Nikki's POV
After 2 years...
"Hey sweetie!" Kabababa ko lang galing kwarto ko.
Ang aga naman ni Dad. Nasa dining area na agad sya maging si lola.
"Good morning apo. Halika kumain na tayo."
"Good morning po."
Masaya kaming nagkwentuhan habang nakain ng breakfast.
Isa na ako ngayong ganap na teacher ng sarili kong school.
Si daddy na mismo ang nagpagawa ng school para sa 'kin kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap.
Ako na rin ang nag-ha-handle ng iba naming business.
"Uhm Nikki... tomorrow you have a meeting with the engineer that I hire for our new building." Sabi ni dad kaya napatingin ako sa kanya.
"Who is it dad?" I asked. Out of curiousity.
"With Mr. Dela Fuente. He is the best engineer for me. Even if he is a starter." Dad said.
Mr. Dela Fuente??
Hindi kaya... no. Hindi sya yon.
"Is it okay for you??"
"Yeah sure dad."
Natapos na ako sa breakfast.
"Bye dad. Bye la." Paalam ko tapos nag bless ako sa kanila.
"Take care." Paalala ni dad.
"Mag-iingat ka apo." -Lola.
Umalis na ako sakay ng aking kotse na gift pa sa akin ni daddy noong grumaduate ako ng college.
"Good morning mam." Bati ng mga students na nakakasalubong ko.
"Good morning."
Ang sarap talaga sa feeling na noon ikaw yung bumabati, ngayon ikaw na yung binabati.
Yung tipong ikaw yung tinuturuan pero ngayon ikaw na yung nagtuturo.
Mabilis natapos ang araw na 'to at uwian na agad.
"Good morning po Ms. Nikki. Wala po ang daddy nyo, nasa business trip po at ang lola naman po nyo ay nasa kwarto na nya at natutulog."
"Ah okay po. Sige po palit lang po ako ng damit tapos magdi-dinner na po ako." Pagpapaalam ko.
"Sige po."
Umakyat na ako papunta ng aking kwarto.
Hay... kahit nakakapagod ang araw na 'to, masaya pa rin.
Kumain na ako ng dinner na mag-isa.
Nang matapos ako, bumalik na lang ako sa aking room at nahiga.
Naisip ko tuloy yung sinabi ni dad na may meeting ako with Mr. Dela Fuente.
Sya kaya yon??
Eh ano naman kung sya yon?? Eh kase... kase ano?? Affected ka pa rin sa kanya? Ganun ba?
Sya masaya na sa girl friend nya tapos ikaw, 2 years na wala pa rin.
Hay... nababaliw na ata ako. Bahala na nga bukas.
Kinabukasan...
Medyo late na akong nagising ngayong araw tutal mamaya pa namang 5:30 pm ang meeting ko with Mr. Dela Fuente.
Hindi pa rin maalis alis sa isip ko kung sino ba talaga sya?
Biglang tumunog ang phone ko...
Pia is calling...
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...