Napagtagumpayan ni Sanjuras ang Ritual...
At Nakabalik Si Pyro Pansamatala Pero sumabay din sa pag babalik nya si Lauros ang Kaibigang engkanto ni Barthemeus
Ngunit sinabihan sila ni Sanjuras na limitado lamang ang Kanilang pagbabalik
Dahil kapag naubos ang mitsa ng Asul na kandila mula Kay ASUL-DRAGORA Ay babalik din sila sa Laon agad agad...
Kaya naman Sinulit nila lalahon ang pagkakataong iyon upang Hindi masayang ang Oras na naririto sila sa mundo ng buhay... Ngunit kasabay nito Ay lumabas mula sa pugad nya ang kinakatakutang Dragon! Dahil ayon sa kanilang kasaysayan Si ASUL-DRAGORA Ay Nagbibigay
Katuparan sa anu mang hilingin mula dito pero may matinding kabayaran iyon...
Ano kaya pakay nya? ...Sa Dragonoia....
Kawal:Haring Konggol!!! Haring konggol!
Konggol: Ano at Natataranta ka kawal?? Makatawag ka sa akin akala mo May giyera!
Kawal: Tignan nyo ang langit!At nang tignan ni konggol ang langit laking gulat din nito dahil naghalo ang Asul at pulang ulap sa langit...
Konggol: Hindi ito maari!
Drago: konggol! Muli Nagbalik si Asul-Dragora!
Konggol: Sinasabi ko na nga ba!
Paano? At Bakit????Dragnof:Sa Aking Palagay Ay Si Dragono ang Nais nito kaya ito Bumaba mula sa pugad nya!
Drago: Ano at Kailangan nya harapin si dragono?
At bumaba ng Langit si Libulan(Diyos Ng Bulan)..
Libulan(Diyos Ng Buwan): Dahil May Ginawa si dragono na tyak kinayamot ni Asul- Dragora...
Asura(anak ni Libulan): Sa Aking Palagay Ay Nais lamang nya Makipaglaro Kay Dragono...
Drago: At Sino ka?
Asura(Anak Ni Libulan at Dragona Luna) :
Ako Si Asura Anak nila Libulan at Dragona Luna!Libulan(Diyos ng Bulan): Asura! Sinabihan na kita wag kana sumunod pero ang tigas ng ulo mong bata ka!
Asura:Heto manuod kayo...
At ipinakita ni asura ang nangyayari sa mundo ng Mortal...
At habang abala sila sa dragonoia Kinagulat naman nila Dragono ang pag dating ni ASUL DRAGORA...
Sa Mundo ng Mortal...
Lalahon(Diyosa Ng apoy) :
Kay Tagal Kong Inaasam asam na Makasama ka muli aking mahal na kapatid...Pyro: Ganoon din ako aking kapatid..
Dragono: Mahabagin laon!
Ano at bumaba ka ng pugad mo Asul-Dragora?Asul-Dragora: Maniningil nako Dragono!
Dragono: Maniningil? hibang ka na!
Pyro: Lalabanan kita Asul-dragora!
Asul-Dragora: Kinakausap ba kita Dungan na Walang silbi?
Dragono: Tama na kalokohan mo Asul-Dragora! Anong tunay mong pakay???
Asul-Dragora: Haha! Pakay ko? Kunin muli ang Kandilang ito na mula sa aking Pugad!
BINABASA MO ANG
TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED)
FantasySinilang Si Dragnof At Dragono Ngunit iba ang mapapalaki sa pinaniniwalaang sugo ng SUTRA AT DRAGONOIA si Dragnof lalaki sa Paniniwala na Itinakwil ng ama... Si Dragono tatanggalan ng ala-ala ngunit lalaki din sa kasinungalingan at sa sumpa ni sieg...