Nikki's POV
Ang bilis ng panahon, mag-ge-grade 12 na kami. Nandito ako sa hallway. Naglalakad mag-isa. Galing ako sa library.
Vacant time naman kase namin tapos may klase sina Cal pero siguro tapos na yun at busy sya.
Dahil sa hindi ko pagtingin sa daan, may nakabangga akong lalaki.
"Sorry."
"Oh! Hi Nikki!" Ah... Si Adrian pala. "Nice to see you again." Ngumiti lang ako. "Wala ka bang gagawin?" Umiling lang ako. "Okey! Tara kakain." inakbayan nya ako pero tinanggal ko.
"PDA yan." bulong ko.
"Sorry." Sabay peace sign kaya natawa na lang ako. "Treat kita."
"Sige ba." I answered.
Siguro hindi naman sya mahirap maging kaibigan tutal pinsan naman sya ni Cal.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Panay ang tawa ko dahil sa mga jokes nya.
*bell ring
"Bell na. Siguro next time na lang uli tayo magkwentuhan. See you." Sabi ko tapos tumayo na.
"Yeah. Alright. See you. Thanks for your time." Sabi nya.
"Thanks." Umalis na kami ng canteen at naghiwalay na kami ng direction.
-----
Dumaan ang maraming araw at lagi na kaming nakakapagkwentuhan ni Adrian pero syempre mas ine-expend ko ang time ko sa boy friend ko.
I'm so lucky to be his girl friend.
Naiisip ko yung sinabi ni tito Nicholas. Alam kong hindi totoo ang sinabi nya tungkol kay mommy.
Hindi kabit ang mommy ko at hindi ako anak sa labas.
Naniniwala ako kay lola na kasal sina mommy at daddy at nag-divorce dahil kelangan ni daddy'ng magpakasal sa iba dahil mapapahamak daw kami ni mommy kapag hindi ginawa ni daddy ang bagay na 'yon.
-----
March 17... the day of my birthday.
Saturday ngayon at magkasama kami ni Cal. Nandito kami ngayon sa garden nila sa may ilalim ng puno.
Buti na lang wala dito si tito Nicholas kase naiilang ako kapag nandito sya.
Naggigitara ngayon si Cal at ang gwapo nyang tingnan habang natugtog.
Magja-jamming kami. Ako ang magsisimula nang kanta.
Me: 🎶 Itanong mo sa akin kung sinong aking mahal🎶
Cal: 🎶 Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal🎶
Both: 🎶 Ikaw lang ang aking mahal
Ang pa-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararam - daman🎶Nakangiti naming tinapos ang kanta.
He hug me so tight. Feel na feel ko ang pagmamahal nya para sa'kin.
"Mahal na mahal na mahal kita. Mas mahal pa nga ata kita kesa sa sarili ko. Kaya siguro hindi ko na kakayanin kung mawawala ka pa sa akin. Na-e-excite na tuloy ako na dumating yung araw na maglalakad ka sa altar papalapit sa'kin."
Humiga kami sa blanket tapos nakatingin kami sa itaas ng puno. Nakahiga ang ulo ko sa kanang braso nya.
"Ikaw talaga. Kasal na agad?" nakangiting napatingin ako sa kanya.
"Doon din naman ang punta natin eh. Mahal na mahal na mahal mo naman ako di ba?" nakangiting tanong nya na nakatitig pa sa aking mga mata.
"Mahal na mahal na mahal kita my handsome boy friend, Cal Dela Fuente." Kiniss ko sya sa chick nya na lalong ikinalaki ng kanyang ngiti.
"You're my first and last girl friend, Nikki Villaruel. Ayaw ko nang humanap ng ng iba kase nandito ka na." he said then he kissed my forehead.
"Ikaw hah. Uhm... Ako?? Ayaw na kitang bitawan pa kase sobrang hirap kapag nawala ka." Naghawak kamay kami.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at kulitan ng kulitan.
Sobra talaga ang saya ko kapag kasama ko sya.
"Tara alis tayo." Yaya ni Cal.
"Saan naman tayo pupunta??"
"Mamamasyal. Arcade tayo sa mall."
"Sige ba." Mahilig din kase ako sa arcade.
Pagkarating na pagkarating namin sa arcade, bumili agad kami ng tokens at pumunta ng basketball. Mahilig kase sya dito at marunong din naman ako sa shooting.
Syempre lagi syang panalo, basketball player. Wala nga syang sablay.
"Ang dami na nating ticket. Hintayin mo ko sa labas. Ipapapalit ko lang ito." Paalam nya.
"Okay." Lumabas na ako ng arcade.
Umupo muna ako sa isang bench para hintayin si Cal.
Hay... ang palad ko talaga sa boy friend ko.
"Ta-da!!!" Biglang sumulpot ang isang puting human size teddy bear. "Happy birthday Nikki!!" Akala ko... nakalimutan na nya ang araw na'to.
"Thanks!"
"Tara ice cream tayo... birthday girl." Yaya naman nya. Hinahayaan ko syang magdesisyon.
Okay lang yon sa'kin para mas magkasundo kami.
Kumain kami ng cookies and cream na ice cream.
"Oy ang cute nilang couple."
"Ang gwapo ni kuya."
"Bagay sila ni ate."
"Ang sweet nila noh?"
"Oo nga nakakalanggam."
"Rinig mo ba yun? Walang tumututol sa tin." Pinisil nya ang ilong ko. "Kaya lagi mong tatandaan ang sinabi ko sa'yo kanina. Na ikaw lang... ikaw lang para sa'kin."
Napangiti na lang ako sa sweetness na ipinapakita ng boy friend ko.
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa mall tapos umuwi na rin kami. Inihatid nya ako sa bahay.
"Thank you." Kiniss ko sya sa chick nya tapos lumabas na ako.
"You're welcome my birthday girl."
Sobrang saya ng araw na to...
'Sana hanggang sa huli tayo pa ring dalawa'
-------------------------------------------------------------
Author: Hope you enjoy this story. Thank you for reading! :)
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...