🐉PagSubok O Panganib?🐉

9 0 0
                                    

Ayun na nga tinanggap ni Dragono ang pagsubok na ibibigay ko sakanya ngunit malampasan nya kaya ang bangis ni Matang Buhay? Si matang Buhay ay kinakatatakutan sa Sutra-Salamandra
Sa Pagka't mahusay ito sa salamaca, at sa pag gamit ng sandata, lumalaban din ito sa mga Bathala ngunit ni minsan ay di ito natalo dahil di ito tinatablan ng kapangyarihan o sandata... Paano kaya sya malalampasan ni Dragono?

Drago: Anak kung nais mo Maangkin ang Sentro.. Bueno Kalabanin mo si Matang Buhay!

Dragono: Sino man yan wala ako aatrasan! Ako si Dragono ang anak mo kamo?
Pwest papatunayan ko sayo na magaling ako sa pakikipaglaban!

Drago: Anak Kilala mo naman na siguro ang Alamat na si Matang Buhay kaya mag ingat ka sakanya!

Dragono: Hindi ako takot sakanya! Lalabanan ko sya kahit sa Impyerno!

At sa pagsabi nya nun tila nabulabog si Matang Buhay at lumabas ito sa harapan namin habang kami ay patungo sa kanyang Lugar... Di naman kalayuan sa Lugar nya ang kanyang pinag labasan.. Kilala rin si Matang Buhay na magaling manakop ng Lugar! Kaya kahit malayo sa lugar nya inaangkin nya ito...

Matang Buhay: GWaaaaaaaaar! Ang Lakas ng loob mong sabihin yan! Bakit ano ba ang Pinagyayabang mo Dragono? Ang pag papalaki sayo ng mga walang Kwenta na itim na salamangkero at salamangkera mula sa Sutra-Salamandra? HAHA!

Dragono: haha ama! Ito ang halimaw na kinakatatakutan ng lahat? Mukhang piputsuging nilalang! Haha!

Matang Buhay: Haha Oo Dragono pipitsugin ako pero kaya mo kaya ako lampasan? Haha

At napansin ko nag kakainitan na ang dalawa sinabi ko kay Dragono na simula na ng pagsubok nya...

Dragono: Maghanda ka Halimaw mag tutuos tayo!!!

Matang Buhay: Patunayan mo sakin na Wala ako kwenta! Haha!

Bumuga ng Asul na Apoy si Matang Buhay
At Muntik nito Matupok si Dragono.
Kaya naman gumanti si Dragono ngunit iba ang ginawa nya ginamitan nya rin ng Salamanca si Matang Buhay na lalu pa nag bigay lakas dito...

Matang Buhay: haha! Sa tingin mo ba matatalo mo ako pag gumamit ka ng Salamanca? Hahaha sige ubusin mo ang salamanca mo sa akin tignan ko lamang kung mag wagi ka hahaha!

At ayun na nga nag laban muli sila parehas patas laban nila ngunit tuso rin ang anak ko kaya naman wala sakanila ang nais sumuko!!! Muli Bumuga ng Apoy si Matang Buhay at sa oras na to Kulay Berde ito...
At agad pumasok sa isip ko na ang
Asul na apoy-Ay pag Asa
Ang Berdeng Apoy-Ay Lakas
At ang Pulang Apoy-Ay Pagmamahal
At ang Puting Apoy- Ay Kabusilakan ng loob... Tila ito ang nais ipahiwatig ni Matang Buhay! Maisip kaya ni Dragono Ito?

Dragono: akala mo natatakot ako??? Etong sayo!!!!

At binugahan ni Dragono ng Pulang apoy si Matang Buhay na inakala nyang magpapataob kay matang Buhay...
Ngunit gumanti si Matang buhay ng
Pulang Apoy...
At dito nya na sugatan si Dragono...

Matang Buhay: Haha! Ano akala mo di kita kaya tapatan Dragono?? Haha!!!!

At habang Iniisip ni Dragono paano pa pabagsakin si Matang Buhay nag bigay ito ng Bugtong...

Dragono: Paano ko ba tatalunin tong pesteng halimaw na to?!

Matang Buhay: Pusong Nag liliyab sa pagmamahal, Isip na Lumalason sa apoy ng pag ibig tuluyan na nag sara ang pinto ng pag asa....

Dragono: Hibang na Halimaw!!!!! GWaaaaaaaaar!

At patuloy ito sinugod ng sinugod ni Dragono hanggang sa masaktan nya ito! ngunit hindi parin nasasaktan si Matang Buhay.... At dito na nag isip si Dragono anong dapat gawin kay Matang Buhay!
Ngunit hindi nagpatinag si Matang Buhay agad nyang Binawian si Dragono at Sinaktan at sinabihan..

Matang Buhay: Mamatay ka rin tulad ng mga Hangal na Tinawag akong Walang Kwenta!!!!

At hinigop ni Matang Buhay ang Enerhiya ni Dragono ngunit Lumaban parin si Dragono kahit sugatan at nanghihina na sya hawak nya parin ang sandata at tila wala sya planong sukuan si Matang Buhay!
Wala ako magawa sa Pagka't ang batas sa aming mundo ang hamon para sayo ay para sayo lamang! Pag may nakielam may sumpang nakahandang dumapo sa nakielam...
Matakasan kaya ni Dragono ang Bangis ni matang Buhay? O Tuluyan syang Babawian ng Buhay ni Matang Buhay?

Matang buhay: Haha! Sugatan at Nanghihina kana Dragono! Ano kaya mo pa ba ako? Hahaha!!!

Dragono: oo! At Hindi kita susukuan pesteng Halimaw!!!!

At gumamit ng Salamanca muli si Dragono...

Dragono: (emeperatum, Ayenimarutu, empatum!) Bigayan ako sapat na Lakas para Labanan si Matang Buhay!!!!!

At Maging si Matang Buhay ay nagulat ng Kumidlat at nag dilim ang langit....
Na tila may Bagyo...

Matang Buhay: Haha hindi mo ako masisindak!

Ano kaya ang Magiging Wakas ng Pagsubok na to? Panganib o Tagumpay?

ABANGAN!

CHAPTER VIII
SUTRA-SALAMANDRA

TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon