Lexie's POV
Saturday morning...
Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa higaan at hindi pa bumabangon.
Inaantok pa ako.
Wala namang pasok.
Narinig ko ang biglang pagtunog ng phone ko. May tumatawag ata.
Roro is calling...
"Good morning."
("Good morning! Uhm... Are you free?")
"Yeah. Why?"
("Tara labas tayo. Miss na kase kita.")
Napapangiti naman ako sa sinasabi nya.
"Sure. Saan tayo?"
("Secret hahaha...")
"Ikaw hah nagsisikreto ka na ngayon
sa'kin."("Hindi naman. Sige na. Mag ready ka na po. Susunduin kita after an hour.")
"Sige ingat ka."
("I love you.")
"I love you too."
Call ended...
Bumangon na agad ako at nag-inat inat.
Dumeretso na ako sa cr para maligo. Simpleng casual attire lang sinuot ko. Syempre yung disente.
"Ate? Aalis ka?" Tanong ng bunso kong kapatid.
"Yep. Susunduin ako ng kuya Thor mo." Masayang sabi ko.
"Oy si ate oh. Date pa more."
*beep *beep *beep
"Oh baka sya na yun. Sige na alis na ko. Bye!"
"Sige ate. Ingat kayo!"
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko na si Roro sa labas ng gate. Nakasandal sya sa kotse nya.
Aba naka-shades pa ang loko. Hahaha.
"Good morning." Bati ko sa kanya.
"Good morning. Tara?"
"Lets go." Pinagbuksan nya ako ng pinto tapos sumakay na ako. "Saan tayo pupunta?"
"Malapit lang."
Masasabi kong malapit nga lang dahil ito ang basketball court kung saan kami naglalaro noon.
"Tara?" Aya nya na nakalahad pa talaga ang kamay nya sa harapan ko.
Inabot ko na naman ito.
"Laro tayo. Tulad ng dati." Masayang aya nya. Tamango naman ako.
Namiss ko to.
Naglaro kami at lagi na lang akong talo sa kanya.
Tumigil muna ako dahil sa pagod. Mahigit dalawang oras na kase kaming naglalaro.
Buti na lang hindi mainit ngayon.
"Okay ka lang?" Tanong ni Roro ng makalapit sa'kin. Tumango lang ako.
"Tara rest muna tayo."Dinala nya ako sa isang bench at inabutan ako ng mineral water.
"Ang bilis mo namang mapagod. Hahaha..." biro nya habang umiinom ako ng water.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...