Chapter 27

6 2 0
                                    

Nikki's POV

Nagising ako sa isang puting kwarto...

"Gising na sya."

"Okay ka na ba Nikki?"

"Thank God okay ka na."

Naaninag ko ang aking mga kaibigan na nakapalibot sa 'kin.

"Ano bang nangyari?" Nagtatakang tanong ko.

Bigla naman sumakit ang ulo ko.

"Nahimatay ka lang naman kahapon." Paliwanag ni Lexie.

Ganun ba?

"Si Cal? Kumusta sya?? Okay na ba sya?" Nagkatinginan naman silang apat dahil sa tanong ko. "May nangyari bang hindi maganda sa kanya?"

"Nasa ICU sya ngayon." Malungkot paliwanag ni Pia.

Hindi ko napansin na may tumulo nang luha sa aking mata.

"Pwede bang puntahan ko sya kahit saglit lang?" May pagmamakaawang tanong ko.

"Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong ni John.

Tumango lamg ako. Wala silang nagawa kung hindi ang pumayag.

Ipinakuha nila ako ng wheel chair tapos inihatid nila ako sa ICU kung nasaan si Cal.

Sakto namang wala si tito Nicholas pero nandito sina tita Evelyn at Kisha.

"Ate Nikki..." lumapit si Kisha sa'kin at niyakap ako. "Ate... si Kuya Cal." Doon na sya umiyak.

"Shhh... tahan ka na Kisha. Baka marinig ka nang kuya mo. Di ba? Ayaw nyang umiiyak ka?" Unti unti namang napawi ang luha ni Kisha at humiwalay sa yakap ko.

Lumapit ako kay tita Evelyn na nakaupo sa isang bench malapit sa ICU.

"T-tita, sorry po." Napatungo ako dahil sa hiya pero ikinagulat ko ng hawakan ni Tita ang aking kanang kamay kaya napatingin ako sa kanya.

Nakangiti sya ng bahagya...

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Nikki. Walang may kasalanan dito. Aksidente lang ang nangyari kaya wag na wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi ni tita na nakapagpangiti sa akin ng bahagya.

Kahit kelan talaga, ang bait sa 'kin ni tita.

"Uhm... pwede ko po ba syang puntahan."

"Sige. Pumunta ka na sa kanya." Pagpayag ni tita.

Pumasok na ako sa ICU at dito pa lang sa malayo kitang kita ko na ang peaceful na kalagayan ngayon ni Cal.

Mukhang wala syang iniinda at natutulog lang.

"Sorry Cal..." sabi ko ng makalapit ako sa kanya. "Kahit na sabihin pa nilang wag kong sisihin ang sarili ko sa nangyari sayo. Hindi ko pa rin maiwasan kase feeling ko... ako talaga ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ka." Tumulo na naman ang luha ko pero pinunasan ko agad ito.

"Sana magising ka na at maging okay. Ang sakit pala na makita kang nasa ganyang kalagayan. Siguro nga in denial na naman ako." Naiiyak na naman ako.

"In denial lang ako na iba na ang nararamdaman ko pero ang totoo, mahal na mahal pa rin kita at ngayon ko lang napagtanto na mahal pa rin talaga kita kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo." Hinawakan ko ang kamay nya.

"Sorry..." tumayo ako sa wheel chair at mas lumapit pa sa kanya.

"I love you... Cal" bulong ko sa tenga nya tapos hinalikan ko sya sa kanyang labi kasabay nito ang pagpatak ng aking luha.

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now