At ayun habang pinipilit ni WIZZALEON na laban sya ni Dragono Natigil ang Dalawa sa pagka't Lumabas ang Dalawang Bulan sa Laon! Ang pag labas ng dalawang Bulan ay pinaniniwalaan sa aming mundo na may Dala itong Babala o Hudyat... Kapag lumabas ay pula at asul na bulan Hudyat ng Digmaan at Magiging Madugo ang labanan... Kapag Lumabas ay pula at Berde isang babala ito na nalalapit na ang pag tupad sa Propesiya.... Ngunit dahil kaiba sa mundo namin na pag patak ng TATLONG DAANG LIBONG Taon ay Lalabas ang Tatlong Bulan! At ito ay masamang pangitain! Sa Pagka't pag labas ng tatlong bulan matutupad ang Propesiya! Na mag sasagupaan ang Magkapatid at isang Madugong Digmaan magaganap! Upang maiwasan ito kailangan mag sakripisyo ang isa sakanila... Ngunit sa aking nakikita Walang may balak sumuko sa Magkapatid!
Sa pagka't parehas silang Tuso at hindi tatalikod sa kahit anong Laban....
Ngayon ang Mag Amang Wizzaleon at Dragono ay natigil dahil sa nakita sa Laon...Wizzaleon: haha! Labanan mo ako Dragono kung hindi ay..... Mahabagin Laon! Ang dalawang Bulan!
Dragono: amang Wizzaleon mukhang May babala Ang Dalawang bulan!?
Wizzaleon: Pula at Asul na Bulan??? Digmaan??? Dragono anak ikaw ay Binibigyan kong pahintulot makita ang magaganap sa Hinaharap!
Dragono: Ama masusunod.... Esta velunxia tranium momentum asulyo.... Ipakita sa akin ang Badya ng mga Bulan sa Laon!!!!!
At di binigo si Dragono ng kanyang pangitain! Kilala din si Dragono na Mata ng SUTRA o ng DRAGONOIA.. Dahil sa kakayahan nito makita ang nakaraan at Hinaharap... Makita nya kaya ang tunay na nakaraan nya? Magawa nya na kaya akong matanggap Bilang kanyang ama???
Dragono:Ama!
Drago:anak?
Wizzaleon:bakit anak?At di maiwasan nag ka samaan kami ng tinginan ni Wizzaleon...
Dragono: Amang Wizzaleon!
Nakita kong uulan ng Dugo sa langit! Ang asul na Dagat ay Magiging Pula,
Ang Lupa ay Aapoy.. Libo libong Nilalang Masasawi! Dugo, at Sigaw ng Hinagpis ng naulila...
Wizzaleon: Mahabagin laon! Anak! Ano ang pag mumulan ng digmaan??Dragono: Sa Dalawang Dragon Na Itinakda para Mag hari sa Dragonoia at Sutra sila ay Mag lalaban at wawasakin ang lahat ng hahadlang sakanila kahit pa ang Kadugo o Bathala....
Wizzaleon: Saglit lamang! Paanong yan nakita mo!? Eh Digmaan ang hudyat ng dalawang bulan na yan!? Dragono anak!
Dragono: at isa pa... Hindi kita ama!!!!! Bakit mo ako Niloko Wizzaleon??? Naging mabuting anak ako sayo pero hindi mo nagawa sabihin sakin ang totoo!!!
Wizzaleon: anong pinag sasabi mo Dragono???
Dragono: Nakita ko sa aking pangitain ay ako at si Dragnof ay Magkapatid na totoo! Ngunit hindi malinaw ang mukha ng aking Tinawag na ama sa pangitain ko! Ano ang ginawa mo sa akin amang Wizzaleon???
Wizzaleon: Anak kita! At ayokong mawala ka sakin!!!!
Drago: Anak Sinabi ko naman sayo na totoo ako sayo Hindi ba? Na totoong ako ang iyong ama??
Dragono: Sinilang akong salamangkerong Dragon! Hindi Dugong Bathala!!!!
At Habang sila ay natatalo na mag ama may napansin akong nag tatago sa dilim sino kaya sila? Espiya kaya ni Havioc ang mga iyon? Tila hindi ko sila makita sa pagka't may salamanca na bumabalot sakanila! Malalaman ko rin yan.. Ngunit mas lalu ako nagalala sa nalaman ni Dragono bumalik na kaya ala ala nya?
At nalaman na nga siguro ni Dragono na sya'y Nilinlang lamang ni Wizzaleon para sya ilayo sa akin! Ngunit bakit tila galit ito ano pa kaya ang nakita nyang katotohanan sa pangitain nya???? May pag asa kaya na Maniwala sya sa akin??? O tuluyan nya ako lalayuan dahil pag nalaman nyang sila ni Dragnof ang tinutukoy sa pangitain nya at ito ay aming ni lihim ni amang Uriti???
Ano ang iiral sakanya? Galit o pag mamahal?? At eto ba ang signos ng dalawang Bulan para isiwalat ang Katotohanan??? Kailangan ko ng tulong ni Libulan at Haliya upang masagot ng husto ang aking tanong.. Oo ako ay ganap na Bathala ngunit may limitasyon ang kapangyarihan ko dahil may dugong mortal din ako tulad ng aking namayapang ina.... Muli kaya masagot ang Agam agam sa isipan ko? At aking naalala ano nga kaya kakayahan ng Binigay na crystal ni Matang Buhay kay Dragono?Abangan
Chapter XII
LIES AND TRUTH
BINABASA MO ANG
TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED)
FantasySinilang Si Dragnof At Dragono Ngunit iba ang mapapalaki sa pinaniniwalaang sugo ng SUTRA AT DRAGONOIA si Dragnof lalaki sa Paniniwala na Itinakwil ng ama... Si Dragono tatanggalan ng ala-ala ngunit lalaki din sa kasinungalingan at sa sumpa ni sieg...