Pia's POV
Nandito ako ngayon sa school kung saan kami ni Lexie nagtuturo.
"Oy Pia. Alis na ko hah? Nandyan na kase yung Roro ko. Naghihintay na sa'kin sa labas."
"Sige ingat kayo."
Umalis na si Lexie...
Biglang tumunog ang cellphone ko.
💖 John 💖 is calling...
"Hey John!"
("Hey! Sorry kung male-late ako ng pagsundo sa'yo. Pero hintayin mo ko hah?")
"Okay. Ingat. I love you."
("I love you too...")
call ended...
Nandito ako ngayon sa waiting area ng school at hinihintay si John.
Sa aking paghihintay may isang di pamilyar na lalaki ang lumapit sa'kin.
"Hi Pia. Long time no see." Sabi nung lalaki kaya nangunot ang noo ko.
"Sorry? Pwede bang malaman kung sino ka?" Nagtatakang tanong ko.
"Hahaha... grabe ka naman sa'kin. Ang bilis mo na agad akong nakalimutan. Nakaka-disappoint tuloy."
Lalong nangunot ang noo ko.
"I am Zyrus Estrellado. Your old time classmate."
Zyrus?? Zyrus??
Zyrus?? Zyrus??
*Flashback*
Nasa garden ako ngayon habang nagbabasa ng libro at the same time nagrereview ng pagkakahirap na math.
"Hi Pia! Ito nga pala chocolate." Nandito na naman po ang isang kong nerd na manliligaw.
Hindi ko sya pinansin dahil nagfo-focus ako sa pagrereview para sa math quiz namin mamaya.
"Gusto mo bang tulungan kita?" Hindi pa ako umo-oo, kinuha na nya agad ang reviewer ko tapos sinagutan isa-isa ang math problem.
"Yan tapos na..." ngayon naman, inexplain nya sa'kin at sobrang naintindihan ko ito.
Ang dali lang pala.
Math quiz...
Binigay na sa amin ang test paper.
Nadalian lang ako sa quiz dahil sa tulong ni Zyrus.
"Who got 30??" Tumaas na kamay si Zyrus pati na rin si Nikki.
Sayang nga nagkamali ako sa isang number pero okay lang.
Pasadong pasado pa naman ako.
"Who got 29?"
Tumaas ako ng kamay. Mga lima kaming 29. Tumingin ako kay Zyrus tapos nag thumbs up sya.
Uwian na...
"Zyrus, thank you sa pagtuturo mo sa'kin kanina. Dahil sa'yo, nakapasa ako."
"Wala yon basta para sa'yo."
"Tara, libre kita." Yaya ko.
"Nako wag na. Okay lang." Hindi pa sya pumayag.
"Please..." nag baby face ako.
"Sige na nga."
At ayun nga nilibre ko si Zyrus bilang pasasalamat sa tulong nya.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...