Freya David's P.O.V
(A/N: Siguro napansin ninyong always na si Freya yung P.O.V, sorry! He-he-he. Kailangan kasi, atsaka meron parin kay Danreb pero medyo matatagalan pa siya. Hohoho! Basta enjoy reading. Chees! :>)
...si Danreb, siya yung nakaupo sa mga bench sa waiting area sa airport.
Tatabihan ko sana siya pero alam kong galit at inis siya sakin kaya mas pinili ko yung upuang medyo malayo sakanya pero tanaw parin siya.
Sana nga okay na siya, okay na yung inis niya at humupa na yung galit niya.
Ang hirap kasi, mahirap na hindi niya ako pinapansin at kinakausap man lang.
Masakit sa loob-looban pero dapat tanggapin, kailangan.
Ilang minuto pa kami naghihintay ng biglang nag announce na yung flight na namin yun.
Agad naman akong tumayo at dumiretso na..
May iilan kaming kasama sa plane, private plane sana ang gagamitin namin kaso nagkaaberya don. Kaya no choice.
Naunang pumasok si Danreb sa plane medyo nahuli ako kaya nung pagpasok ko. Kita kong punuan na, nakita ko na walang katabi si Danreb pero takot ako, baka awayin niya lang ako.
Pero naagaw ang atensyon ko ng biglang may tumawag sakin.
'Freyaa! Here, seat with me. Wala naman akong katabi e.' Sabi ni... Austin.
'A-ah? Okay... Thankyou!' Saad ko sakanya habang nakangiti at umupo sa tabi niya.
'Who's with you ba?' tanong niya sakin.
'Ah. Si D-...'Naputol ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita.
'I'm with him, my fiancé rather. Why?' Sabi ni.. Danreb na ikinagulat ko.
'Ow? Danreb. Its you. Long time no see.' sabi ni Austin habang nakangiti kay Danreb.
Pero itong isa, ang sama ng tingin kay Austin.
'I'm fine. Anyways, don kana sa tabi ko umupo Freya. Kanina pa kita inaantay e.' sabi niya at bumalik na sa upuan niya.
'A-ahh.. O-okay.' saad ko sakanya.
'Thankyou pala Austin, pero don nalang ako kay Danreb.' Saad ko bago ako tumayo pero bago pa ako makahakbang e hinila niya ang braso ko dahilan para di ako makaalis.
'Ano yung sinabi niyang 'fiancé'?' Tanong niya sakin at halata sa mukha niya na naguluhan siya.
'E-eh? Yeah. Fiancé ko si Danreb, a-at ikakasal na.. kami sa thursday..' Paliwanag ko sakanya at pilit na ngumiti.
'O-ow? C-congrats for the both of you.' Sabi niya at agad na inalis ang pagkahawak sa braso ko.
Ngumiti lang ako sakanya at agad na nagtungo kung saan nakaupo si Danreb.
Awkward akong umupo sa tabi niya.
Tumingin lang siya sakin ng pag-upo ko at inalis rin agad.
Tahimik at nakayuko lang ako sa tabi niya habang nasa byahe.
Alam kong kinakabahan ako kasi katabi ko siya pero hindi lang kaba ang nararamdaman ko, kundi takot at pagkahilo.
Nahihilo kasi ako pag hindi ako nakakakain ng candy na kinakain ko kapag nasa flight ako.
Parang anytime, masusuka na ako.
Nakita ko na may maliit na eco-bag na nasa harapan ko at agad ko ito kinuha kasi di ko na makayang tiisin ang pagkahilo.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Teen FictionMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...