Nakaraan...
Hinamon ako ni Ryuku na makipag laban sakanya dahil alam ni Ryuku na di ako lalaban pag sinabi nyang tulungan sya mag ensayo kaya naisip niya na hamunin ako... Ngunit ako ay nag mamadali din sa pagka't na ngangamba parin ako sa pag labas ng dalawang bulan sa langit at na iwan ko ang dalawa kong anak baka ma paano sila... Aking tinanggap ang pag hamon ni Ryuku kaya naman walang sabi sabi sinugod agad ako ni Ryuku!
At napatumba nya ako sa lakas ng pagkaka balya nya sa akin..Ryuku: haha! Yan ba si Drago?! Isang balyahan ko lamang taob agad?? Haha! Ano drago? Tumaba kana agad?! Bathala ng mga Dragon..
Drago: esta tentasyonem ayenum dectu eversa el julya! (Chant to stop time) Humanda ka sa hagupit ng bathala Ryuku!!
Ryuku: monestra estram Esram teyumdum amalos sutra el Dragonoia! (Chant to counter other spells) akala mo hindi ako marunong drago?? Haha! Isa sa makapangyarihan sumpa ang aking sinambit kaya hindi mo ako masisindak!
Drago: kataka taka at Hindi gumana ang salamangka ko anong klaseng sumpa ang sinambit ni Ryuku?? (Whispering)
Ryuku: ano Drago kaya mo ba talaga ako??
Mukhang nagalit ko ata si Ryuku!
Dahil sa pagmamadali kong matapos ang laban at mukhang nagalit sya dahil sa akin orasyon na ginawa...Drago: ryu... Ryuku bakit nag iba ang tono ng boses mo ikaw ba ay nagalit sa akin?
Ryuku: gusto mo ako pabagsakin Hindi ba?! Tigilan na natin ang pag eensayo gawin na natin makatotohanan ang laban!!!!
At sinugod ako ni Ryuku
Na tila nagalit nga ito sakin at kami ay nag laban ngunit hindi ako Sinasaktan ni RYUKU kaya naman nag tataka ako sakanya pero ako syempre dinedepensahan ko ang sarili ko sa mga
Atake ni Ryuku dahil alam kong kilala si Ryuku na minsan tumalo sa mga hari at reyna ng sutra dahil ang kuko nito ay nagtataglay ng lason na sa laway lang ni RYUKU makukuha ang lunas ngunit di basta basta ito sa pagka't si Ryuku ay Kilalang mapanlinlang na Dragon kaya nya nagawa magtagumpay nuon..
At pag nakatakas ka sa pag subok nya
Dun nya lamang ito ibibigay...
Tuso din si Ryuku tulad ng Kandila pag sinindihan mo mabilis matunaw.. Ganun din kabilis kumilos si Ryuku at higit sa lahat sya ay mabilis magalit....
Kaya marami umiiwas kay Ryuku at hindi lang yan! Kinatatakutan ni Havioc si Ryuku sa pagka't minsan nya itong Ginalit at Hindi nya makalimutan ang parusang Binigay sakanya ni Ryuku.. Kilala ng mga salamangkero si Ryuku na magaling sa pag sumpa na di Nawawala at siguradong eepekto agad... Kaya ito ang nag marka kay Havioc ang bangis ni Ryuku araw araw sya binabangungot ni Ryuku dahil Ginalit nya ito ng todo muntik mawasak ang kalahati ng sutra dahil kay Havioc...
Sa pagka't ang Sumpa ni Ryuku ay umabot sa sukdulan kaya mula nuon marami natakot kay Ryuku... At kung di dahil kay amang Uriti malamang tapos ang sutra sya ang nag pa kalma kay Ryuku nuon.. Ngunit ngayon tila kinakabahan ako dahil mukhang nagalit sa akin si Ryuku magawa ko kaya sya ma kumbinsi na hindi ko sinadya ang sumpa?Ryuku: ano Drago??? Suko kana ba??? Hindi mo ba talaga ako Lalabanan?? Bueno.... Ayenum Verdu! Senyam MOMONGKE Julyo! (Chant of poison)
Humanda ka!!!! Gwaaaaaar!!!!!Drago: peste! Ryuku argh... Wag mo ako Patayin! Hindi mo ako kaaway paumanhin Kung nais ko matapos agad ang pag eensayo mo dahil alam mo naman...
At nawalan ako malay dahil naramdaman ko na kumalat ang lason sa katawan ko...
Ngunit saglit lamang ito sa pagka't si Ryuku ay tinulungan ako at akala ko sa sumpa ako na dale ng lason ni Ryuku un pala nasugatan nya ako ng kuko nya at alam nya pala un kaya Hindi nya ako pinatatamaan ng mga sumunod nyang atake... Kaya naman sa aking pag gising nagulat ako ng makita ko ang anyong tao ni Ryuku dahil kamukha nya ang aking ina! Hindi kaya may ugnayan sila ng aking namayapang ina?Ryuku: haha! Salamat DRAGO! Natuwa ako sa ating pag eensayo! Paumanhin sa aking Inasal kanina natakot ka ano? Haha!
Drago: bakit Parehas kayo ng itsura ng aking ina Ryuku? Anong ugnayan nyo?
Ryuku: haha! Wala ako alam sa sinasabi mo heto inumin mo nalang to ng gumaling ka na at malaya ka na maka akyat sa tuktok ng Esram...
Drago: ano? Nagtagumpay ako??? Paano?
Ryuku: hindi lahat dinadaan sa away o gulo nakalimutan mo na ba pangaral ng iyong ama?
Drago: oo nga ibig sabihin ang pag sabi ko ng totoo eh un ang nag palaya sakin sa sumpa mo?
Ryuku: haha! Sumpa?? Akala mo para sayo un?? May itim na anino ako napansin habang tayo ay nag eensayo at yun ang isinumpa ko...
Drago: anino??? Nako! Espiya ni Havioc yan!!!!
Ryuku: alam ko kaya namatay na sya agad heto sya..
At nagulat ako ng makita ko si Dragnof ang nalason ni Ryuku...
Drago: Dragnof!!!!
Abangan
Chapter XV
DRAGONO AND DRAGNOF
BINABASA MO ANG
TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED)
FantasySinilang Si Dragnof At Dragono Ngunit iba ang mapapalaki sa pinaniniwalaang sugo ng SUTRA AT DRAGONOIA si Dragnof lalaki sa Paniniwala na Itinakwil ng ama... Si Dragono tatanggalan ng ala-ala ngunit lalaki din sa kasinungalingan at sa sumpa ni sieg...