Unedited//
Danreb's P.O.V
Nakatulog na pala ako dahil sa kakaisip kay Freya.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw at kanta ng mga ibon sa labas.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at sinuot ang tsinelas ko. Kinuha ko yung twalya ko at gamit pang ligo, papalapit na ako sa banyo ng bigla kong makita sila Kuya Chad at Tina na nag-uusap.
Ayon sa aking palagay e may pinag-uusapan silang importante and who am I to interfere? Kaya imbes na lumabas ng kwarto ay pinili ko nalang manatili muna at hintaying matapos silang mag-usap.
Humiga muna ako ulit at sinubukang mag muni-muni ng ilang saglit lang e biglang tumaas ang tono ng boses ni Kuya Chad na ikinabigla ko. Napatayo ako at napasandig sa pinto ng kwarto ko.
Ayaw ko mangmangialam e mukhang may debate ng nagaganap kaya minabuti ko ng makinig para kung lumala e mapapatigil ko pag ako'y lumabas.
'Hindi pwede sabi!! May mahal siya sa lugar kung san siya galing. Hindi malayong paasahin ka lang niya!' Saad ni Kuya Chad na bigla kong ikinabigla. Sinong pinag-uusapan nila? Napatayo ako mula sa kama at lumapit sa pinto.
Because of curiousity e mas lalo kong dinikit ang tenga ko sa pinto para mas lalong luminaw at madinig ang pinag-uusapan nila.
'Pero... bakit? Dahil ba sa mahirap ako? O dahil sa probinsyana ako? Bakit bawal, Kuya Chad?' Tanong ni Tina na may kasamang pag-iyak. Rinig mong panay singhot at panay hagulgol si Tina na wari'y aping-aping.
'Hindi. Pero may mahal nga siyang iba! Kaya siya nandito kasi gusto niya munang makalimot sa sakit at maka-recover sa mga nangyari. Hindi mo ba kayang intindihin yon?' Sabi ni Kuya Chad sa galit na tono kaya biglang napatahimik si Tina.
Ilang saglit ay natahimik ang lahat.
Ang buong akala ko ay tapos na ang diskusyon pero hindi pa pala...
'Pero Kuya! Mahal ko na si Danreb!!!' Sigaw ni Tina at bumalik ang panay hagulgol neto.
'Nahihibang kana ba Tina? Anong mahal? Mahal mo na agad? Ito pa lang ang pangalawang araw na paninirahan dito ni Danreb at mahal mo na agad? Naririnig mo ba ang sarili mo, ha, Tina!?' Sabi ni Kuya Chad dahil sa sinabi ni Tina.
Pati ako ay nagulat. Mahal? Mahal agad ako ni Tina? Imposible naman ata yon? Ganon ba talaga kadali yon?
Andaming tanong na pumasok sa isip ko ng bigla akong may maalala...
Unang kita ko palang kay Freya ay na-inlove na rin agad ako. Hindi ko rin maintindihan kung anong nangyari sakin non basta alam kong mahal ko na agad siya sa unang kita ko palang sakaniya.
Posible kaya yun? O isa yun sa dahilan kung bakit ang bilis namin din ng paghihiwalay namin, tulad ng kaybilis ng aming pagmamahal.
Ayaw ko na mangyari yon kung sakali man. Mabuti ng iklaro ko kay Tina ang sitwasyon, magbabaka sakali lang ako na maintindihan niya. At habang maaga pa ay mapigilan niya ang pag-usbong ng damdamin niya para sakin dahil wala akong ibang mamahalin, kundi si Freya lang at wala ng iba. Si Freya lang...
---
Nakatayo parin ako sa may pinto ng biglang mag tumoktok dito, senyales na may tao.
'Sir Danreb? Gising na po ba kayo? Mag almusal na po kayo.' Base sa boses alam kong si Nang Linda ito.
Kaya agad kong ginulo ang buhok ko at damit ko para mukhang kakagising lang.
'Opo! Saglit po at pagbubuksan ko kayo.' Sabi ko dito.

BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Novela JuvenilMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...