Cal's POV
Grabe! I didn't understand what I feel... Pero masasabi ko na... Sobrang saya ng araw na 'to.Nung first time ko pa lang syang makita at makilala, hindi ko na matanggal ang ngiti sa aking labi.
I'm so glad kase mas nakilala ko pa sya kanina. Hindi man sya kasing ganda ng mga sikat na babae sa university pero nung oras na 'yun, sya ang pinakamaganda sa paningin ko.
"Kuya? Why are you smiling?" My little sister asked, na hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na pala.
"Nothing." Simpleng sagot ko.
"Nothing?! Kanina pa ako nagna-knock ng door mo kuya pero hindi mo ino-open." Nakapamaywang na sabi nung kapatid ko na akala mo matanda na pero five years old lang naman.
"I'm sorry Kisha. I didn't hear... So why are you here?" I asked.
"Hmm... Mommy asked me to tell you that our dinner is ready." My sister said.
"Okay. Lets go." Sabi ko at lumabas na kami ng room ko.
Bumaba na kami papuntang dining room.
"Daddy!" Kisha shouted tapos tumakbo sya palapit kay daddy.
Kararating lang pala ni daddy.
"Oh hi sweetie!" Binuhat ni daddy ang 5 years old na si Kisha.
"Hi Dad!" Bati ko sa kanya ng makalapit ako.
Ti-nap lang ako ni daddy sa balikat at sabay-sabay na kaming pumunta sa dining room.
"Oh Hon! You're here." Sabi ni Mommy tapos hinug nya si Daddy.
Masaya kaming kumain ng dinner.
Maaga akong nakatulog at syempre maagap din kung gumising. Hindi ko alam pero this time mas ginaganahan akong pumasok.
"Oh ang aga mo naman Cal. Baka sarado pa ang school mo." Bungad sa 'kin ni yaya Delia, ang pinaka-matandang katulong namin dito sa mansion.
"Hindi pa ba kayo nasanay sa'kin yaya? Palagi naman po akong maaga." nakangiti kong sabi.
"Oh sya, sya, mag-iingat ka. Hindi ka na ba kakain? Nakahanda na ang almusal sa hapag." Sabi ni yaya Delia.
"Hindi na po, nagmamadali na rin po kase ako eh. Sige po Ali's na po ako." pagpapaalam ko tapos lumabas na ng mansion.
5:30 am pa lang at madilim pa ng makarating ako sa university.
"Good morning sir Cal." Masayang bati ni kuya Nelson, ang laging pinaka- maagang gwardya dito sa university.
"Good morning po." Paalis na sana ako para pumunta ng classroom... But I chose to stay in the guard house to wait for Nikki. Sure naman akong maaga syang dadating.
"Good morning Nikki!" I said with a big smile on my face.
Nakita ko sa mukha nya na parang na-shock sya. Gusto ko sanang tumawa pero mas pinili ko na lang mag-snile.
Kabawasan 'yon sa 'kin, baka magalit sya at 'yon ang pinaka-ayaw ko.
Ang magalit sya...
"G-Good morning. Aga mo ah." sabi nya.
"I told you... Nasanay lang." sabi ko sa kanya then I winked kaya napaiwas sya ng tingin.
Lalo akong napangiti nang mapansin kong nag-blush sya. Ang cute kase.
Kinuha ko ang lahat ng libro nyang bitbit na ikinagulat na naman nya.
Iyon na ata ang ang favorite ko sa kanya. Sa tuwing magugulat sya.
"Thank you pero---"
"Ako na." Bago pa nya matapos ang kanyang sasabihin, inunahan ko na sya. "Lets go." Yaya ko tapos nag- simula na kaming maglakad.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan para hindi awkward.
Ako lagi ang nagsisimula ng conversation dahil napapansin ko na naiilang sya.
Hay... Ang ganda ng ngiti nya.
Nikki's POV
Waaaaah! Pwede bang kiligin? I didn't expect that he is waiting for me.
Gusto ko nang magtatalon dito dahil sa sobrang kilig pero syempre nahihiya ako, lalo na't kasama ko sya ngayon.
Sabi nga... Don't expect too much because expecting too much will hurt you so much. Oh di ba? Boom!
"So mamaya, sabay uli tayong mag-lunch?" He asked.
Ano ba ang tamang isagot? Hindi naman masamang pumayag did ba? Pati gusto ko ring mas makilala pa sya.
"Sure." Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng room ko. "Uhm... Thank you sa paghahatid at sa pagbibitbit ng books ko." Naka-ngiti kong sabi.
"You're always welcome." He smiled and then he tap my head. "See you later, Nikki." He said. He turn around and start to walk away from me.
Hay... Konting araw pa lang kitang nakikilala at nakakasama, ang gaan na agad ng loob ko sa yo.
Tulad ng napag-usapan, sabay-sabay uli kaming nag-lunch at libre kami ng mga boys.
Ang saya nilang kasama. Hindi lang saya, nakakakilig pa. Ang kukulit kase nila, hindi ko tuloy mapigilang tumawa.
I think, I like Cal. I like him as my friend.
-------------------------------------------------------------
Author: Thank you for reading this story. Hope you like it. Enjoy!
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...