🐉KALABAN O KAKAMPI?🐉

7 0 0
                                    

Nakaraan...
Naglaban sina Havioc, Dragono at Dragnof at sitan ngunit ng Malapit na sila matalo ni Dragono at Dragnof tumakas ang dalawa at pinag hahanda kami sa madugong digmaan! At dahil Nagtagumpay sina dragono at Dragnof pigilan ang propesiya na dapat ay magaganap! Naisipan nila dalawa na mag handa din ng konting celebration! Para sa tagumpay nila.. Kahit alam nila parehas na ito ay pansamantala lang... Sa di inaasahan may bisita na Dumating Si Siege!....

Siege: Kay Gandang Salo salo! Ano at Wala ako natatanggap na imbitasyon??? Haha!

Pahamak kaya dala nya o Pag asa????......

Dragono:Siege! Lubayan mo kami! Tapos na ang propesiya! Pati ba naman ikaw ay manggugulo??

Dragnof: Lubayan mo kami! Siege ikaw ang dahilan ng aming paghihirap na Magkapatid kung di dahil sa pesteng sumpa mo hindi to mangyayari!

Siege: haha! Ano akala nyo tulad ako ni Havioc? O ni Sitan??? Oo minsan ako Nabulag sa Kapangyarihan pero hindi ko hinangad na manggulo! At ang aking hangad ay makita at makausap ko ang aking anak!

At agad si drago lumapit upang sakanya mabaling attensyon ni siege na napansin ng Magkapatid ang titig ni drago kay siege na ngungusap na wag sya manggulo o gumawa ng gulo!

Dragono: psst.. Dragnof..
Dragnof: ano un kapatid ko?
Dragono: Napansin mo ba ang mata ni amang Drago? Tila may tinatago sa atin si ama!
Dragnof: ssh! Oo napansin ko! Mukhang may kinatatakutan syang mangyayari! Ngunit dragono Hindi kaya ang Isumpa muli tayo ng pesteng siege nato???
Dragono:hmm... Baka nga! Yan din nasa Isipan ko! Pero iba pakiramdam ko! At bakit hinaharangan ni amang drago ang aking pangitain at Isipan nya sa Akin???

Dragnof: ganun din sa akin! Ano kaya ang ayaw nya ipaalam sa atin???

Drago: Siege! Wala dito ang anak mo! Lumayas ka! Siege!

Siege: Wag mo akong Pinag loloko Drago! Hindi mo gugustuhin na mag laban muli tayo!

Drago: Hindi kita uurungan! Tandaan mo yan!

At ayun na nga nagkainitan ang dalawa kaya nauwi sa Laban ang dalawa na naging taga awat sina dragono at Dragnof!

Siege: Hetong sayo! Elfyra sempras! (Spell of Fire)

Drago: Hindi ako natatakot sayo! Semora estas! (Spell of Blue Fire)

At nag laban ang dalawa... At inawat ito nila Dragono at Dragnof...

Dragono: Ama! Siege tama na!

Dragnof: Wala ka talaga Magandang dulot siege! Katulad ka nila sitan puno ng Kasamaan at kademonyohan!

Dragono: Tama! Ni minsan ay Hindi namin inaasahan na ganyan kapala ka desperado upang maangkin ang lahat ng meron kami!

Siege: Haha! Pag aangkin? Desperado?? Ako??? Haha! Dragono wala kang alam sa Pakay ko! At Dragnof kay bilis mo ako husgahan! Kilala mo lang ako dahil sa sumpa ko sa inyo! Pero ang buhay ko wala kayo alam!

Dragono: Pag hindi mo tinigilan ang ama namin lalabanan ka rin namin!
Dragnof: tama! Kaya tumigil kana Siege!

Siege: Kahit kailan sinungalin kang Drago ka! Kaya lalu ako napoot dahil sa mga kasinungalingan mo! Ikaw dahilan ng pagiging masama ko!!!

Drago: Nakaraan un Siege! Kaya Ibaon mo na yun sa nakaraan!

Siege: hinding hindi ko malilimot ang kataksilan mo drago! Kaya hindi mababaon sa limot ang pag tataksil nyo ni URITI sa akin!

Drago: Bakit siege? tama lang na protektahan ni amang Uriti sina Dragnof at Dragono sa kabaliwan mo!

Siege: Kabaliwan??? Ko??? Haha! Bakit hindi mo sabihin Kay Dragono at Dragnof kung bakit ko Sila Isinumpa??? Gusto mo sa akin pa manggaling ha? Sige!

Dragono: aa.. Anong ibig mong sabihin???
Dragnof: Malamang kasinungalingan din yan!

Siege: Haha! Totoo ito! At dahil Drago ayaw mo sabihin sakanila ang Totoo! Ako na ang mag papaalam sakanila ng katotohanan!!

Drago: Tama na Siege! Lumayas kana!!!

Siege: kahit kailan hindi ko iiwanan ang Anak Ko sayo!!!!

At nalaman na nga nila Dragono ang Katotohanan mula kay siege! Totoo nga bang lahat lahat???? O kasinungalingan nanaman??

Dragono: sabi sayo Dragnof! May lihim si ama sa atin!!
Dragnof: ang anak daw nya??? Sino??? At
Nasaan???
Dragono: Dragnof! Ang nakaraan lang ang huli kong Nakiktang solusyon dito!
Dragnof: nakaraan na babago sa lahat!

At sinubukan ni Dragono silipin ang nakaraan habang sila drago at siege ay nag uusap!

Dragono: Sangalan ng apoy, tubig, Lupa, at hangin Dinggin ang aking panawagan!! Ipakita sa akin ang nakaraan!!

At hindi binigo si dragono ng kanyang Panawagan at Pangitain!
Nakita ni dragono ang kalokohang ginawa ni drago! Ngunit may iba pa itong nakita na tyak babago sa buhay nila ni Dragnof!
Ang unang pag ibig ni Mercedes!...

Dahil nag iba ang Timpla ni Dragono tinanong ito ni dragnof...

Dragnof: Kapatid ko ano at nag iba Timpla mo??? Anong nakita mo?????


Abangan!

CHAPTERXXV
REBELASYON NG NAKARAAN!

Ano anong REBELASYON ang mabubunyag??

TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon