🐉DUMAKULEM🐉

5 0 0
                                    

At ayun na nga ng makarating ako sa
Bundok ng Esram(Bundok ng mga engkanto at diosa) nagpakita si DUMAKULEM!
Si DUMAKULEM ay isang diyos ang diyos ng kabundukan at Gubat madalas sya ang hinihingan ng basbas para maging ligtas ang mga pupunta ng Kagubatan at kabundukan...

DUMAKULEM: Ano at naririto ka Bathala ng mga dragon?  Bakit ka napadpad sa aking Teritoryo???

Drago: Dumakulem! Hindi ko inaasahang magpapakita ka sa akin! Ngunit Hindi ako nag punta para gambalain ka...  Ang nais ko lamang ay maka usap sina Haliya at Libulan...

Dumakulem: hmm..  Tungkol sa Dalawang Bulan hindi ba??

Drago: oo nais ko malaman ang totoong nais pahiwatig nito...

Dumakulem: Kung ganon hayaan mong basbasan ko ang iyong pag lalakbay papunta sa tuktok ng ESRAM ng sa ganun ligtas kang makaalis at makabalik..  Dahil kahit pa isang diyos o diyosa ay napapahamak din....

Drago: Kung ganun aking tinatanggap ang basbas mo dumakulem...  Hayaan mo at iingatan ko ang teritoryo mo ng sa Ganun wala makasira nito...

Dumakulem: Daghang Salamat Drago..  Ngunit hidi lang sana ang aking Teritoryo kundi pati na ang buong kabundukan at Kagubatan...

Drago:Makaka asa ka salamat muli Dumakulem...

Dumakulem: Humayo ka at tanggapin Ang aking basbas upang ikaw ay mapangalagaan sa anu mang panganib na naka amba sa Lugar na ito...

At lumiwanag nga ng sobra na tila isang makinang na metal na nasinagan ng araw... At nadama ko ang kakaibang Enerhiya na Bumalot sa aking Katawan...
Marahil eto ay Ang basbas ni Dumakulem..
Ngunit matapos na nya ako Bigyang basbas nawala ito ng mawala din ang Liwanag... Ano nga kaya ang panganib na sinasabi ni Dumakulem?  May panganib nga kaya bago ako makarating sa tuktok ng Bundok na ito???  At aking nilakbay ang daan patungo sa itaas ng bundok ng Esram..  At sa aking paglalakbay ng makita kong malapit na ako sa tuktok may mga kakaibang Nilalang sumulpot at nakita ko sugatan si Dumakulem...

Drago: mga peste esta voluntas tentasyonem! (Chant) etong sa inyo
Apoy ng Bulcan!

At lumabas ang apoy sa aking palad..
At nawala ang mga kakaibang nilalang
Ano kaya mga iyon??  At ikinagulat ko ng malaman kong Galing kay Havioc ang mga Nilalang na nakita ko...

Dumakulem: salamat sa pag ligtas Drago..
Nakakahiya ako! Isang diyos Tinalo ng sundalo ni Havioc! Arg!

Drago:Sundalo ni Havioc!?

Dumakulem: Oo may kakaibang manila na nakapalibot sakanila kaya sila malalakas!

Drago: Kahit kailan Pesteng Havioc na yan!!!  Hindi gagawa ng maganda yang Havioc na yan!!

Dumakulem: Wala na Tayo magagawa ayaw ka nya makarating sa Tuktok ng Bundok kaya wag kana tumuloy...

At ako ay nag taka kay Dumakulem na tinalo sya ng ganun ganun lang??
Imposible kaseng matalo sya dahil kilala ko si Dumakulem na magaling sa pakikipaglaban at hindi basta basta nagpapatalo sa laban bukod sa pagiging diyos nya ng Kabundukan at Kagubatan
Mahusay din itong makipag laban.... Kaya ako ay nag taka ng makita kong sugatan sya....

Drago: Hayaan mong pagalingin kita duma...

At bago ko sya lapitan
Naramdaman ko may hindi tama at nakakasiguro ako Hindi si Dumakulem ang kaharap ko!  At naalala ko na Bundok ng mga diwata at diyosa ito Maaring ako ay nililinlang ng mga diyosa at diyos dito...

Dumakulem: Bakit ka huminto Drago???
Hindi mo ba ako tutulungan??

Drago: kilala ko si Dumakulem!  At alam kong peke ka!  IMPOSTOR!!! 

At aking tinutukan ng sandata ang nag ba balatkayo...

Drago: ano impostor?! Sino ka??  Bakit ka nang gagaya ng wangis!?

Dumakulem: haha mahusay Mahusay Drago nalagpasan mo ang aking pag subok sa iyo... Bueno heto at mag papa kilala ako sayo....

At nag bago anyo nya at nagpakilala ang gintong Dragon na si Ryuku (Dragon ng Bundok) si Ryuku ay may kapangyarihan manlinlang at pag nalinlang ka nya kamatayan ang kapalit... 

Ryuku: Ako si Ryuku Dragon ng bundok Bago ka makarating sa tuktok ng bundok ng Esram ay dadaan ka muna sa aking pagsubok..  Kapag nalagpasan mo ito makaka akyat ka ng malaya..  Ngunit pag di mo ito nalampasan hindi mo masisilayan ang Bulan at si Libulan at Haliya...  Paborito nila tambayan ang tuktok ng Esram dahil abot nito ang bulan...  Kaya sige Bathalang Drago Humayo kana at Kausapin ang dalawang diyos ng bulan...

Drago: Sabi ko na nga ba Ryuku!  Pero salamat parin sayo sa susunod na tayo maglaban dahil kailangan pa masagot nila Haliya at Libulan ang aking tanong....

Ryuku: tungkol sa berde at pulang bulan? 
Pero bago iyan...  Gusto ko ngayon na tayo mag laban!  Nais ko mag ensayo sa pagkat napupudpod na ang aking sandata at kuko sa kakatambay lamang!  Labanan mo ako at papa akyatin kita sa Itaas ng Esram!

At wala ako pagpipilian dahil hamon ito kailangan ko sya labanan!

Abangan...
ChapterXIIV
DRAGO VS RYUKU

TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon