Chapter 21

5 2 0
                                    

Cal's POV

"Cal... Pinapatawag ka ng daddy mo sa office nya." -Yaya.

Nandito ako ngayon sa room ko at nagre-ready para sa suprise ko kay Nikki.

Bukas na kase ang 3rd anniversary namin kaya nagre-ready na ako.

*knock *knock *knock

"Come in." Sabi ni Dad.

"Dad. Pinapatawag nyo raw po ako."

"Yes. Sit here." Turo nya doon sa sofa.

Agad naman akong sumunod...

"Ano po ba yon dad?"

"Gusto ko lang sanang humingi ng favor sa'yo..." Seryosong  sabi ni Dad.

"Tutal malapit ka nang grumaduate. Ilang years na lang naman 'yon. Gusto ko sana ma-engaged na kayo ni Stacey Sanchez." Seyosong sabi ni Dad.

"What?! No way Dad!" Napasigaw na ako. "Dad... Alam nyo namang may girl friend na ako at si Nikki 'yon."

"Wala naman syang maitutulong sa ating pamilya... Kaya mabuti pang si Stacey na lang para atleast may pakinabang naman ang magiging daughter in law ko."

"Dad naman... Dad wag namang ganun." Bakit dad?? "Akala ko ba tanggap mo ang girl friend ko pero ba't ganito??" Halos paiyak na ako dahil akala ko tanggap sya ni Dad.

"Akala ko pa naman sumbongera yang girl friend mo. Una pa lang kase ayoko na sa kanya anak. Magpakasal ka na lang kay Stacey kase sya ang nababagay sa'yo..."

"Pero hindi naman sya ang gusto ko,  dad. Kahit ano pang sabihin nyo... Hindi ko hihiwalayan ang taong bumubuo ng pagkatao ko." Seryosong sabi ko.

Kahit na ama ko pa sya... Sorry dad pero mahal na mahal ko kase sya.

Tumayo na ako at palabas na sana ng office ni Dad.

"Sige kung 'yon ang gusto mo bahala ka pero asahan mo na hindi mo na makikita sa university'ng iyon ang babaeng 'yan. Alam mong kayang kaya kong patalsikin ang babaeng 'yon kung kailan ko gusto." banta ni dad.

"Dad..." Tumulo ang luha ko sa aking kaliwang mata.

"Mamili ka... patatalsikin ko ang girl friend mo sa university'ng pag-aari ko o hihiwalayan mo sya bukas na bukas din at magpapakasal ka kay Stacey?" Hindi ko na sya pinansin pa at lumabas na ng office. "Nasasayo ang desisyon Cal."

Dahil sa galit ko... Sinara ko ng pabagsak ang pinto ng office ni Dad.

Sobrang nagkuyom ang palad ko dahil sa inis.

Bakit kailangang mangyari to? Ano bang pumapasok sa utak ni Dad?

Bakit kailangan nyang gawin to sa'kin.

-----

Tumulo na naman ang luha ko habang tinititigan ang magandang larawan ni Nikki.

"Sorry... Wala pa kase akong lakas para ipaglaban ka." Bakit pa kase kailangang mangyari 'to?

"Sorry kase kahit nasasaktan ka na wala akong magawa. Ang duwag duwag ko pero hayaan mo pagdating ng araw na kaya ko na babalikan kita kung malaya ka pa."

"Alam mo nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nasasaktan. Bakit kase ang komplikado ng lahat sa ating dalawa? Hindi ba pwedeng magmahalan na lang tayo at hindi na masaktan pa??"

Bakla mang umiyak ang isang lalaki pero siguro ito yung kelangan para matanggal kahit panandalian ang sakit.

"Pinilit ko talagang iwasan ka kase baka magbago ang isip ko at balikan ka ng di oras. Alam kong umiiyak ka sa tuwing nagkikita tayo pero wala talaga akong magawa kundi ang iwan ka ng lumuluha."

Patawad aking mahal...

-------------------------------------------------------------

Author: thank you for reading. Hope you like and love it. Enjoy! :)

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now