Nikki's POV
Monday morning...
Sobrang aga kong umalis ng bahay dahil nasanay talaga ako na laging maagap.
Hay... Sobrang tahimik ng hallway dahil ako pa lang ang student na nandito at bukas pa ang ilang ilaw.
Dinala ko lahat ang aking libro dahil kelangan kaya eto... Ang bigat ng dala ko.
Sa aking paglalakad... May nakabangga ako at dahil don, napaupo ako sa sahig at nahulog ang lahat ng dala kong libro.
"Oh! I'm sorry miss." The boy said. I can't clearly saw his face because it still dark. Nakayuko pa sya habang isa-isang pinupulot ang aking mga libro.
"It's fine." Inabot nya sa 'kin ang mga libro. Natulala ako dahil sa nasa harapan ko. "T-Thank you." Tanging nasabi ko. Si Cal pala, hindi ko agad nakilala ang boses nya.
"Oh Nikki! I'm really sorry for what happened." Kitang-kita ang sincerity sa pagsasalita nya.
"Apology accepted." Sabi ko habang tinutulungan nya akong tumayo. "Thanks."
"Ang aga mo naman." Cal said. Sabay kaming naglakad sa hallway.
"Mm... Nasanay lang. Eh Ikaw?" Napatingin sya sa 'kin. "I mean... Ba't ang aga mo rin?"
"Hmm... Same." He answered with his handsome smile na mapapangiti ka na lang din dahil nakakadala ang smile nya.
Marami na rin kaming napag-kwentuhan tungkol sa isa't isa. So August 7 pala ang birthday nya. 1 year ang age gap namin.
Masaya palang magkaroon ng boy friend. Hindi yung boy friend na iniisip ng iba... I mean yung boy friend na lalaking kaibigan.
"So... Tatanong ko lang sana kung pwedeng... Friends?" Medyo nahihiya nyang tanong.
"Sure... Friend." Nakangiting sagot ko.
"Okay... Nice to hear your story friend. Thank you for sharing it. Sana, magkaroon pa tayo ng time para makapagkwentuhan." masayang sabi nya.
"Yeah. Thanks nga pala sa pagsama s sa paglalakad. See you." Masaya kong pagpapaalam.
Papasok na sana ako...
"Uhm... Nikki..." Pahabol ni Cal.
"Yes?" Humarap ako sa kanya.
"Uhm... Ask ko lang... Uhm... Kung... Kung pwede sana na..." kahit hindi nya sabihin, halata sa kanya na nahihiya sya. Ang cute. Cute? Hindi pala joke lang. Hahaha...
"Na ano?" Nagtatakang tanong ko na parang na-e-excite sa sasabihin nya. Ang gulo ko noh?
"Na ano... Na makasabay kang mag-lunch mamaya? Kung pwede lang naman. Pwede mo ring isama sina Pia at Lexie." Sabi nya na hindi man lang tumingin sa 'kin.
Napangiti ako ng bahagya dahil ngayon ko lang sya nakitang nahihiya ng ganito.
"Hmm... Sure." Sagot ko. Wala namang masama kung pumayag ako.
"Alright!" Parang nabuhayan sya ng loob. It made my heart happy for him. "Don't worry. It's my treat, friend." He said.
"Okay... see you later friend." tugon ko sa kanya at pumasok na sa loob ng class room na may malaking ngiti sa labi.
Ewan ko ba... Parang kinikilig ako... kahit na 'friend' ang tawagan namin.
The time run so fast... Lunch time!
" Lexie, Pia, sabi nga pala ni... ni Cal. Sa kanya na raw tayo sumabay mag-lunch." Halatang gulat sila.
"Sure. Gusto ko yon!" halatang excited si Pia.
"Okay, okay. Nice idea." Malaki ang ngiti sa labi ni Lexie.
Palabas na kami ng room...
"Hi Pia, hi Lexie." bati nito sa dalawang best friend ko. "Hi!" Baling nito sa 'kin.
"Hello Cal!" Sabay na bati nung dalawa.
"Hi." Sagot ko.
"Lets go." Yaya ni Cal. Sumunod naman kami sa kanya. "Oh! Before I forgot. Kasama nga pala natin sina Thor at John."
"Talaga?!" Sabay na tanong nina Pia at Lexie na hindi mo alam kung na-e-excite o naiinis.
"Yup!" Pagsang-ayon ni Cal. Napatingin ako dun sa dalawa na parang walang nangyari.
I smell something fishy...
Tumabi sa 'kin si Cal sa paglalakad...
"I think, they like Thor and John." Cal whispered.
"Yeah. Maybe yes because of their actions. Hahaha..." I slightly laugh and Cal did the same.
"We're here." Bungad ni Cal sa dalawa na nasa table na.
"Umorder na kami. Ang tagal nyo eh." Sabi ni John na pasulyap-sulyap kay Pia. Halata ka boy. Hahaha...
"Ba't ito yung ulam na binili mo sa'kin?" tanong ni Lexie na parang inis na tanong kay Thor.
"Special na nga 'yan..." Pabulong na sabi ni Thor. "Bakit ba? Ayaw mo ba? Aysha, bumili ka na lang ng sa'yo. Puro arte pa eh. Bahala ka." Sabi ni Thor na parang disappointed dahil mukhang ayaw ni Lexie ng binili nya.
"Joke lang. I'm just kidding you know? Masama na bang magtanong? I'm just asking. Duh!" Sabi ni Lexie sabay upo. Napatawa na lang kami dahil sa inaasta nya.
Tahimik kaming kumakain. Wala ni isa ang nagsasalita.
Napansin ko ang panay na sulyap nina Thor, John, Lexie at Pia sa isa't isa. Napatawa na lang ako sa pinaggagagawa nila.
Ano kayang ginagawa ni Cal? Kahit kase katapat ko sya, hindi ko nakikita ang ginagawa nya dahil nakatuon lang aking tingin sa pagkain.
Matingnan kaya sya. Titingin ba ako o hindi? Siguro naman hindi sya nakatingin.
Tumingin ako sa kanya ng dahan-dahan at nagtama ang aming mga mata kaya agad akong umiwas ng tingin.
I feel so awkward!!!
Minsan na nga lang ako tumingin, nahuli pa. Tsk! Dahil sa hiya napapabilis ang subo ko.
"Be careful." mahinahon nyang sabi tapos kumuha ng tissue sa may table. Pinunasan nya ang gilid ng aking labi. "Ang amos mo na tuloy. Hahaha..."
"Ako na. Thanks." Sabi ko sa kanya. Ano ba 'yan? It so embarrassing. Tsk!
After we ate, we made a little bit conversation before we leave.6
"Tomorrow, ganito ba ulit?" Tanong ni Pia.
"Yup! Pero tayo na ang gagastos." Sabi sa amin ni Lexie. Sasagot na sana kami...
"No need!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong lalake. "Kami na ang bahala sa inyo." sabay-sabay na naman. Kailangan ba talaga, laging sabay at pareho pa?
"Ah okay." Sabay sagot naman naming mga babae. Ano bang nangyayari? Lahat na lang ay sabay.
Napatawa na lang kaming anim sa nangyari.
Nagpaalam na kami sa isa't isa.
Paalis na kami nina Pia at Lexie.
"Uhm Nikki..." Pahabol ni Cal kaya humarap uli ako sa kanya. "See you tomorrow." Nakangiting paalam nya. Tumango na lang ako bilang sagot tapos umalis na kami.
-------------------------------------------------------------
Author: hope you like this story. Don't forget to like, comment and also to follow. Thank you and enjoy!
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...