Pia's POV
Nandito ako ngayon sa hallway naglalakad papuntang garden. Favorite place kapag nagre-review.
Kahit kase may tao sa garden... Okay lang kase ang peaceful. Para bang library pero mas masarap kaseng mag-review dito sa garden. May fresh air.
"Hahaha... Nakakatawa ka talaga." Bakit ba nandito na naman sila?
Palagi na lang... Kung gusto nilang mag-sweet dito sa garden.
Please lang sana umalis na sila...
"Ang saya kase kapag masaya ka." sagot lang naman 'yan ni John.
One year na nga pala... Bakit ba hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin 'to.
Baliw na siguro ako...
Bakit ko pa kase hinayaan kung gusto ko naman? Ako tuloy ang may kasalanan.
Kaya hindi ako naniwala kay Cal eh. Obvious naman na may gusto si John kay Jaycee.
Nahuli na 'ko...
Kahit kelan talaga nasa huli ang pagsisisi...
Hindi ko napansin na nalipad na ng hangin ang reviewers ko.
At sa kamalas-malasan... Doon pa sa kalapit nina John at Jaycee napunta.
Lumapit ako doon... Wala namang masama kung kunin ko yun di ba?
"Uhm... Excuse me." Kinuha ko yung mga papel sa harap nila.
"Wait John... Sya ba yung---" napatingin ako kay Jaycee ng bigla syang magsalita. Pero nakita ko ang kamay ni John na nakatakip sa bibig ni Jaycee.
"Shh... Tumahimik ka nga." Saway ni John. Tinanggal ni Jaycee ang kamay ni John.
"Ano ba? Hi Pia! Ako nga pala si Jaycee. Nice to meet you." Nilahad ni Jaycee ang kamay nya sa harap ko.
Sobrang laki ng ngiti nya. Nang-aasar ba 'to? Pwes! Nakakaasar sya. Sobra.
Sya na ang gusto ni John...
Kinamayan ko na lang sya kesa maging bastos di ba? With matching fake smile pa.
Nakakairita eh!
Kelangan ba talaga na ipamukha sa'kin na sya na ang gusto ni John??
Umalis na 'ko.
Sobra talaga akong naiirita pag nakikita ko ang dalawang 'yon.
"Oh! Anyare dyan sa mukha mo at gusot na gusot??" Tanong ni Lexie na nakasalubong ko sa hallway.
"Wala." Kunot noo kong sagot.
"Anong wala hah?? Siguro si John na naman 'yon at 'yung Jaycee nya. Hahaha..." Biro ni Lexie.
"Aish! Bwiset! Magsama sila!" Inis na talaga ako.
Wait... Bakit nga ba ako naiinis??
Kase naman po, nandyan na pinakawalan mo pa!
"Hahaha... Yan napala mo. Ginawa na nga ang lahat, wala ka namang pakialam tapos ngayon nagmamaktol ka dahil pinagsawaan ka na. Baka nakakalimutan mo na... Napapagod din sya." Edi Ikaw na ang may point.
Ako na talaga... Ako na ang may kasalanan.
-----
Mabilis tumakbo ang oras at sa wakas uwian na...
"Pia... Pinapatawag ka raw ng P.E teacher natin sa gym." Sabi ni Nikki.
Huh??
"Hala lagot ka... Siguro palpak ka na naman sa kanya. Hahaha..." Biro ni Lexie.
Bakit naman kaya? Uwian na't lahat nagpapatawag pa rin.
Sinamahan ako nina Nikki at Lexie sa gym na wala namang ibang tao at isa pa ang dilim. Covered court kase itong gym namin at isa pa aircon ito.
Pinagloloko ba nila ako. Makaalis na nga lang. Tsk!
Lalakad na sana ako palabas pero...
"Pia..." napalingon ako doon sa tumawag sa'kin.
Shocks! Ba't ang hot ng dating nya??
Biglang nagbukas ang lahat ng ilaw sa gymnasium at nakita ko ang napakaraming balloons na nakakalat sa buong gym na halos mapuno na ang court ng balloons.
"Pia... Sana... Pagbigyan mo na ako." Biglang humangin ng malakas at nahawi ang mga lobo.
Nanlaki ang mata ko dahil sa mga nakikita ko ngayon.
Bakit ganito??
Kinikilig ako!!!
Makakita ka ba naman ng isang lalaki na saksakan ng sweetness sa katawan. Sinong hindi kikiligin?
Nakalagay kase sa lapag ang mga katagang:
💖💕"Will you be my girl friend... Pia Alvarez?" 💕💖
Sino bang hindi kikiligin?
"Kaya mo na ba akong pagbigyan sa pagkakataong ito?" Malambing nyang tanong.
"Akala ko ba---" naputol na yung sasabihin ko.
"Bakit? Akala mo siguro may gusto ako kay Jaycee? Hahaha... hindi noh. Kaibigan ko lang talaga yun." Paliwanag nya na ikinasaya ko naman.
"Hay... Bakit pa nga ba ako aayaw kung gusto na rin kita noon pa. Siguro... In denial lang talaga ako pero ang totoo... May gusto na rin ako sa'yo. So... its a YES!"
Lumapit sya sa'kin at niyakap ako ng napakahigpit.
"Thank you."
Hay... Ang sarap pala sa feeling ng ganito.
'Yung wala na akong ibang po-problemahin dahil ako pala talaga ang gusto nya at wala nang iba.
I love you... John😘
-------------------------------------------------------------
Author: thank you for reading this story. Please... Don't forget to vote comment, like and also to follow. Thank you and Enjoy! :)
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...