1 year later...
Nikki's POV
Isang taon na lang at ga-graduate na ako ng college at mag-iisang taon na rin akong nililigawan ni Adrian.
Konting hintay na lang siguro Adrian, makakamove on na rin ako kay Cal at mabibigyan ko na ulit ng chance ang sarili kong magmahal ulit.
Cal's POV
4 years na ang nakakalipas simula ng hiwalayan ko sya.
Sana mapatawad nya ako sa mga nagawa ko na para sa ikabubuti din naman nya.
Naiinis ako dahil wala akong magawa.
Ngayon, nililigawan na sya ni Adrian.
Nagtitimpi lang ako pero gusto ko na talaga syang bugbugin kahit pinsan ko pa sya.
Sabi ko na nga ba, may pagtingin sya kay Nikki!
Nandito ako ngayon sa locker room at nakita ko si Adrian na ngiting ngiti na lumapit sa locker nya.
Lumapit ako sa kanya ng may inis at galit.
Walang sabi-sabing hinila ko ang polo nya at basta na lang syang sinuntok.
"What the F**k?!" Hinawakan ko sya sa kwelyuahan at isinandal sa pader. "Ano bang problema mo?!" Halata sa kanya ang galit.
"Problema ko? Ang problema ko... Ikaw! Ikaw ang problema ko." mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kwelyuhan nya. "Layuan mo si Nikki! Kung ayaw mo na kalimutan ko na magpinsan tayo!"
"Hahaha! Nakakalimutan mo na ba? Hindi na sya sa'yo." Nakakalokong ngisi ang ginawa nya kaya lalo akong nainis. "Kaya may karapatan na akong manligaw sa kanya. Wag kang umasta na boyfriend ka pa nya dahil ang katotohanan ay hindi na. Baka rin nakakalimutan mo na ikaw mismo ang gumawa ng paraan para maghiwalay kayo." Nakakaloko na talaga sya.
Kung hindi ko lang sya pinsan, kanina pang basag ang mukha nya!
"Wala kang karapatang sabihin 'yan sa'kin dahil wala ka namang alam!" Seryosong sabi ko sa kanya.
"Bakit? Ano ba ang dapat kong malaman?" nakangising tanong nya.
Kesa sagutin ko ang tanong nya, sinuntok ko na lang sya tapos umalis na ako.
Hindi sya dapat ang makaalam ng reasons ko.
Dapat si Nikki ang makaalam nito...
Nikki's POV
Nandito ako sa locker room at iniaayos ang mga bigay ni Adrian. Nakangiti ako habang inaamoy ang red roses na ibinigay nya...
Nang may biglang humawak sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
Nawala ang ngiti ko ng makita ko sya...
Seryoso ang mukha nya pati na rin ang mga mata nya na nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko kinaya ang mga titig nya kaya tumalikod ako at ibinalik na ang red roses sa locker tapos sinara na ito.
Dadaan na sana ako pero nakaharang sya.
"Excuse me." walang gana kong pakiusap.
"Let us talk." Maotoridad nyang sabi na nakatitig pa talaga sa aking mga mata.
"Pwede ba? Male-late ako kaya excuse me." tatabigin ko na sana sya ng mabilis nyang mahawakan ang aking kamay at isinandal ako sa mga locker. Kumbaga nakakakulong ako sa pagitan ng kanyang mga braso tapos seryoso syang nakatingin sa akin.
Bumilis ang tibok ng aking puso dahil inilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko.
Halos maduling na ako sa sobrang lapit nya sa'kin.
Parang nawawalan na ako ng oxygen dahil sa sobrang kaba.
"Please... forgive me." He whispered.
Nangilid ang aking luha.
Bakit?
Unti-unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at balak na sana akong halikan sa labi...
"Stop. Tama na. Tama nang nasaktan na ako nung una. Please... Lumayo ka na lang sa'kin kase sa tuwing lumalapit ka, na-sasaktan ako."
Doon na tumulo ang luha ko.
Nakita ko bigla ang lungkot sa kanyang mga mata.
"S-sorry." Sambit nya tapos lumakad na palayo sa'kin.
Why?
Biglang nanghina ang aking mga tuhod at napaupo sa sahig. Umub-ob ako sa aking mga tuhod at doon sinimulang umiyak ng umiyak.
Bakit Cal???
Bakit kung kelan malapit na akong makapagmove on sa'yo, saka ka pa nagparamdam ng ganito?
Ano ba talagang problema mo?
Nasasaktan na kase ako...
-------------------------------------------------------------
Author: Thank you for reading my story. Hope you like it. Continue...
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...