🐉HAIK(WATER GOD) 🐉

9 0 0
                                    

Nakaraan...
Sa init ng Poot ni dragono nagawa nito masugatan ng todo si Havioc at habang ito ay gumagamit ng salamanca nakatakas si Havioc na kaya naman lalu kinagalit ni dragono ngunit pinalampas nya muna ito sa pagka't mayroon syang bagong misyon ang Buhayin muli si dragnof! Kaya pumunta ito sa dalampasigan ng esram Kung Saan nasabi na lagi nag papakita ang panginoon ng sulad(purgatoryo) na si BAKUNAWA... ngunit May panganib na nakaamba sapagka't ang diyos ng tubig na si HAIK Ay Kapanalig ni Havioc at Sitan(god of evil)

Ano kayang Mang yayari Kung Magkasagupaan sila ni Dragono???

Sa Sutra-salamandra...

Mercedes: Hiniling kong magkasama sama muli tayo mga anak ngunit pilit parin tayo pinag lalayo ng Tadhana! Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ang pamilya ko ng ganito????

Drago: Mercedes Mahal wala ka kasalanan
Demonyo Lang Talaga ang havioc na yan!!!

Uriti(Bathala Ng Apoy): tama na kasalanan ko rin! Hindi dapat ako nag padala kay Seige! Edi sana maayos ang lahat! Panalangin ko ay magtagumpay si dragono sa kanyang misyon ibalik ang dungan(kaluluwa) ni Dragnof sa katawan nya! Naway mag tagumpay sya...

Drago:Ama ngunit nag aalala ako kay Haik Baka Ano gawin sakanya ng Bathalang kumampi kay Sitan at Havioc!

At Muli nag pakita ang diyosang iniibig ni dragono si Lalahon...

Drago:diyosang lalahon maligayang pag dating ano ang maipaglilingkod namin sayo?

Lalahon:susundan ko si dragono ng sa ganun matulungan ko ang Mahal ko...

At walang pasabi umalis agad si lalahon At sinundan si dragono...Magtagumpay kaya sila Laban kay HAIK??

sa Dalampasigan ng Esram....

Dragono:Naniniwala akong May iba pang andirito kaya hindi nyo ako maiisahan!

At sa pag aakala ni Dragono na kalaban si lalahon binugahan nya ito ng apoy...
Ngunit di ito tumalab sa pagkat si lalahon ay diyosa din ng apoy...

Lalahon:mahal wag ka na magalit tutulungan kita aking Mahal na dragono...

Dragono:Paumanhin Mahal ko akala ko ay kalaban kita pasensya na...

Lalahon:hindi Solo ang Laban na To magtutulungan tayo....

Dragono: inaamin kong medyo nawawalan ako pag asa mabawi dungan ni dragnof dahil kilala ko si Bakunawa Hindi un basta basta lalabas At...

At habang nag uusap Sina Lalahon at Dragono nag pakita si Haik At Alam ni Haik(God of water) ang Pakay ni Dragono kaya naman Lumabas ito kahit hindi sya tinatawag ni dragono...

Haik:Ano at Nandito ka Anak ni Uriti??? At lalahon??? Haha! Ano akala mo dragono Hindi kita lalabanan??? Hindi kita papayagan masira mo Plano namin nila Havioc at Sitan(God Of Evil) maghanda kayo dahil papatikim ko sa inyo ang inyong kabiguan!!! Haha!!!!

Lalahon: Haik Hindi mo mapipigilan ang misyon ni Dragono!

Haik: Haha! At anong Laban ng apoy sa Tubig?? Haha!

Dragono: Mayabang Ka talaga Haik sige Hinahamon kita! Ngunit kapag natalo kita...

Haik:Ano Dragono????

Dragono: akin na ang makapangyarihang sentro mo at perlante ng Tubig!

Haik:At kapag Hindi mo ako matalo at ikaw matalo ko???

Dragono:Maninilbihan ako sayo no Tatlong Taon...

Haik: Haha! Payag ako! Humanda ka sa
Iyong katapusan!

Lalahon: Lalabanan ka namin haik!!!

Dragono:wag Mahal ko ako nalang lalaban sakanya ng matapos na kahibangan nya!!!
Oh diyos no Adlaw na si apo laki(God of sun) at Diyos ng Bulan(moon) Libulan ako Ay gabayan ng inyong patnubay!

At may liwanag na lumabas mula sa pulang langit at tumama kay dragono.. Na tila nag bigay ng karagdagan Lakas dito...

Haik: simulan na!

Umatake na si Haik
At ginamit nya ang sentro para lunurin si Dragono sa Dagat pero lumaban si Dragono kaya di sya nalunod ni Haik!!

Dragono: sa Tingin mo Haik ganun ako kadali dispatsyahin?? Humanda ka!!!!

At laban sila Dalawa ni Haik ngunit Hindi matalo ni Haik si Dragono kaya ng medyo naka lapit si Dragono Sakanya sinaksak nya ng gintong punyal si Dragono.. Ang gintong punyal ay nakakasugat o nakakapatay sa kahit na sinong may Kapangyarihan...

Haik: at talo kana Dragono!! Haha! Wala ka talaga silbi!!!

Dragono: haha! Sino may sabi nasaksak mo ako???

At nagulat si Lalahon ng makita nya Sarili ni HAIK ang nasugatan ng gintong Punyal
At ito ang chansang kinuha ni Dragono para tutukan ng sandata si Haik...
At hiningi na nito ang napag usapan nila..

Haik: URGH.. Hi... Hindi!!!!

Dragono:Haik! Ang napagusapan natin?! Akin na ang sentro! At perlante!

Ngunit tuso si Haik kaya di nya ito binigay at sinubukan tumakas nabigo si Haik sa balak nyang pagtakas kay Dragono
Dahil mas tuso sa tuso si Dragono...
Agad Ginamitan ni DRAGONO ng Salamanca at Eto ang nakapigil kay Haik...
At Nagulat si Haik na kinaya sya ni Dragono na syang diyos ng Tubig ay kinaya ng pulang Dragon!

Dragono: Haik! Pinag handaan ko ang pangyayari nato! Kaya akala mo papayagan kita makaalis??? Ang sentro! At ang perlante!

Haik: hinding hindi mo makukuha ang gusto mo! Haha!

Dragono: bueno patitikim ko rin sayo ang Talas ng pangil ng aking Poot!!! Everumtuum aserenum estashostas El momongke! (Chant of infinite poison)
Gwaaaaargh!

At sinubukan ni Haik kontrahin to ngunit bigo sya dahil mas bihasa dito si Dragono...
At nagulat sya na tumalab sa isang bathala ang sumpa ni Dragono...

Haik: I.. Impossible!!! Paano? At anong klase kang nilalang Dragono???

Dragono: Tatanggalin ko yan sayo pag natuto kana tumupad sa usapan!

At ng gagamit si haik ng Kapangyarihan lalu sya nilason ng Sumpa ni Dragono...

Dragono: haha! Akala mo ba Haik ganun lang yan?? Haha! Mas lalu ka sasaktan ng lason na yan! Bueno kung Ayaw mong bigay ang napagkasunduan natin magdusa
Ka jan!

At ng iiwanan na ni Dragono si Haik
......

Abangan...

ChapterXX
PagSuko Ni Haik

Ito ba ay totoo o panlilinlang??

TWO DRAGONS 🐉☯🐉 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon