Chapter 20

5 2 0
                                    

Nikki's POV

Dahil vacant naman ng after lunch... Naisipan kong pumunta ng library.

Hindi na ako nasamahan nina Pia at Lexie dahil niyaya sila nina Thor at John kaya hindi na sila nakatanggi.

Gusto rin naman nila 'yon.

Love nga naman ang daming nagagawa...

-----

Nagbasa-basa na lang ako ng fiction books tutal yun naman yung favorite kong basahin. Nakaka-inspire kase.

5 fiction books ang kinuha ko at tinapos ko iyon sa loob ng 40 minutes at may 20 minutes pa.

Ibabalik ko na sana ang mga libro ng may nakabangga ako at nahulog ang dala kong libro.

"Sorry." Sabi nung lalaki.

Kailanman, hindi ko malilimutan ang boses na yun.

Sinimulan na nyang pulutin ang mga libro.

"Ako na." Sabi ko sa kanya tapos pumulot na rin ako.

"Okay." Sabi nya sabay abot ng mga nakuha nyang libro tapos umalis na.

Bakit ganun? Hindi ako sanay sa pakikitungo nya sa'kin.

'Yung tipong akala ko magpupumilit pa sya pero hindi na pala.

Ang sakit... Parang gusto kong umiyak.

Ibinalik ko na lahat ng libro sa dapat nitong paglagyan.

Lumabas na ako ng library.

Napatigin ako sa kasalubong ko na si Cal. Nakapamulsa sya tapos naka-headphones.

Siguro pupunta ulit syang library.

Kahit isang tingin man lang hindi nya magawa.

Ang sakit lang isipin na dati... Kasama mo lang sya pero ngayon...iniiwasan ka na at ang pinakamasakit, hindi mo alam kung anong reason nya.

Tumulo na lang bigla ang akin luha pagkalampas nya.

Dahil siguro hindi ako sanay na iniiwasan nya ako.

Buti na lang walang ibang estudyante bukod sa aming dalawa.

Pinilit ko pigilan ang aking paghikbi dahil alam kong nasa likuran ko pa sya... Palayo sa akin.

-----

Natapos ang araw na ito na puro lungkot ang nararamdaman ko.

Siguro ito yung heartbroken na tinutukoy nila.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising... Wala na dito sa bahay si lola. Buti na lang nag-iwan sya ng note sya na may mahalagang pupuntahan lang daw sya.

Kumain na ako at nag-ayos ng sarili. 5:30 am pa lang pero mas mabuti na ganun maaga kesa naman maabutan ka ng mga mata na halos patayin na ko gamit ang mga paningin nila.

Ni-lock ko na ang gate at ang pintuan ng bahay.

"Good morning!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot nya. "Nagulat ba kita? Sorry hah?" Kamot-ulo nyang sabi.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto sana kitang samahan papuntang university. Kung... Okay lang sa'yo??"

Hindi naman masama kung pumayag ako di ba? Wala namang malisya.

"Sige payag na 'ko." Naglakad na kami papuntang kanto. "Adrian, ba't ka nga ba nandito ng ganitong kaaga?" curious lang.

"Ah... Wala... Trip ko lang." Sagot nya.

"Ikaw hah, tini-trip mo 'ko." Biro ko sa kanya.

"Hindi ah. Ang isang tulad mo... Hindi dapat pinaglalaruan, dapat minamahal 'yan." Ngumiti lang ako ng bahagya.

Sumakay na kami ng bus. Buti na lang hindi punuan.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at masasabi kong masayang kakwentuhan si Adrian.

Nakarating kami sa university ng maaga.

Si kuya Nelson pa lang ang tao dito.

Hanggang sa hallway nagkukwen-tuhan kami ni Adrian para hindi awkward.

"Nandito na tayo. Thank you for your time. See you around!" Paalam nya.

"Thank you rin. See you." Pumasok na ako ng room..

Thanks to him... Kahit panandalian lang nakalimutan ko 'yung sakit na nararamdaman ko.

Kailan kaya ako makaka-move on sa nangyari sa amin ni Cal.

Siguro matagal pa bago mangyari 'yon kase mahal ko pa rin sya hanggang ngayon.

Bakit kaya sya?? Ang daling naka-move on?

Minahal ba talaga nya ako? O infatuation lang ang naramdaman nya para sa'kin?

Pero pa'no mangyayaring infatuation lang yon? 3 years... 3 years!

3 years na halos kami. Kaya malabong infatuation lang yon.

Aish! Ang gulo! Ang gulo-gulo.

O kaya naman... may mahal na syang iba.

Hindi ko napansin na umiiyak na naman pala ako.

Bakit mo ginawa 'to akin... mahal? Bakit sinaktan mo ang puso kong nag-mamahal?

Bakit Cal??

-------------------------------------------------------------

Author: Thank you for reading this chapter hope you like it. Enjoy!

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now