaya mas pinili ko nalang manood para maging abala rin ako. Habang nanonood e palihim akong sumusulyap kay Danreb, tulala parin siya tulad kanina kaya hindi niya alam na nakatingin ako sakaniya ng biglang... Nabaling sakin ang kaniyang tingin at nagkatitigan kami, dahil sa pagkagulat ko sa pagtingin niyang iyon ay hindi ako nakagalaw, gusto ng utak kong putulin ang titigang iyon pero ayaw makisama ng katawan ko. Parang marami akong gustong malaman at makarinig ng eksplanasyon galing kay Danreb.
Ilang segundo pa ang tinagal ng titigang iyon ng biglang bumukas ang pinto at nakuha nito ang atensyon naming dalawa ni Danreb, iniluwa ng pinto sina Mom, Dad, Tita Elisa, Tito Arnaldo and Ate Eden na may dalang basket ng mga prutas.
Nagulat sina Mom and Dad na gising na ako, kaya agad nilang tinungo ang kama ko at kinamusta ako.
'How are you, anak? We're so worried for you.' kinakabahan at nagaalalang sabi ni Mama.
'I'm fine now, Mom and Dad. Don't worry.' Sabi ko at binigyan ko sila ng matamis na ngiti.
'Good to hear, 'nak. Don't do it again uh? Tell us pag may nararamdaman kang masama o masakit uh? Okay?' Paalala sakin ni Papa.
Tumango nalang ako bilang tugon. Nakita kong lumapit si Mama kay Danreb, at base sa itsura nila ngayon ay may mahalaga silang pag-uusapan.
Hinayaan ko nalang sila, baka about to sa sakit ko. Kaya nag kibitbalikat nalang ako.
Ilang segundo palang pareho silang tumayo sa upuan na inuupuan nila at lumapit sakin.
''nak? We'll be back ah? I have something to tell Danreb. Okay, dyan lang kami sa labas.' sabi niya at hinalikan ako sa noo.
'Hon, kakausapin ko lang si Danreb sa labas. Please stay here muna for our son.' Sabi niya kay Papa at lumabas na sila ni Danreb ng kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Papa. Umupo si Papa sa isang upuan malapit sa kama ko at hinawakan ang kanan kong kamay at marahan itong hinaplos. Tumingin siya sakin na may pagaalalang ekspresyon.
'Freya, anak.' Umpisa ni Papa habang nakaharap sakin.
'Po, Dad?' Tanong ko dito.
'Umm.. Kamusta kayo ni Danreb? Kinausap mo na ba siya?' Tanong niya sakin habang hinahagod ang ulo ko.
'No, dad.' diretso kong sagot.
'Why? I mean, hanggang kailan? Akala ko ba mahal mo siya? Here he is, ready and willing to stay besides you. I'm not telling to sound na boto talaga ako kay Danreb for you, but if Danreb only makes you happy and love you unconditionally, then it's my duty to support your relationship.' mahabang saad ni Papa na ikanabigla ko.
Minsan lang ganito seryoso makipagusap si Papa. Minsan niya na ako sineryosong kausapin tungkol dun sa break-up namin ni Austin, and now here he goes, kinakausap ako ng masinsinan.
Umakto akong tatayo at tinulungan akong maupo ni Papa at pinasandig sa head board ng hospital bed.
Tumingin ako sa bintana at kita doon ang papalubog na araw. Kung hindi ko lang tatay tong nagtatanong sakin e isno-snob ko lang talaga to. But no, he's my father and he have all the rights to know what situation I am up to.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Novela JuvenilMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...