Chapter 37

6 2 0
                                    

Nikki's POV

Nandito ako ngayon sa site. Wala ngayon dito si Cal. Nagtext sya sa'kin kanina na male-late sya ng konti dahil may aasikasuhin pa raw sya.

Naglibot libot ulit ako dito at nakikita ko naman ang pagbabago sa building na to.

Dumadating ang panahon gumaganda at umaayos.

Excited na akong mabuksan ang hotel na to.

Ang tagal ko na tong pinagplanuhan at buti na lang natupad tupad din.

"Good morning!" Napalingon ako doon sa bumati sa akin.

Akala ko mamaya pa sya dadating.

"Good morning." Simpleng bati ko.

"Kanina ka pa?" Tanong nya.

"Yep. Naglibot libot lang naman ako." Sagot ko.

"How was it?"

"Better than before." Sabi ko.

"Ah... yeah." Sagot naman nya.

Naglibot libot pa kami at hindi ko mapigilang tingnan sya.

Phone ring...

Siguro kanya yung phone...

"Excuse me..." paalam nya. Tumango na lang ako.

"Hi babe! Ah yeah... nandito ako ngayon sa site... ah yeah sure... okay... bye. I love you..."

Hay... dati ako yun pero ngayon naagaw na sya sa 'kin.

Okay lang yan Nikki... konting panahon na lang naman, mawawala na sila sa buhay mo.

"Uhm... Nikki... nakalimutan  ko palang sabihin sa yo... may konti lang akong binago sa project. Hindi pala bagay yon kaya binago ko." Sabi nya.

"Ganun ba? Uhm... okay lang yon. Alam ko namang ginagawa mo lang yung best mo para maayos ang project na to. Thanks." Nasabi ko na lang.

Ang dami pa naming pinag-usapan about sa project...

Lunch time...

"Its already 12 pm. Tara sabay na tayong mag-lunch." Yaya nya.

"Sure." Pagsagot ko. Wala naman masama don at isa pa... kakain lang naman kami.

"Lets go." Yaya nya.
 
Palabas na kami ng building...

"Hi babe! Pasan kayo??" Bigla na lang dumating si Stacey at ngayon ay nasa harapan na namin sya.

"Ah... magla-lunch na kami babe." Sabi naman ni Cal tapos yon naghalikan na naman sila sa harapan ko kaya nag-iwas na ako ng tingin.

Ang sakit kase sa mata ng panoorin.

"Uhm... ehem... una na ko Cal." Paalam ko.

"A-uhm... Nikki... sumabay ka na sa'min." Pigil sa akin ni Cal.

"Ah... okay lang. Wag na. Mukhang makakaistorbo pa ako sa inyong dalawa." Sabi ko na lang.

"No... Nikki... okay lang naman sa'kin kung kasama ka." Anong nakain nitong si Stacey at biglang bumait ata?

"Oh... okay lang naman kay Stacey eh kaya lets go. Uhm... sa kotse ko na lang tayo sumakay." Prisinta ni Cal.

"Okay." Sabay pa naming sabi ni Stacey na ngumiti pa sya sa akin na halata namang fake smile at ako naman ay ngumiti ng pilit.

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now