🐉Dragono &Dragnof🐉

38 1 0
                                    

Ako muli si Drago ang Ama Nila Dragono at Dragnof..
Ayan na nga dahil sa aking paghahanap kung saan naroroon ang mga anak ko...  Napadpad ako sa Apoy Ng Katotohanan at nalaman kong nasa magkaibang mundo ang dalawa kong anak ngunit bigla nawala ang pangitain ko sa Apoy ng katotohanan..  Na parang may humaharang dito...

Drago: Ano???  Apoy ng katotohanan inuutusan kita ipakita mo sakin saan sa Dragonoia at Sutra matatagpuan sina Dragnof at Dragono!!!!

Apoy ng Katotohanan: Patawad Mahal na Bathala yan lamang ang naabot ng aking mata, sa pagka't may humarang na sa aking pangitain...

Drago: Ano?  Sino?! 
Apoy ng katotohanan:Kung aking sasabihin ano ang ibibigay mo sa akin kapalit???

At Dahil kilala din ang apoy ng Katotohanan na Nagbibigay sagot sa mga nilalang na may nais pa malaman bukod sa kanilang nakita dito...  Ngunit may kapalit na ito..  At pag nabigay mo ang kapalit sakanya sasabihin nya sayo ang nais mo....

Drago: Bathala Ako kaya wag mo ako pinag Loloko!!!

Apoy Ng katotohanan: Kapalit Para Sa isa mo pang nais...

Drago: Bueno!  Heto ang Bente Pirasong Ginto!  Ngayon sabihin mo sa Akin sino sya!!!
Apoy ng katotohanan: Walang Iba kung di ang amang Bathala na si Uriti...

Drago: Si..  Ama???

Apoy ng katotohanan: Syang Tunay....

At dahil sa nalaman ko, ako ay umalis na ng lugar ng apoy ng Katotohanan para harapin si Amang Uriti..  at sa aking Pag lalakbay may nakasalubong akong dragon na agresibo at kasing lakas ko!  Inisip ko sugo ito ni ama...  Ngunit dumating si ama at sinabi sa akin na pati sya hinamon ng Dragon ng Hindi nya pansinin ito nagalit ang Dragon...

Uriti: Anak Wag mo hayaan takutin ka ng pulang dragon na yan!  Para saan pa at ikaw ay naging Bathala katulad ko kung maduduwag ka sa isang...

Bago natapos ni ama ang sasabihin nya inatake sya ng dragon na tila na popoot sakanya!

Drago: Peste kang Halimaw ka!!!! Lubayan mo ang aking ama!!

Nilabanan ko ang Halimaw ngunit laking gulat ko ng mag kasing lakas kami at biglang nag anyong tao ito...

Pulang Dragon: Haha!  Nakakatawa Mga Bathala ng Talunan!!!  Wala ako pakielam sa mga pinag sasabi nyo at ikaw Uriti Napaka yabang mo!  Isang hampas ng aking buntot taob kana?!  Haha!  Inaatupag mo kase ang yabang bago ka lumaban!

Drago: ang lakas ng loob mong insultuhin ang mga Bathala na tulad namin eh kung i sumpa ka namin?

Pulang Dragon: Sumpa???  Haha sumpa na sa akin na naging ama ko ang isang Bathala na Walang PagMamahal sa akin! 
At kailan man ay di kita sasambahin!  Naiintindihan mo ba???

Laking Gulat namin ni Ama ng Marinig namin yun sa binatang Dragon...

Uriti: Dragono??  Ano at Nagagalit ka sa akin???

Pulang Dragon: Pesteng Dragono!!!!  Palaging si Dragono Ang Nakikita nyo!!!  Tama Nga Si Amang Haring Havioc Wala kayo Kwenta!!!! At Wala ako Halaga sa inyo!!!!

At nag bagong anyo ang dragon na umatake sa amin naging asul ito!  At Sumagi sa isipan ko si Dragnof...  Naalala ko na si Dragnof ay Isang Asul na Dragon na simbolo ng Tubig at Ulan at alon ng dagat...

Drago:Anak sandali lamang! Dragnof Nilalason ni Havioc ang isip mo para ikaw ay Mapoot sa amin! Anak hindi ko Gusto malayo ka sa akin!  Ngunit..

Ngunit di din Nakinig si Dragnof at inatake parin kami ni amang Uriti,...  At di nag tagal Dumating ang tunay na Pulang Dragon at Nilabanan nya si Dragnof...

Dragnof: Kahit kailan mula pagka bata inggetero ka!!  Hindi mo ako kaya!!

Pulang Dragon: Ikaw ang Naiinggit sa akin dahil masaya ako!  Kaya gusto mo matulad ako sayo!!!  GWaaaaaaaaar!

Dragnof: Kailanman ay di ako na ingget sayo!  Sa pagka't nais ko Lamang ay makaganti sa mga nilalang na tulad nila!!!

Pulang Dragon: Mag tigil ka Dragnof!  Hindi sila Ang kalaban kung di yang Havioc na yan!!!

Dragnof: Peste ka!!!!!  GWaaaaaaaaar!

At nag wagi ang pulang dragon ngunit may Banta si Dragnof na Babalik sya at sisiguraduhin nyang mapapasakanya ang mundo ng Sutra at Dragonoia!

Dragnof:Babalikan ko kayo!!!  Mga peste!!!!!! Hindi ako titigil hangga't humihinga pa ang mag amang yan!!!
Gwaaaaaaaaaaaarh!

Pulang Dragon: At aantayin ko Pagbabalik mo Kapatid ko...  Sana nawa ay magkasundo na Tayo...

At narinig namin ni amang Uriti ang sinabi ng Pulang Dragon...

Uriti: Apo?  Mga apo??

Pulang Dragon: Pa Umanhin Ngunit ngayon ko lamang kayo Nakita...  Sino ba kayo?

Drago: anak???  Maari ba kita yakapin???

Pulang Dragon: Sandali Lamang!  Hindi ikaw ang aking ama, at pangalawa hindi ko kayo kaano ano! 

Drago: ikaw si Dragono Hindi ba???

Pulang Dragon: Teka!  Bakit kilala nyo ako???  Sino kayo???? Mga Kalaban kayo ano?!

At tila nga di alam ni Dragono ang Tunay nya pagkatao...

Uriti: Patawarin mo ako Dragono Hindi ko sinasadyang ilayo kayo ang nais ko lamang ay Wag Matupad ang Propesiya!

Drago: At nais ko makasama mga anak ko!

At nag anyong tao si Dragono at nakita ko ang marka sa braso nya na patunay sya ang isa sa aking anak...

Dragono: Naguguluhan ako...  Anong ama???  Anong Lolo???  May alam ba kayo sa nakaraan ko?

Drago: Mahal kong anak marami...

At un na nga nag kausap kami ni Dragono at tila wala sya maalala at Na i kwento nya sa amin ang lahat ng nangyari sa buhay nila ni Dragnof....

Abangan....

Chapter III
White Lies...

TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon