Thor's POV
Nandito ako ngayon sa gymnasium... Mag-isang nagpapractice.
Mahal na mahal ko talaga ang pagba-basketball bata pa lang ako.
Naalala ko tuloy ang kababata ko na si Sese. Nasaan na kaya sya?
Sa totoo lang namimiss ko na sya. Ang tagal ko na syang hindi nakikita. Sana talaga makita ko na sya.
Sayang nga... Hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko sya dahil nawalan na ako ng pagkakataon.
Nagbihis na ako ng pamalit tapos
umalis na sa gym.Sa hindi kalayuan... Nakita ko si Lexie. Yung babaeng dinala ko sa clinic noon.
Hindi ko alam pero iba ang paki-ramdam ko kapag nakikita ko sya.
Hindi... Hindi pwede.
Si Sese ang gusto ko at hindi ang babaeng to. Magkaiba sila. Ibang iba talaga.
Malapit na si Lexie sa kinatatayuan ko bigla na lang syang natigil dahil sa tatlong lalaking humarang sa kanya.
Masama to...
"Hi Lexie." Sabi nung lalaki. Sino ba yun? Ang yabang ng dating ah.
"Pwede ba Kiko, lubayan mo na 'ko. Wala akong panahon sa'yo." Sabi ni Lexie. Sige tama lang yan Lexie.
Huh? Ano bang sinasabi ko??
Lalampasan na sana ni Lexie yung Kiko pero mabilis nitong nahawakan ang braso ni Lexie.
Walang ibang tao dito... Kami lang lima.
"Alam mo ikaw lang ang babaeng umaayaw sa'kin. Ano ba ang mga type mo?" - Kiko
"Uhm... Yung type ko? Yung type ko... Wala lahat sa'yo. Kaya pwede ba? Tigilan mo na 'ko??" Sabi ni Lexie.
"Anong sabi mo?!" Sasampalin na sana nung Kiko si Lexie pero mabilis akong lumapit at pinigilan ang kamay ni Kiko.
"Pare, babae 'yan... Hindi dapat sinasaktan." nasabi ko.
Ano bang pinagsasasabi ko?
"Sino ka ba?! Wag ka ngang mangialam dito!" inis na sabi ni Kiko.
"Bakit naman hindi ako mangingi-alam eh girl friend ko ang sasaktan mo." Nginisian ko si Kiko.
Eto na lang ang maitutulong ko kay Lexie kahit wala naman talaga kaming koneksyon sa isa't isa.
"Ano?!" Gulat na tanong ni Kiko. "Totoo ba yun?!" galit na tanong nya.
Tiningnan ko si Lexie tapos kinindatan ko sya.
"Oo." Sagot ni Lexie.
Nginisian ko naman si Kiko.
"Kaya bro..." Hinawakan ko ang kamay ni Kiko na nakahawak sa braso ni Lexie. Sumeryoso ang mukha ko. "Back off." Sabay tanggal ng kamay nya.
Hinawakan ko ang kamay ni Lexie tapos hinila na sya paalis doon.
"Thanks. Hindi ka pa rin pala nagbabago. Tulad ka pa rin ng dati." Sabi ni Lexie. Hindi ko masyadong napakinggan ang sinabi nya.
"May sinasabi ka ba? Pakiulit naman. Hindi ko kase narinig." Sabi ko. Na-curious kase ako eh.
"Wala. Sabi ko... Thank you sa pagtatanggol sa 'kin."
"Ah... Wala yun." sabi ko. "Sige may klase pa kase ako eh. Ingat ka."
"Sige. Salamat ulit." Nauna na syang maglakad.
-----
Uwian na... Pauwi na ako. May student license naman ako at kotse.
Pumunta na ako ng parking lot at wala pa halos tao dito.
"Akala ko ba boy friend mo yun? Ba't hindi mo kasama?" Pamilyar ang boses na yun.
Luminga linga ako sa paligid at nakita ko si Lexie na nakasandal sa isang sasakyan tapos hawak hawak ni Kiko ang dalawa nyang braso.
"Bitawan mo nga ako! Porket ba wala sya ngayon? Hindi ko na sya boy friend?" Sabi ni Lexie.
Napangiti ako dahil sa katapangan nya.
"Akin ka na Lexie! Akin ka na!" Hahalikan na sana nya si Lexie.
Hinila ko si Kiko at agad na sinuntok. Sobra ang galit na nararamdaman ko.
"WHAT THE F**K?!" sigaw nya.
"Sinabihan na kita di ba? Layuan mo ang GIRL FRIEND ko! Hindi mo ba yun naiintindihan hah?!" sigaw ko.
Lumapit ako kay Lexie at hinila sya papunta ng kotse ko.
Binuksan ko ito.
"Sakay." sumunod naman agad sya.
Nagsimula na akong mag drive.
Sobrang tahimik ng atmosphere. Naiilang ako. Lalo na't nahihiya ako sa ginawa ko kanina.
"Where do you live?" natanong ko na lang.
Sinabi nya kung saan at nabigla ako pero siguro doon lang sya nakatira.
"Dito na lang ako bababa." Tinutukoy nya dito sa kanto papasok.
"Ihahatid na kita---" hindi ko na natapos.
" Thank you. Ingat ka." Lumabas na sya.
Sino ka ba talaga Lexie? Ikaw ba si Sese? Sabihin mo naman. Namimiss na kase kita eh.
Palihim ko syang sinundan at nakita ko ang pagpunta nya sa isang puno.
Yung puno...
"Roro... Miss na kita. 5 years na ngayon Roro. 5 years na kitang hindi nakakasama. Sana maalala mo na ko." Sabi ni Lexie.
Roro??
Lumapit ako sa kanya at iniharap ko sya sa 'kin.
Umiiyak sya pero may kasamang pagkagulat.
"Thor..."
Napatingin ako sa may puno at nakita ko doon yung inukit ko nung bata ako.
"Sese... Ikaw si Sese?" Niyakap ko sya.
"Sese... Bakit ngayon lang? Ngayon lang Sese." Hindi ko alam pero napaluha ako dahil sa tuwa.
"After 5 years... Gusto kong malaman mo na mahal kita... Mahal na mahal kita... Higit pa sa kaibigan."
Sa wakas... Muli tayong nagtagpo... Mahal ko.
-------------------------------------------------------------
Author: Hope you enjoy the story. Thank you and enjoy! :)
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...