Chapter 29

12 2 0
                                    

Cal's POV

After 1 month umuwi na ako sa mansion daw namin. Masasabi kong mansion nga dahil sa laki nito.

"Kuya halika, ipapakita ko sa'yo ang room mo." Hinawakan ni Kisha ang kamay ko.

Masasabi ko ngang akin tong kwartong to dahil may mga pictures ako dito pati na rin mga kung ano ano pang connected sa akin.

"Kisha?" Tawag ko sa kanya.

"Bakit kuya?" Lumapit sya sa'kin.

May gusto sana akong itanong pero wag na lang.

"Nevermind."

"Okay. Nga pala kuya tara punta tayo sa room ko."

Pumayag naman ako dahil gusto ko pang mas makilala ang kapatid ko ulit.

Nang makapasok ako sa room nya, sa hindi inaasahan... biglang sumakit ang ulo ko.

"I love you..."

"I love you too..."

Isang blured na babae ang nasa harapan ko.

Bakit hindi ko sya makita.

"Go na kuya! Kiss na kayo. Faster! Faster! Faster! Kiss! Kiss! Kiss!" Boses iyon ng kapatid ko.

Hindi ako pwedeng magkamali...

"Kuya? Kuya okay ka lang ba?" Bakas sa kapatid ko ang pag-aalala.

"I love you too..."

"I love you too..."

"I love you too..."

"Kuya anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Kisha.

Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa paulit ulit na boses na yun.

Sino ka ba talaga??

Bakit lagi na lang ikaw ang pumapasok sa isip ko??

Parte ka ba ng nakaraan ko??

Lalong sumakit ang ulo ko.

Bumagsak ako sa sahig...

And everything went black...

-----

Nagising ako sa isang familiar na kwarto. Ito ata ang kwarto ko.

"Cal... sa wakas gumising ka na." Sabi ng babaeng hindi ko pa maaninag pero sigurado akong fiancé ko sya. Si Stacey... ang babaeng minahal ko.

Napangiti na lang ako dahil laging nanadyan ang fiancé ko para sa akin.

"How are you?" Malambing na tanong nya.

"I'm fine." Tanging sagot ko.

"Good. Okay lang ba sa'yo kung mamasyal tayo. Alam mo na, namiss kita. Yung bonding natin dati." Sabi nya.

Ito ang gusto ko sa fiancé ko eh. Ang lambing nya maalalahanin pa.

"Sige ba? Namimiss na rin kita eh." Sabi ko tapos nagpaalam muna ako kay dad kung pwede at payag na payag naman daw sya.

Si mommy naman hindi na lang nagsalita pero bakas sa kanya ang lungkot.

Madalas ganyan si mommy sa tuwing kasama ko si Stacey. Lagi syang malungkot.

"Bye Kisha!" Paalam ko sa kanya.

Dumaan lang sya sa harapan namin at inirapan nya si Stacey.

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now