Chapter 9

5 2 0
                                    

Pia's POV

"WHAT?!" Gulat na tanong nina Nikki at Lexie.

Kinuwento ko sa kanila yung nangyari sa lab.

"Bakit naman hindi mo inamin?" Tanong ni Nikki.

"Kawawa naman yung tao oh... Sya na nga yung tumulong, sya pa yung na-agrabyado." Sabi ni Lexie.

"Alam nyo naman na never pa kong napapapunta sa detention room." Katuwiran ko.

"Yun na nga eh... Pero minsan, ba-baan mo rin yang pride mo at tanggapin ang sarili mong pagkakamali." Saway ni Lexie.

"Siguro nga tama ang sabi ni Lexie, Pia. Kawawa naman si John di ba? Hindi ka ba naaawa sa kanya?" Tanong ni Nikki.

Naaawa nga ba ako sa kanya?

Kanina kase nung palabas na sya ng lab parang nasasaktan ako dahil inako nya ang pagkakamaling ako naman ang nakagawa.

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Nikki dahil dumating na yung lecturer.

Siguro magso-sorry na lang ako mamaya.

*bell ring

Uwian na...

"Nikki, Lexie, una na kayo. May Kelangan lang akong gawin." Paalam ko sa dalawa tapos lumabas na ako ng room.

Hinanap ko agad si John. Gusto ko nang mag-sorry sa kanya.

Hindi ko pa to nasasabi kina Nikki at Lexie na I think... I like John.

Nakita ko kase sa personality nya na hindi sya sumusuko na patunayan ang sarili nya.

Yung sa lab... Acting ko lang na nagalit ako sa kanya nung binuhat nya ako pero ang totoo nun... Kinikilig ako.

Sobrang lungkot ko nung inako nya yung kasalanan na ako naman ang gumawa.

Kaya ngayon hahanapin ko sya para makahingi ng sorry.

-----

Napadpad ako dito sa isang garden kung saan ako madalas mag-review.

Sa hindi kalayuan... Natanaw ko sya na nakaupo sa isang bench.

Napangiti ako dahil nakita ko ang gwapo nyang mukha.

Naglakad na ako palapit sa kanya pero napatigil ako...

"Hi John! Ito nga pala yung notebook na hiniram ko sa'yo." Sabi nung babaeng lumapit kay John.

"Ah... Nakalimutan kong nasayo pala 'to Jaycee. Hinahanap ko kase ka-nina." Sabi ni John.

"Ganun ba? Sorry natagalan ang pag-babalik. Hmm... Free ka ba ngayon?" Tanong nung Jaycee.

"Bakit?"

"Hmm... Yayayain sana kitang ku-main kung pwede? Alam mo na pambawi dahil hindi ko agad na-ibalik ang notebook mo." Kumunot ang noo ko dahil sa ginagawa nitong Jaycee na 'to.

"Naku okay lang. Kahit wag na." parang ayaw ni John.

Sige John wag kang sasama sa babaeng yan.         

"Sige na... Please?" Pagpupumilit ni Jaycee.

"Okay... Okay... Lets go." Talagang pumayag si John hah? Tsk! "Oh P-Pia... Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sila.

Hindi ko sinagot ang tanong nya bagkus tumalikod sa kanila at naglakad na palayo.

Hindi ko namalayan na may tumulo na pa lang luha sa aking kaliwang mata.

-----

"Oh Pia... Ba't hindi ka pa umuuwi?" si Cal siguro 'to.

Hindi ko kita ang mukha nya dahil nakayuko ako.

Hanggang ngayon kase hindi pa rin tumitigil ang luha ko.

"At teka... Umiiyak ka ba?"

Agad kong pinunasan ang aking luha.

"Halika nga..."

Dinala nya ako sa garden... Buti na lang walang ibang tao dito.

"Ano bang nangyari sa'yo? Ba't ka umiyak? Sinong may gawa? Dali sabihin mo at uupakan ko." umiling lang ako.

"Pagsinabi ko bang si Nikki... Uupakan mo sya?" Biro ko habang pi-nupunasan ang luha ko.

"Huh? Si Nikki? Pinaiyak ka?" Halatang naguluhan sya.

"Joke lang yun."

"Tss... Seryoso ako Pia." Seryoso nga.

"Wala naman may ibang kasalanan kung hindi ako eh..."  Panimula ko.

"Ge. Handa akong makinig."

"Ang sakit pala na alam nandyan na, nawala pa dahil lang din sa 'yo. Gusto ka na nya, gusto mo na sya pero huli na." Tumulo na naman ang luha ko.

"Teka, teka, sino bang tinutukoy mo? Si John ba 'yan?"

Manghuhula na ba ngayon si Cal?

"No other than." Matamlay kong sagot.

"Meron na ba sya? Ba't di ko yun alam? Ang alam ko wala naman dahil ikaw lang naman ang gusto nun. Walang oras na hindi nun babanggitin ang pangalan mo sa tuwing nagkukwentuhan kami."

"Siguro noon na lang ako... Pero ngayon? May Jaycee na sya." Gusto ko na namang umiyak.

"Wait? What? Si Jaycee? You mean... Jaycee De Villa?" Siguro yun na nga ang tinutukoy nya. Tumango na lang ako bilang sagot. "Hahaha... Si Jaycee De Villa? Pinagseselosan mo?"

"Bakit ano bang meron sa kanya?" Takang tanong ko.

"Makinig ka sa 'kin... Una sa lahat, hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni John at pangalawa, hindi sya type ni John dahil nga... Ikaw ang gusto nya okay? Ikaw."

"Tss... Sinasabi mo lang ba yan para di na na 'ko umiyak? Okay lang naman maging honest pagminsan. Okay lang kung masakit atleast yun yung totoo. Mas lalong lang sasakit kung maniniwala ako sa kasinu-ngalingan di ba? Kaya please yung totoo na lang ang sabihin mo." Iiyak na naman siguro ako. Ayoko na.

"Maniwala ka man o hindi pero totoo ang sinasabi ko. Nasasayo na lang, kung paniniwalaan mo."

Sana nga totoo na lang sinasabi mo Cal. Sana hindi pa huli ang lahat para maging okay ang lahat.

Hindi na rin kami nagtagal at umalis na rin kami.

I'm sorry John...

-------------------------------------------------------------

Author: Hope you enjoy this story. Please don't forget to like, comment and also to follow. Thank you and enjoy!

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now