Chapter 7

10 2 0
                                    

Lexie's POV

Grade 9...

Nandito ako ngayon sa gymnasium, nanonood ng practice game ng basket ball players.

Ang galing talaga nya. Hay... Nakaka-miss noon. Noong close pa tayo pero nagbago na ang lahat.

Nagbago ka na...

***Flashback...***

Grade 6 section 1...

Naglalakad ako pauwi ng bahay dahil malapit lang naman ito sa school. Bawas pamasahe rin.

Nadaanan ko ang isang basketball court kung saan may isang lalaki na kasing edad ko lang ang mag-isang naglalaro.

Hindi naman masama kung manood ako di ba? Maaga pa naman.

Hmm... May itsura naman sya at isa pa ang galing nyang mag-basketball.

*Pok

Hindi ko na pansin na papunta pala sa 'kin yung bola kaya ayun... Nasapol ako at sa kasamaang palad sa mismong mukha ko pa tumama.

"Ouch! Ang sakit." Hindi ko na napigilang umiyak.

"Paktay. Sorry hindi ko sinasadya. Sorry." Sabi nung lalaking nag-babasketball.

Tumungo ako dahil nahihiya akong tumingin sa kanya.

"Wait lang. Dyan ka lang. May kukunin lang ako." Sabi nya at tumakbo palayo sa'kin.

Pagkabalik nya may dala na syang tubigan na may lamang malamig na tubig.

Idinampi nya iyon sa bandang noo ko na tinamaan ng bola.

"Ako na." Sabi ko tapos ako na ang humawak ng tubigan.

Pinaupo nya ako sa isang bench tapos umupo sya sa tabi ko.

"Sorry talaga hindi ko sinasadya." paulit-ulit na nya yang sinasabi simula kanina.

"Okay lang. Hindi rin naman ako tumitingin eh." Nasabi ko na lang para tumigil na sya.

"Hmm... Ako nga pala si Thor." Pagpapakilala nya.

"Ako naman si Lexie. Nice to meet you Thor. Hmm... Roro na lang pala." Sabi ko.

"Bakit naman Roro?" Nagtatakang tanong nya.

"Wala lang trip ko lang. Hahaha..." Ang sarap pala nyang kausap.

"Okay Sese." napatingin ako sa kanya. "Wala lang. Trip ko lang. Hahaha..."

"Sige... Uwi na 'ko Roro. Baka hinahanap na 'ko ni mama." Inabot ko sa kanya yung tubigan. "Thank you."

"Wait lang... Tatanong ko lang sana... Kung saan ka nakatira?" Medyo nahihiyang tanong nya.

"Doon lang oh. Dun sa may blue na bubong. Doon kami nakatira." Turo ko doon sa bahay namin na matatanaw mula dito court.

"Doon lang ikaw nakatira??" Gulat na tanong nya.

"Bakit? May problema ba?" Takang tanong ko.

"Katapat lang kase nun yung bahay namin eh."  Nanlaki ang mata ko. "Pa'no ba 'yan? Magkalapit lang pala ang bahay natin." Lumaki ang ngiti nya.

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now