2 years later...
Nikki's POV
Woooooh! Grade 11 na kami at stay strong pa rin ang relationship namin ni Cal. Ang saya lang.
HUMSS ang kinuha kong strand. Pare-pareho kami ng kinuha nina Pia and Lexie.
Oh 'di ba? Best friend goals.
Si Cal naman, STEM ang kinuha dahil mag-e-engineer sya sa college.
Hanggang ngayon maaga pa rin kami ni Cal kung pumasok.
Araw-araw mas lalo syang nagiging sweet sa 'kin. Nakakakilig!
"Kumusta ang studies?" He asked.
Naglalakad kami papuntang building ng senior high.
"Its fine. How 'bout you?"
"Same. Uhm... Naisip ko lang, pwede bang mag-date tayo mamaya?" Parang excited na batang tanong nya. Tsk tsk tsk...
"Sure..." I answered.
Parang nabuhayan ang mukha nya.
Minsan lang kase kami lumabas ng magkasama. Kahit kase in relationship kami, hindi pa rin pwedeng pabayaan ang pag-aaral.
"Kung walang ibibigay na task." nakangiting dugtong ko.
Bigla na lang lumungkot ang mukha nya.
"Sana wala." Bulong nya."May sinasabi ka?" I asked kahit na narinig ko naman. Hahaha...
"Nothing. Hmm... We're here. See you later..." Sabi nya sabay dampi ng labi nya sa labi ko ng sobrang bilis.
"Yaaah!" sigaw ko dahil nagtatakbo na sya ng mabilis.
"I love you!" Sigaw nya na humarap pa talaga sa 'kin.
"I love you too..." pabulong na lang na sabi ko dahil sobrang layo na nya.
Papasok na sana ako ng room ng mabigla ako dahil may tatlo akong classmates ang sumulpot sa may pintuan.
"So ganito pala kayo kaaga kung dumating." Sabi ng malditang Stacey.
Araw-araw na akong naiirita sa babaeng 'to.
Saksakan ba naman ng kaartehan sa katawan... Ewan ko lang.
"Ang strong naman ng relationship nyo." sabi naman ng kasama nyang si Quiny.
"Oh... How sweet naman." sabi naman ni Estella.
Ano bang gusto ng mga 'to? Nangsisira pa ng magandang umaga.
"Strong relationship?! Sweet?! Duh! Just wait and see Nikki. Mawawala sya sa'yo at mapapasa'kin si Cal. Tandaan mo 'yan!" Sabi ni Stacey.
Eh may gusto pala 'to sa boy friend ko eh.
Sabunutan ko kaya 'to hanggang sa matanggal ang anit.
Pinigilan ko na lang ang sarili ko na makagawa ng mali bagkus kinuyom ko na lang ang aking palad dahil sa sobrang inis.
Sabi ko na nga ba! May pagnanasa ang babaeng 'to sa boy friend ko pero syempre may trust pa rin ako kay Cal kase love ko sya eh.
"Stacey, you know... I heard a news about her..." Estella said while smirking.
"What is it?" Maarteng tanong ni Stacey.
"Nikki is a POOR girl. She is JUST a scholar in this university." What?!
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Ficção AdolescenteIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...