Chapter 30 - Danreb

1.2K 36 3
                                    

Danreb Olivae's P.O.V

A week had pass pero hindi parin pinapayagan ng Doctor na makalabas si Freya ng hospital dahil ino-obserbahan pa ng mga Doctor kung okay na ba talaga si Freya o kailangan niyang uma-undergo sa isang medical examination through pyschiatrist.

Takot si Freya dahil never pa siyang naka-experience ng one on one talk with a psychiatrist although malamang first time niya talaga kasi nga wala naman siyang saltik diba? Ha-ha.

Sa loob ng isang linggo, wala akong ginawa kundi ang bantayan at ipaalala ang pag take ng gamot at pagkain ni Freya, oo't talagang nakakapagod, dahil na rin sa kulang sa tulog at hindi pu-pwede ang pa-relax-relax.

Pero ang lahat ng ito ay kulang pa para sa lahat ng ginawa ko at idinulot kong masama kay Freya. At alam ko sa sarili ko na, I deserve all of this, 'coz this is the consequences of what I had done towards Freya. Kung hindi ko lang sana ginawa yung mga ginawa ko noon ay hindi sana maghihirap ng ganito si Freya.

But nandun na yun, kailangan nalang namin magpakatatag sa pagharap sa mga darating pang pagsubok sa buhay namin ni Freya.

Minsan ay sa sobrang pagod ay nakakaidlip ako kahit saang lugar, minsan sa tabi ng kama ni Freya, sa upuan, sa sofa, sa C.R., sa Nurse Station, kung san-san lang dahil sa sobrang pagod ay nakakaidlip nalang ako, pero ang pinagtataka ko e madalas akong nagigising na nakataklob ang buo kong katawan ng kumot...

Wala namang pwedeng maglagay na Nurse nun, edi sino kaya? Don't tell me... si Freya? 'E pano naman yun? Remember? May amnesia siya, he won't remember you. He's just recognizing you as a stranger and that's all.

Nakaupo ako sa sofa habang nakatulala sa mukha ni Freya habang natutulog, nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang nag ring ang phone ko.

*Cringggggggg!*

Bumalik ang ulirat ko at kinapa at hinagilap ko ang phone ko kung saan-saan dahil nakalimutam ko kung saan ko nailapag, ng makita ko agad kong sinagot ang tawag without knowing kung sino ito dahil baka magising si Freya dahil sa ring tone ng phone ko.

Danreb: H-hello? Who's this?
Someone: Danreb? Please come back to me,...I can't live a life without you, I and Dave is longing for you. I still love you.. Kaya kong kalimutan lahat... lahat-lahat, gagawin kong kalimutan basta't... bumalik ka lang sakin, Danreb... Mahal na mahal kitaaaaa!!

Pagkarinig ko palang sa boses ay familiar na at nung sinabi niyang Dave ay alam ko na agad na, na si Klare to. At base sa sinabi niya e gusto niya akong bumalik sakanila ni Dave.

Natahimik ako ng napagtanto kong, may pamilya pa pala akong naiwan. Hindi lang si Freya ang dawit sa nangyari, kung pipiliin kong mag stay kay Freya e mawawala ang pamilyang binuo ko, mawawalan ako ng Anak. At kung si Freya ba ang pamilya ko e magagawa ko rin bang makabuo ng pamilya? Yung may mga anak na ituturing at asawang karamay mo sa lahat?

Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla ulit magsalita sa Klare sa kabilang linya.

Someone/Klare: D-danreb!? Anoo? Dyan ka na sa baklang mahal na mahal mo uh? Mas pipiliin mo siya kesa sakin, samin ni Dave?... A-ako... Ako ang asawa mo, at si Dave? Si Dave ang anak mo... To inform you, baka nakakalimutan mo...

Nasaktan ako sa salitang 'baklang mahal mo' parang sinaksak ako ng libo-libong kutsilyo sa puso ko, biglang nag init ang ulo ko. Pero kailangan kong mag pigil.

Danreb: Klare, you're just drunk. Please go home, and drive safely. Gabi na at baka mapahamak ka pa.

Klare: N-noo!! I'm not drunk, I know what I am sayinggg... Bakla yun Danreb!! Bakla si Freya... Wala siyang matres tulad ko,... Di ka niya mabibigyan ng anak. Ako... Ako, nabigyan kita ng anak, ayan si Dave oh... Kita mo na? E siya ba? Kaya kang bigyan ng supling... WAKE UP FROM YOU'RE DREAM, Danreb! WAKE UP!!

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon