Chapter 6 - Freya

2.2K 76 2
                                    

Freya David P.O.V

Habang hatakhatak niya parin ang braso ko, nagpapadala nalang ako kasi kaninang sinubukan kong kumawala ng muntik niya na akong mahalikan. Takot ko lang ano!

Ilang segundo pa ang lumipas ng mapansin ko na papunta kami sa pinakalikod ng building kung saan ay bihira lang ang mga estudyanteng pumaparito dahil nga medyo malayo at tago.

"Close your eyes." Saad niya habang hinaharangan ang direksyong aking tinitingnan.

"Huh? Bakit nanaman? Ano nanamang pauso 'to." Pabalang kong tanong.

"Basta, close your eyes. Just trust me. I wouldn't do anything to hurt you." Saad niya habang nakangiti.

Sheeyt nakakapanghina yung ngiti niya. Grrr!

"Pero kinakabahan ako. Baka anong gawin mo habang nakapikit ako." Sabi ko dito habang kinakabahan. Akma na sana akong tatalikod para umalis ngunit pinigilan niya ako.

"Walang mangyayaring masama, okay? Just trust me." Pangungumbinsi nito.

Dahil sa salitang trust me, bigla nalang nawala yung takot ko. Parang I feel safe with him beside me.

"Basta wag matagal ah? I'm afraid." Sabi ko dito sabay pikit ng aking mga mata.

"Okay. It won't take long, Freya." Saad nito at agad na bumitaw mula sa pagkakahawak sa mga kamay ko.

Ilang minuto pa ang tinagal ng pagkakapikit ko ng may biglang humawak uli saking mga kamay.

"I'm here, don't you worry it's me. Basta sumunod ka lang sakin ah? If I say open your eyes saka mo bubuksan ah? Trust me on this, Freya, okay?' Saad nito at humagikkik ng tawa ngunit 'di gaanong malakas.

Marahan niya akong hinila papunta sa isang direksyon, nagpadala lang rin naman ako sa kaniyang paghila saakin.

Ilang steps pa ang nagawa ko nang bitawan niya ulit ang kamay ko.

"You can now open your eyes." Saad niya habang dahan dahan kong ibinu-buka ang aking mata upang makita kung ano ang kaniyang ipapakita.

Sa aking pagdilat natanaw ng aking mga mata ang isang mesang puno ng pagkain at mga bulaklak, na may dalawang upuan na harapan. At sa paligid nito ay mga bulaklak na nakasabit muna sa taas ng puno pababa. 

Ang ganda. Ang ganda ng tanawing aking nakikita. Halatang-halata na pinaghandaan ang lahat ng ito.

Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid ay nakanganga lang ako dahil sa sobrang pagkamangha.

"Nagustuhan mo ba?" Panira niya sa moment ko habang nakangiting nakatitig sakin.

"Oo naman, ang ganda nga 'e. Pero para kanina ba 'to? Ang special niya naman ata?" Tanong ko dito habang hindi parin natatanggal ang pagkamangha sa aking mukha dahil sa mga nakikita ko.

"Para kanino? Kanino pa ba? Edi sayo, freya." Saad niya na agad ikinabigla ko. Nanghina ang mga tuhod ko na parang gusto ko nalang maupo dahil sa rebelasyon.

"Umupo ka muna baka matumba ka pa dyan. Haha" Saad niya at agad hinila ang upuan at pinaupo ako duon. Alaskador talaga 'to.

"S-salamat. P-pero bakit... Anong meron? Di ko naman birthday ah?" sabi ko dito habang nabulol-bulol. Hindi ko makapa ang mga dapat kong sabihin.

"Pag may birthday lang ba dapat may suprise at ganito?" saad nito ay umupo na rin sa harapan ko. Again.

"Hindi naman sa ganoon pero parang iba lang kasi. You know? I'm not used to this kind of stuff. That's why. hehe" Pinilit ko nalang tumawa ng pilit at ngumisi kahit na hindi ko na alam ang tama kong gagawin'

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon