Danreb Olivar's P.O.V
Si... si Freya. Suot niya ang black coat, white na pollo sa loob at itim na pants at white shoes na talagang bumabagay sakanya. Nakaupo siya sa isa sa mga table na mag-isa. Nakatuon lang siya sa tubig na hawak-hawak niya.
Lalapitan ko na sana siya pero maglalakad pa lang ako may lumapit na sakanyang lalake. Upo sa harat niya at kinausap siya. Hindi ko alam ang pinaguusapan nila pero mukhang importante.
Kaya imbes na lalapit ako sa table nila e mas pinili ko nalang umupo sa isang table na malapit at kitang kita kung anong ginagawa nila.
Ewan ko pero naiinis ako dun sa lalakeng lumapit kay Freya. Ang sarap basagin yung mukha niya. Letche siya.
Ilang minuto pa ang tinagal ng kanilang paguusap ng mapansin kong nagpupunas si Freya ng mga luha na pumatak sa pisngi niya. Dahilan yun para ikagalit ko at akmang tatayo ng makita kong nagyakapan silang dalawa, ilang segundo din ang tinagal nila sa pagkakayakap sa isa't-isa ng bumitaw sila at ngumiti ng matamis si Freya at umalis na yung lalakeng nagpaiyak sa mahal ko.
Umupo siya ulit at matulala ulit sa baso niya, lumapit ako at tinakpan ang kanyang mga mata para sana pahuhulaan ko kung sino ako.
'Hays. Danreb, wag ka ng pa effect. Kilala kong ikaw yan.' Saad niya sakin.
Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mata niya at umupo sa tabi ng habang tumatawa.
'Pano mo nalaman na ako yun?' Tanong ko sakanya na agad nyang ikinangiti.
''Eh, alam na alam ko ang pabango mo e, bago mo kasi gawin yun, siguraduhin mong hindi ka nag colone. Okay? Palpak masyado e. Hahaha' Saad niya sabay hagalpak ng tawa.
Ngayon ko lang nakita kung gaano siya tumawa ng sobrang tawang tawa.
'Oo na, oo na. Hindi na po mauulit mahal na prinsesa.' Saad ko dito at agad nag bow.
'Prinsesa ka dyan, baka pareho tayong prinsepe? Wag ka ngang ano dyan.' Sabi niya na agad ko namang ikinatawa.
'Okay, sabi mo e. Pero wait, bakit ang saya mo.' Tanong ko dito pansin ko kasi simula ng kinausap siya nung lalakeng yun ay um-okay na ang aura niya 'di tulad ng una kong kita sakanya kanina.
'Bakit ayaw mo ba akong masaya?' Pangaasar niya sakin. I love the way na tumawa siya, super cute!
'Hindi naman, sana nga araw-araw kang ganyan e.' Saad ko dito.
Gustuhin ko mang tanungin kung sinong lalake yung kausap niya kanina e mas pinili kong mag kibit-balikat nalang.
Tumagal kaming magusap at walang ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa.
Ng biglang magsalita ang M.C ng party.
Napatigil kami sa pagaasar dahil don.
'Ladies and Gentleman, thankyou for attending this special night that we are celebrating for our dear birthday celebrant, its no other than Mrs. Editha Santiago. Please give her a big big round of applause.' pagpapakilala ng M.C
Nagpalakpakan ang lahat habang hinihintay ang paglabas ni Mrs.Santiago galing ng bahay nila. May hagdan kasi sila sa likod ng bahay nila papuntang garahe, yung garahe nilang sobrang laki na parang gymnasium, malaki rin naman samin pero para sa kotse ko at ni Papa lang yun.
Naglakad siya with her purple dress at lumapit sa mic.
'Magandang gabi sainyong lahat, thank you sa pagdalo sa kaarawan ko, ikinagagalak at ikirarangal kong makita ko kayong lahat ngayon. Pero hindi lang birthday ang mangyayari ngayon, dalhin may announcement ako este kami ng bestfriend ko since high school, si Mrs. Elsa Mcsaint.' saad niya sa mic at nagpalakpakan ang lahat. Ako rin kasi Mama ko yun e.
![](https://img.wattpad.com/cover/136986022-288-k157770.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Novela JuvenilMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...