Chapter 38 - Danreb

1.1K 48 22
                                    

Danreb Olivar's P.O.V

Paalam, Freya. I hope you could forgive me for everything. Sorry! I love you...

~~~

Habang naglalakad na ako sa hallway ng hospital.

Hindi ko maikakaila na kaawa-awa na ang itsura ko dahil sa sobrang kakaiyak ko at ang namamaga kong mata dahil na rin sa kulang sa tulog at kakaiyak.

Oo, mahirap. Pero siguro ito na yung dapat na gawin ko.

Oo, masakit. Pero itong sakit na 'to? Ito ang magpapabago sakin. Ito ang magtuturo ng aral sa lahat ng mali at masasamang bagay na ginawa ko kay Freya.

Oo, nagmumukha akong talunan. Dahil sa bawat laban, palaging may talo at panalo. Malas ko lang at sa talo ako napadpad.

Tanggap ko na talo na ako simula palang dahil narin sa mga ginagawa ko.

At habang papalabas ng hospital e may nabasa akong quote na nakapaskil sa billboard.

I don't know if coincidence lang ba or talagang nananadya sakin ang tadhana.

"Sa bawat laban, palaging may talo at panalo. We have to accept the fact that sometimes, even the toughest and the bravest soldier have to bend his knees and surrender."

At dahil don, mas lalo tuloy na lumakas ang pag-iyak ko. Humahagulgol na ako sa sobrang iyak.

At isa pang rason kung bakit ako naiiyak e, wala akong dalang wallet, phone o sasakyan. Pano ako makakauwi?

Ayaw ko man e wala akong ibang choice kundi ang pumasok ulit sa hospital at makitawag sa frontdesk.

Hirap man pero pinatatag ko muna ang sarili ko at pinigilang umiyak. Nagpunas ako ng mga luha sa mukha ko para magmukha naman akong hindi kaawa-awa.

Pumasok na ako at agad na pumunta ng frontdesk ng hospital.

'Uhm... Miss? Can I use the telephone?' Tanong ko sa nurse na nasa frontdesk ng hospital.

'Uh, yes sir. Go ahaead.' Sabi naman ng nurse na hindi inaalis ang tingin sakin.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na tinawagan si Jamie.

Siguro don na muna ako tutuloy. Susubukan kong timbangin ang bagay. Kung tama ba ang magiging desisyon ko.

Ilang Segundo pa akong naghintay para sagutin ni Jamie ang tawag at maya-maya pa ay sinagot niya na rin ito.

'Hello? Jamie Arabejo speaking. How may I help you?' Bungad na bati sakin ni Jamie mula sa kabilang linya.

'J-jamie? This.. is Danreb. Where are y-you?' tanong ko sakaniya habang pinipigilan ang pagiyak ko.

'Oh. Hi, Reb! I'm at my home. Fancy to visit here? It's been awhile since your last time being here?' pagaaya niya sakin.

Buti at handa parin akong tulungan ng mga kaibigan ko kahit hindi na kami masyadong nagkakausap-usap o nagkikita.

'U-uhm.. Yun na nga sana e... Gusto ko sana munang mag stay dyan sa bahay niyo for awhile.' Sabi ko.

'Sure, sure. You're always welcome to my house. You can come here anytime you want to. But let me ask you first, bakit gusto mo pumunta dito?' tanong niya.

'May-.. may problema ako, pre. And I need you. I-I really need you, Jonathan and Jeric, right now...' Sabi ko sakaniya na at hindi ko na napigilan pa ang pagiyak ko.

'Okay, bro. Just go here and we'll help you to solve your problem.' Sabi niya.

Salamt talaga sa mga kaibigan ko. Hindi talaga sila nag kulang.

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon