3rd Person's P.O.V
Naiwang mag-isa si Danreb sa school nilang iyon habang natutulog sa bench.
Kahit sa pagtulog ay dala-dala niya parin ang pait at sakit na dinanas niya, hindi lamang sa nangyari nung concert nila kundi pati ang nangyari mahigit apat(4) na taon na nakalipas ay bumabalik parin sakaniya ang mga nangyaring trahedya sa kaniyang minamahal na si Freya.
Hindi niya makakalimutan ang mga sandaling sinisigawan niya si Freya dahil sa tutol siya sa magaganap na kasal, ngunit dahil sa kaniyang ginawa ay naging dahilan ito ng nangyaring aksidente.
Walang may gusto nun pero siya ang binabalingan ng sisi at pagkapuot.
Inako niya ang lahat ng pagkakamali dahil kahit siya ay sarili niya ang sinisisi sa nangyaring iyon.
Kaya habang tulog ay may pumapatak paring luha sa kaniyang nakapikit na mga mata...
--
At sa kabilang dako, nagiimpake na ng mga damit si Klare dahil plano niya ng dalhin si Dave sa Amerika upang lumayo pansamantala kay Danreb.
Hindi niya lubos maisip na maririnig niya ang salitang iyon kay Danreb, dahil ang buong akala niya ay naka-move-on na ito mula kay Freya. Dahil base na rin sa sinabi niya sa concert niya ay buong panatag na siyang, siya na ang mamahalin ni Danreb habang buhay, ngunit nagkamali niya.
Ng marinig ang sinabi ni Danreb na 'But I still love you more than you know.' ay parang pinagbagsakan na siya ng mundo.
Akala niya ay buong loob na siyang mahal ni Danreb, akala niya siya na at ang anak nilang si Dave ang pinakamamahal ni Danreb, akala niya habang buhay silang magiging masaya sa piling ng isa't-isa, akala niya sakanila na ni Dave ang puso't isip ni Danreb, ngunit ang lahat ng akala niyang iyon ay pangarap nalang na malabo ng matupad.
Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para kay Danreb ngunit alam niya sa sarili niyang wala siyang laban kay Freya, kay Freya na unang nagmahal ng wagas at nagparamdam ng pagmamahal kay Danreb.
Kaya mas pipiliin niya nalang lumayo kesa manggulo, dahil alam niyang hindi niya masisisi si Danreb kung si Freya ang piliin nito kesa sa kanila ni Dave.
Habang nag-iimpake ay panay ang tulo ng kaniyang luha, gusto ng puso niyang manatili ngunit ang sinasabi ng isip niya ay 'tama na, sobra na.'.
Naupo siya sa kama at doon ay humagulgol na sa kakaiyak dahil hindi niya alam kung ano ang susundin niya, ang kaniyang puso na gustong mag-stay o ang isip niyang nagsasabing bitaw na.
--
Habang si Freya, nagmumukmok sa kaniyang silid at panay parin ang iyak.
Mahal niya si Danreb ngunit kung ipagkakait nito ang pagiging Ama ni Danreb sa anak niyang si Dave ay mas pipiliin niyang lumayo. Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para kay Danreb ngunit alam niya ring wala siyang laban kay Klare, dahil ang pangarap na 'normal na buhay' noon ni Danreb ay natupad na. Kaya sino ba siya para pigilin at maging dahilan upang masira ito?
Mahal na mahal niya si Danreb, kaya kahit sobrang hirap ay mas pipiliin niyang wag ng guluhin si Danreb upang maging maligaya na ito sa piling ng pamilyang binuo nito.
Bigla siyang natigil sa pag-iyak ng maalala niya ang nangyari kagabi.
Bago siya magpaalam kay Danreb na aalis na siya ay may naaninag siyang parang hugis ng isang babaeng nasa dilim noon at nakatakip ang mga palad sa bibig nito, at nakasuot ito ng dilaw na dress at medyo mahaba ang buhok na abot sa may tiyan nito.. Ngunit isinawalang-bahala niya nalang ito dahil kailangan niya ng umalis agad sa lugar na iyon.

BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Novela JuvenilMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...