Epilogue

12 2 1
                                    

Cal's POV

No! Hindi nya ako pwedeng iwan... hindi pwede!

Bakit ganito?? Bakit kase sa dinamidami ng taong makakalimutan ko si Nikki pa talaga...

Tama nga ang kasabihang... nasa huli na ang pagsisisi dahil nahuli na ako nang ma-realize kong si Nikki pala ang tinitibok ng puso ko at hindi yung sinungaling na Stacey na yun!

Hanggang ngayon... nandito pa rin ako sa entrance ng airport at nakaluhod habang umiiyak.

Umaasa na babalikan ako ng taong aking pinakamamahal...

Please Nikki...

"Cal... tara na oh." Pilit akong itinatayo ni Adrian pero nagpupumiglas lang ako.

Ayokong umalis hangga't wala si Nikki.

"Cal, tumayo ka na dyan. Ang dami nang tao ang nagtitinginan sa pinaggagagawa mo eh." Sabi naman ni Pia na halatang concern sa 'kin.

"I d-don't care." Sabi ko habang naiyak. Isa mang kabaklaan ang pag-iyak... edi ako na ang bakla para sa kanila!

Wala akong pake sa anumang tumatakbo sa isip nila basta ang laman lang ng isip ko...ay ang pagbabalik ni Nikki.

"Cal..."

Ang boses na yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yun!

Agad akong napatingin sa di kalayuan at nakita ko sya... nakita ko ang taong hinihintay ko na ngayon ay nagbabalik.

Hindi ko mawari ang galak na nararamdaman ko.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.

Napansin ko pa ang pagkagulat sa kanya pero napangiti na lang ako dahil sa tuwa.

"Sabi ko na nga ba... babalik ka. Babalikan mo ko... Sorry." nakangiting sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"H-huh?? A-ano bang pinagsasasabi mo Cal?? Di ba ikakasal ka na kay Stacey? Bakit nandito ka pa?" Takang tanong nya.

"Hmm... gusto mo ba talaga akong ikasal dun sa babaeng yon?? Kung gusto mo... okay. Madali lang-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang napahiwalay sa yakap at kitang kita sa kanya ang pagkagulat.

"Cal?? Ikaw na ba talaga yan?? Hindi ka ba nagbibiro? O nananaginip lang ako?" Sunod sunod na tanong nya.

Napatawa na lang ako sa sobrang cute nya.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala na ako na yung Cal na mahal na mahal si Nikki Villaruel Smith??" Nakangiting tanong ko tapos hindi ko na napigilan pang halikan sya sa labi dahil sa sobrang pagkasabik sa kanya.

I miss her soooooo much!

"Ikaw na nga yan Cal..." napansin ko na tumulo ang luha nya kaya nag-alala agad ako. "Kainis ka! Bakit ang tagal mo namang bumalik?? Pinaghintay mo pa ako ng matagal! At pinagselos---" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil bigla akong sumingit.

"Wait! Nagselos ka??" Nakangiting tanong ko.

"Oo! Nagselos ako dahil mukhang ang saya saya mo nga nung kasama mo yung malditang Stacey na yun na mas pinili mo pa sya noon---" hindi ko na sya pinatapos at mabilis ko syang hinalikan. Ayoko na kaseng masaktan pa sya sa sinasabi nya.

Alam ko naman sa sarili ko na nasaktan ko sya dahil sa sarili ko mismo.

Pinunasan ko na ang luha nya at naisipan kong ayoko nang patagalin pa ang lahat sa amin.

Kaya kinuha ko sa aking bulsa ang singsing na dapat ay para kay Stacey pero hindi ko naman sya mahal kaya sa taong mahal ko na lang to ibibigay.

Hindi na ako nagdalawang isip pang lumuhod sa harapan ni Nikki na ikinabigla naman nya.

I cleared my throat before I speak.

