Nikki's POV
Lunes na naman... nakakaantok pa.
Ano bang meron ngayon?? May appointment ba ako??
Ma-icheck nga... kinuha ko ng aking phone at tiningnan ang sched ko...
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat...
"Shocks!!! Ngayon na nga pala yun. Anong oras na?!"
6:30 na! 7:30 ang usapan namin!
Nagtatakbo na ako papuntang banyo at naligo na ng mabilis tapos kumain ng breakfast at agad na umalis.
May 25 mins. pa pero medyo malayo ang Makati dito sa amin.
Traffic!!!
Nag-ayos ayos na ako habang hindi pa umuusad ang sasakyan.
Nakarating naman ako ng maayos sa site at natanaw ko si Cal na nag-aasikaso na ng mga gagawin.
Ino-orient na nya ang mga workers.
Lumapit agad ako. Hay... late ako ng 10 mins. Nakakahiya.
"Good morning!" Bati ko na lang.
"Good morning Mam!!!" Bati ng mga workers namin.
"Good morning!" Bati rin ni Cal.
"Am I late??" Tanong ko na medyo nahihiya.
"No. Kararating ko lang din don't worry." Sagot ni Cal.
"Ah okay. Uhm... lets start??" I asked.
"Yeah. Sure." Sagot nya.
Nagsimula na ang lahat sa paggawa...
"Uhm... Ms. Smith?? Can we talk?" Tanong ni Cal.
"Sure. Uhm... Nikki na lang. Wag naman masyadong formal." Sabi ko.
Pumunta kami sa medyo malayo sa site.
"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ko.
"Ah... gusto ko lang sanang mag-sorry sa kakatanong ko nung nakaraan sa Tagaytay. Sorry... umiyak ka pa tuloy..." sabi nya.
"Naku... wala yun. Okay lang. Ganun lang talaga ako. Wag mo nang alalahanin pa yun." Sagot ko sa kanya na akala mo okay lang talaga ako kahit hindi naman talaga.
"Akala ko kase nakulitan ka na sa akin noon. Na-curious lang talaga ako about sa pagkatao mo. Kung sino ka ba sa buhay ko. At nalaman kong kaibigan pala talaga kita." Sabi nya. "Gusto ko nga sanang itanong kung sino yung ex mo pero over na nga pala yun."
"Ikaw... ikaw ang ex ko." Pabulong kong sabi.
"May sinasabi ka ba??" Patay! Narinig nya ata.
"Ah... wala wala. Tara balik na tayo dun sa site." Yaya ko.
"Okay. Lets go."
Bumalik na nga kami doon.
-----
1 week later...
Ang bilis ng pagkakagawa ng building dahil second floor na ang ginagawa nila.
Kumpara kase noon kapag konti lang ang manggagawa mabagal ang paggagawa pero dahil may 65 workers kami... ginagawa na ang second floor.
"Good morning Cal!" Bati ko sa kanya.
Since nung sa Tagaytay, naging close na kaming dalawa. Tropa tropa na lang kami ngayon at wala nang ilangan.
Siguro nga... naka-destined talaga kami para maging magkaibigan lang talaga.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Novela JuvenilIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...