Nikki's POV
"Okay! Next event is... GAMES!!!" Sabi nung announcer. "Please... walang KJ dito."
"Yess!"
"Game!"
"Lets play."
"Okay! Okay! For our first game... news paper dance! Kailangan ng 10 pairs for this game. Kung sinong gustong sumali, come on!"
Napatingin ako kay Adrian na sobrang laki ng ngiti, yun bang nakakaloko.
"Ayoko..." sabi ko na lang.
"Hey babe! Come on. Lets join." Sabi nitong si Stacey kay Cal.
"Sure." Simpleng sagot ni Cal tapos holding hands silang pumunta ng unahan.
"Oh last one pair na lang!"
"Nikki tara na kase." Pilit ni Adrian.
"Sige na nga." Inilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko kaya inabot ko na lang.
"Okay na. Buo na ang sampung pairs natin. Lets start the game!"
Nagsimula na nga ang game at dumating na sa puntong dalawa na lang ang pair na naglalaban.
Kami ni Adrian at ang masaklap... kalaban namin sina Cal at Stacey.
Nginisian na naman ako ni Stacey pero tulad ng dati, binibigyan ko lang sya ng fake smile at yun nga... inirapan na naman ako ng mang-aagaw na to.
Nagsimula na ang music at di kalauna'y tumigil na rin ito at sobrang liit na rin nung news paper.
Nakaya pa rin namin ni Adrian dahil magaan naman ako, binuhat nya ako ng pa-bridal style tapos nag-balance pa sya.
Nanalo kami dahil nawalan ng balance si Cal.
"For our winner! Nikki at Adrian!"
"Yes naman."
"Congrats!"
Naupo na kami sa table namin at nakita ko ang sama ng tingin ni Stacey sa 'kin.
Bakit ba? Eh sa nanalo kami eh. Wala na syang magagawa.
"For our next game! Uhm... bago ko pala banggitin ang game. Announcement po... wala pong KJ, lahat ay dapat kasali."
"Okay."
"Sure."
"Game na!"
"Okay! For our next game... Find Your Partner. Madali lang naman ito. Pipiringan ang bawat isa at hahanapin nyo kung sino ang makakapartner nyo para sa isang sweet dance na sinayaw natin noong graduation ball. Kung sino man ang nakakatanda." Sabi nung announcer.
Pinapunta na kami sa isang malawak na space at isa isa nang piniringan.
Bahala na kung sinong maging partner ko.
Nagsimula na ang tugtog at ni isa walang nagsasalita dahil sinabi yon sa rule.
Malumanay lang ang bawat isa sa paggalaw kaya nakakalakad ako ng maayos kahit wala pang nakikita.
Sa hindi inaasahang pagkakataon may humawak ng kamay ko at masasabi kong lalaki sya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ko ito nararamdaman?
Siguro sya na ang makakapartner ko.
"Okay... ang lahat ay may partner na kaya its time para tanggalin ang blind fold nyo."
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...