Chapter 11

5 2 0
                                    

Cal's POV

Weekend...

"Hey cousin!" Napatingin ako sa papalapit na si Adrian.

Tsk! Kahit kelan, hindi talaga 'to marunong kumatok.

Tinuon ko na ulit ang aking pansin sa binabasa kong libro.

"Anong kelangan mo? Why are you here?" Diretsong tanong ko na sa libro nakatuon ang tingin.

"I feel so boring sa mansion kaya naisip ko---"

"Kaya naisip mong guluhin ako. Sorry insan... Pero wala akong panahon para makipaglaro sa'yo. Kung gusto mo... Puntahan mo na lang ang mga chickababes mo." Nasabi ko na lang.

Tutal chickboy naman sya.

"Pagminsan kase nakakasawa na rin sila eh. Masyadong maaarte."

Tss... Kinuha nya yung binabasa kong libro.

Sinubukan kong kunin pero pinigilan nya ako.

"Hindi mo sinabi, ang ganda pala ng girl friend mo."

"Loko ka! Landian mo na lahat ng chicks mo, wag lang ang girl friend ko." Pagbabanta ko sa kanya na may kasamang biro.

Alam ko kaseng masyadong chickboy 'tong pinsan ko, na kahit may boy friend na nakukuha pa.

Pero tiwalang tiwala ako kay Nikki na hindi nya ako ipagpapalit. Lalo na sa pinsan ko.

"Hahaha! Easy man. Ang sa'yo ay sa'yo. Hahaha... Sinabihan lang si Nikki na maganda, nagagalit ka na agad. Bakit? Hindi ba? Hahaha..."

"Bigwasan kita dyan eh... Loko ka. Lumabas ka na nga dito." Binato ko sya ng unan pero bumalik sa 'kin. Buti na lang naiwasan ko.

Nagbatuhan pa kami hanggang sa lumabas sya ng room ko.

Saglit akong humiga sa aking kama...

'Huwag lang syang magkakamaling galawin ang girl friend ko'

Malapit ko na nga pala syang ipakilala sa parents ko.

Na-e-excite ako sa tuwing naiisip ko yun.

-----

Sabay-sabay kaming kumain ng lunch kasama si Adrian.

"So Cal, kailan mo ipapakilala sa'min ang girl friend mo?" Tanong ni mommy.

"Siguro po by next week. Magse-settle po ako ng isang dinner para doon nyo po sya ma-meet." Paliwanag ko.

"What is her name?" Seryosong tanong ni Dad.

"Nikki Villaruel, Dad." I answered.

"Okay." Maikling tugon ni Dad.

-----

Mabilis dumaan ang araw...

"Uhm... Nikki... Free ka ba this weekend?" Tanong ko habang naglalakad kami sa hallway pauwi.

"Huh? Ba't mo naman natanong?"

"Yayayain sana kita para sa isang dinner. I would like to introduce you to my parents and also to my sister, Kisha." Napatigil sya sa paglalakad.

"This weekend?" Halata ang kabang nararamdaman nya kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Hey relax. Kasama mo naman ako." Nakita ko ang maliit na ngiti sa kan-yang labi.

"Okay. Wala naman akong gagawin this weekend." napangiti ako ng malaki dahil sa pagpayag nya.

-----

Mabilis tumakbo ang araw...

Iniayos ko na ang lahat para sa dinner.

Sa garden na lang namin gaganapin ang dinner. Tutal isa ito sa pinaka-magandang spot dito sa amin.

Medyo malapit itong setup sa pool at kalapit din nito ang artificial falls namin.

Hay... Na-i-imagine ko na ang mga mangyayari.

Confident naman ako na tanggap ng parents ko si Nikki.

Isa pa sya ang first love ko...

Sana talaga tanggapin ka nila ng buong-buo... Yung walang halong biro...

-------------------------------------------------------------

Author: Hope you enjoy this story. Thank you for reading. Please continue to read this story until the end. Thank you and God bless!

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now