Lexie's POV
"Sese..." tumulo na ng tumulo ang luha ko. "Ba't ang bilis mo namang magbihis?"
Naiinis na talaga ako kaya naisip ko na lang na lumabas ng bar.
Sinundan ako ni Thor hanggang sa labas. Nahawakan pa nya ang kamay ko.
"Sese... wait lang naman. Aalis ka na agad?" Halata sa kanya na lasing na nga talaga sya.
Nang makaharap ako sa kanya... sinampal ko sya ng sobrang lakas.
"Ah! Para sa'n yon?!" Takang tanong nya.
"Para yan sa panloloko mo sa'kin!" Hindi ko na napigilan pang umiyak sa harap nya.
"Sese..."
"Bakit Thor?? Bakit? Hah? Kulang pa ba ang pagmamahal na binibigay ko sa'yo para hanapin mo pa sa iba?! Akala ko matino ka pero hindi pala. Tulad ka lang ng iba... manloloko!"
"Sese... ano bang sinasabi mo? Di ba ikaw yung kasama mo kanina?"
"Hahaha... ako nga ba ang kasama mo kanina Thor? Pagkakaalam ko kase hindi ako ganung klaseng babae na bayaran!" Halatang nagulat sya sa kanyang mga nalaman. Tinanggal ko na ang singsing ko at ibinigay sa kanya.
"Oh ang singsing mo! Ibigay mo na lang yan sa babae mong bayaran! Tutal masaya ka naman sa kanya!" Sabi ko tapos paalis na sana ako pero pinigilan nya ako.
"Sese... sorry. Akala ko kase ikaw yun. Sorry... sorry...sorry." tinanggal ko na ang pagkakahawak nya sa akin.
"Tama na Thor. Ang sakit sakit kase eh. Tama na. Tapos na tayo! Ayoko na sa'yo!"
Pumunta na agad ako sa kotse ko at umalis na.
Bakit Thor? Bakit nagawa mo to sa'kin?!
Safe naman akong nakauwi sa bahay.
"Oh ate. Gabi ka na ah. Nga pala wala sina papa at mama nasa probinsya."
Tumango lang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Humiga ako sa aking kama at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak ko.
----
Thor's POV
1 week later...
Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nina Sese na may dala dalang boquet of flowers.
Inaraw araw ko na to pero still hindi pa rin nya ako napapatawad. Hindi ko naman kase alam na hindi sya yun eh pero atleast pinagsisisihan ko na.
*dingdong *dingdong *dingdong
Bumungad sa 'kin si tito (papa ni Lexie)
"Sorry iho. Ayaw ka na kaseng makita pa ng anak ko." Pinagsarhan nya ako ng gate.
Bagsak ang balikat kong sumakay sa kotse ko. Tiningala ko pa ang kwarto nya bago ako umalis.
Wala pa man ding pasok ngayon.
Fr: John
Thor tara pasyal tayo. Yayayain natin si Cal. Makikita nya. Hahaha... tara. Kasama ang buong basketball team natin.
Agad akong pumunta kung saan nya tinext.
At nandoon nga sila.
"Nasaan na si Cal?" Tanong ko.
"Papunta na raw sabi ni Kisha." Kasabwat talaga si Kisha ah.
Hindi nagtagal, dumating na rin si Cal pero ang masama neto may kasama syang body guards.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...