"Hindi man ito ang pinaka-magandang proposal na hinahangad ng isang babaeng tulad mo pero dahil kilala ka bilang isang simple at walang kaarte arte... ayoko nang patagalin pa ang lahat sa ating dalawa Nikki. Ilang taon na ang nasayang, ilang buwan, araw, oras, minuto, at segundo para ating dalawa... will you marry me... Nikki?" Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata habang nakangiti.

"Yes..." lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa matamis nyang oo.

Sinuot ko na ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Happy birthday Nikki."

Sa wakas! Magiging akin na talaga sya.

Napansin ko ang paglapit ng aming mga kaibigan sa kinatatayuan namin ni Nikki.

"Nikki!"

"Congrats!"

"Akala namin, umalis ka na."

"Oo nga."

"Bakit nga pala hindi ka na natuloy?"

"Ah eh... uhmm... bigla kase akong hinarang nung pasakay na ako sa eroplano. Utos daw yun ni daddy kaya ayun tinawagan ko si daddy na sabi sa 'kin, wag na daw akong tumuloy papuntang ibang bansa. Hindi nya daw kase kakayanin kung mawala ang only daughter nya kaya ayun hindi na ako nakatuloy. Hindi ko nga alam kung bakit pabigla bigla na lang si daddy tapos pagkalabas ko natanaw ko agad kayo. Nabigla pa nga ako nung nakita ko si Cal pero masaya ako kase nandito sya." Paliwanag ni Nikki habang nakatingin sa singsing na suot nya.

"Yieee! Muling ibalik na nga!"

Palabas na kami ng airport ng biglang may sumulpot na maligno este tao sa harapan namin.

"Cal... please... tara na. Ikakasal na tayo oh." Sabi ni Stacey na nagmamakaawa sa harapan ko.

"Pwede ba Stacey? Mahiya ka naman! Alam mo nang ayaw sa'yo pero habol ka pa rin ng habol!" Naiinis na ako sa kanya.

Nabigla na lang ako nang yakapin ako ni Stacey. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Nikki.

Tsk! Itinulak ko ng marahas si Stacey para mahiwalay ako sa yakap nya.

"Tumigil ka na!" Seryosong sabi ko.

"Bakit?? Dahil ba sa babaeng yan hah?! Dahil ba sa kanya?! Lagi na lang akong naiiwan! Lagi na lang si Nikki! Puro na lang kayo Nikki!" Hindi nya ba alam na pinagtitinginan na sya ng mga tao dito? Ako ang nahihiya sa kanya eh.

"Pwede ba Stacey! Lubayan mo na sina Cal at Nikki!" Inis na sabi ni Pia na halatang may galit din kay Stacey.

"Manahimik ka! Wag kang sumabat sa usapan ng iba!" Saway ni Stacey tapos humarap sya sa amin ni Nikki na sobrang sama ng tingin. "Yun ba ang gusto nyo?! Maging masaya kayo tapos ako... eto nasasaktan na lang?? Maiiwan nang wala tapos kayo masaya?! Yung ba ang gusto nyo?! Pwes hindi ako makakapayag!" Bigla syang naglabas ng baril tapos itinutok sa amin ni Nikki.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil anumang oras... isa sa amin ang mawawalan ng buhay at yun ang pinaka-ayoko. Ang may mawala na isa man sa amin.

"Magsama sama kayo sa kabilang buhay. Hahahaahah..." para syang baliw.

"Stacey... please... ibaba mo yan. Hindi magandang biro yan." Pigil ko sa kanya.

"Bakit Cal?! Akala mo ba biro lang ang lahat?! Pwes nagkakamali ka dahil seryoso ako!"

Kinalabit na nya ang gatilyo ng baril at doon ay wala na akong ibang naisip kung hindi ang yakapin si Nikki...

Katapusan na ba??

*BANG!!!

-------------------------------------------------------------

Author: Bitin ba?? Don't worry may pa-special chapter pa ako. Nabitin din kase ako eh. Thank you for supporting my story. Enjoy!

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now