🐉Ang Sentro ng Sutra🐉

8 0 0
                                    

Ayun na nga napa isip si Dragono at napatigil sa kanyang planong Pabagsakin si Matang Buhay... At ng sya ay mapatigil inatake sya ni matang buhay.. Ngunit ng ito ay umatake sakanya hindi nanlaban si Dragono at nagulat si Matang Buhay sakanyang nasaksihan!!!

Matang Buhay: Ano at hindi kana lumalaban sa aking Pulang Dragon!?

Dragono: Sa pagkat naniniwala ako na hindi sa dahas nakukuha ang lahat minsan ay sa pagpapakumbaba at pag intindi!!!

At tila unti unti nang nakukuha ni Dragono ang tunay na halaga ng Pag subok nya...

Dragono: Alam ko Matang Buhay na hindi ka masamang nilalang!  Ngunit bakit mo ako nais paslangin?  Dahil ba sa aking kayabangan?

Matang Buhay: Sa Pagka't ikaw ay Hambog! Akala mo kaya mo ang lahat!  Naniwala ka sa maling Paniniwala!  Palibasa yan ang Binaon Sa utak mo ni Wizzaleon! poot, at kasinungalingan!

Dragono: Kung ganun nais ko na paslangin mo ako kung yan lang ang susi para makamit ko ang nais kong sentro!!

Matang Buhay: Gagawin mo talaga Lahat para makamit ang Gusto mo?  Kahanga hanga ka talaga! Dahil sa iyong katapangan... Ikaw ay Binabati ko!  nawa'y makamit mo ang iyong gusto! Hanggang  Sa muli natin paghaharap!  Dragono!
At Bago kita lubayan...  Heto ang Isang crystal yan crystal na yan Magagamit mo sa itinakdang panahon... Ngunit ikaw lang ang kikilalanin nyang amo!  Sinuman ang umangkin sakanya...  May kamatayan na nag aantay sakanya... 

At nagtagumpay nga si Dragono makapasa sa unang Pagsubok ngunit sa ikalawang Pagsubok nya ay kailangan nyang harapin si Wizzaleon at Kalabanin... Sa Pagka't ang Sentro ay di sasama kay Dragono kapag di nya matalo si Wizzaleon dahil minsan na ito pagmamay-ari ni Wizzaleon!

Drago: Mahusay at iyong nalagpasan si Matang Ang huli mong pag subok ay harapin si Wizzaleon!

Dragono: Ang aking ama!?  Nahihibang kana ba?! Hindi ko kakalabanin ang aking amang si Wizzaleon!

Drago: pero ako na tunay mong ama nais mo makalaban? Ano Dragono ikaw ba ay totoong nag na nais ng Sentro o hindi???

Dragono: Ngunit ama ko sya!  Ayoko sya kalabanin!

At hindi ko nga mapapayag si Dragono sa kanyang Huling pag subok kaya ang aking Ginawa ay na ikuwento ko ang Dahilan at pinaintindi sakanya na makakamit nya lamang ang Sentro kapag natalo nya si Wizzaleon!

Drago: Anak naiintindihan ko nararamdaman mo!  Ngunit Hindi mo sya kailangan paslangin!  Handa na sya para harapin ka!  Pag natalo mo si Wizzaleon kusa sayo sasama ang Sentro!  Sa Pagka't ang Sentro ay kakaiba sa lahat!  Ito ay sumusunod lamang sa mga nilalang na nakikitaan nito ng potensyal at Pagka desidido!  Kaya anak yan ang pag subok mo!  At pag Hindi mo ginawa yan ang Sentro ay di sayo magpapasakop sapagka't minsan ito naging pag aari ni Wizzaleon!  Ngunit hindi na nya ito mahawakan dahil sa taglay nitong Kakayahan at naramdaman nito na hindi na sya Karapat dapat!  Ngayon kung ganyan ka at tatakasan mo ang Hamon sayo ng pagsubok na to...  Bale wala ang tagumpay mo sa unang pagsubok!
Ang nais ng Sentro ay mahigitan mo ang unang nag hanggad sakanya!  Kapag napatunayan mo iyon...
Hindi mo na sya kailangan hilingin sa Pagka't kusa ito sasama sayo.....

Dragono: Ngunit sya ay aking ama!
Hindi ko maatim na saktan sya!  Oo ikaw ay akin hinamon pero hindi ko rin maatim na mapaslang ka! Lalu na kay Amang Wizzaleon!

At ako ay nagulat sa Pagka't hindi sya nag papadala sakanyang Galit....  Ako ay lalo pang Humanga sakanya dahil akala ko sya ay puno na ng poot naisip ko rin na baka kaya ko rin napapayag si Wizzaleon sa pagsubok ng kanyang anak anakan ay dahil di talaga sya masamang salamangkero... Ngunit nahihirapan man ako kumbinsihin ang aking Anak sya parin ang mag dedesisyon...  Ngunit ako ay lalu pa nag Taka sa ibinigay ni Matang Buhay na crystal sakanya hindi ko naman makuha sa pagka't kilala ko si Matang Buhay na totoo ang kanyang mga sumpang binibitawan mahirap man maniwala ngunit pag sinabi nya ay nangyayari talaga!  Kaya hinayaan ko na ang crystal na iyon sa aking anak...  Nais ko rin makapasa sya sa Pagsubok na to!  Upang maiwaglit ang aking Pangamba sa Propesiya!  Na sa pag labas ng Tatlong bulan mag lalaban ang magkapatid!  At wawasakin nila ang Dragonoia at sutra!

Magawa nya kaya ang Huling Pagsubok sakanya?? At habang kami ay abala sakanyang huling pagsubok...
Dumating si Dragnof...

Dragnof: Haha!  Kaya pala tahimik ang Dragonoia wala dun ang Huwad kong ama!  Hindi mo ba ako naisip amang Huwad na Bathala!?

Dragono: Lumayas ka dito Dragnof!  Manggugulo ka lang naman!

Dragnof: Yan ba talaga ang tingin mo kada nagpapakita ako gulo???  Pwest hindi yan ang dahilan ko Dragono!

Ano kaya ang Nais ni Dragnof at muli sya nag pakita sa amin? Gulo nga ba o iba ang pakay nya???
Abangan...

Chapter X
Dragnof at Wizzaleon

TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon