Chapter 38

6 2 0
                                    

Kisha's POV

Nandito ako ngayon sa kitchen para uminom ng water.

Hindi ko talaga matanggal sa isip ko yung mga pangyayaring hindi kaaya-aya.

Naiinis ako sa tuwing naiisip ko yung panlolokong ginagawa nila kay kuya.

Wala akong magawa para sa kanila ni ate Nikki dahil ang weak weak ko.

Napansin ko ang biglang pagtunog ng phone ko na nakapatong sa table kaya agad ko itong kinuha.

>text message<

Sino naman kaya to...

Fr: Ate Nikki

       Hi Kisha! May time ka ba? Kung meron, pwede ba kitang makausap saglit? Nandito ako ngayon sa SB. Wait kita dito.

Ah... si ate Nikki pala.

To: Ate Nikki

       Sure ate. Wait mo lang po ako ng ilang minutes.

>message sent<

Agad akong pumunta sa may hagdan para umakyat papuntang room ko...

"Hey Kisha!" Napatigil ako at napalingon don sa tumawag sa'kin. "Where's your brother?"

Hindi ko sya sinagot bagkus tinalikuran ko na sya at paalis na sana...

"Bingi ka na ba ngayon Kisha o sadyang bastos ka lang? Hindi mo ba narinig yung tanong ko??" Sama talaga ng ugali nya kahit kelan.

Kaya ayaw ko sya para kay kuya eh.

Hinawakan nya ako sa braso at hinila pababa ng hagdan.

"Bakit ba ganyan ang ugali mo sa future sister in law mo??" Mataray na tanong nya.

"Tinatanong pa ba yan? Simple lang kase hindi kita gusto para sa kuya ko at kung tutuusin... hindi ka naman talaga mahal ng kuya ko!" Sigaw ko sa kanya.

"What are you saying?!" Nanggigigil na talaga sya at hinigpitan pa ang hawak nya sa braso ko.

"S-sino bang bingi sa ating dalawa?? Ikaw o ako??" Ayaw ko talaga sa kanya kahit kelan. "Hindi ka ba nakokonsensya sa pinaggagawa mo?! Pinapaikot nyo lang ang kuya ko sa mga kasinungalingan nyo!"

Hinawakan na nya ang magkabila kong braso at mas hinigpitan pa ang hawak dito.

"Manahimik ka! Mahal ako ng kuya mo! Yan ang itatak mo sa kokote mo!" Nanlalaki na ang mata nya at lalo pang humihigpit ang hawak nya sa braso.

"Bitawan mo na nga ako! Ano ba nasasaktan na ako!" Hindi ko na napigilan pang itulak si Stacey.

"Kisha!!!" Napatingin ako sa taas kung nasaan ngayon si kuya.

Bakas sa mukha nya ang pinaghalong inis at galit.

Bumaba agad sya at agad tinulungan ang malditang si Stacey.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! How dare you to hurt my fiancé?!" Galit na galit talaga si kuya.

"Hindi ko naman sinasadya kuya eh. Sya pati ang nananakit sa kin..."

"Stop lying Kisha! Kitang kita ng dalawa kong mata ang pagtulak mo sa ate Stacey mo!" Ang sama ng tingin nya sa'kin.

Hindi ko na napigilan pang umiyak sa harap nila.

"Cal... okay lang ako. Wag mo nang sigawan ang kapatid mo oh." Wow ang galing naman nyang actress. Kahanga hanga! Yung tipong ang sarap sabunutan.

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now