Chapter 33

5 2 0
                                    

Nikki's POV

3 months na. 3 months na simula ng magising ako sa katotohanang kailan ma'y hindi na sya magiging akin pa.

Ba't ang sakit sakit??

Kailangan bang maramdaman ko talaga to?

Bakit kase pagkakataon na, hindi ko pa sinamantala. Pinakawalan ko pa nasa akin na.

Pia is calling...

"Hey." Medyo matamlay kong sabi sa kanya ng sagutin ko ang tawag.

("Okay ka lang ba?")

"Okay lang ako."

("Ah okay. Uhm... ibabalita ko lang sana na may reunion daw tayo. Batch 20**. Sasama ka ba?")

"Pwede bang hindi?" Walang gana kong sabi.

("Mawawala ba naman ng valedictorian namin at isa pa suma cum laude ka kaya.")

"Sige na. Kelan ba yan? Siguraduhin lang na walang gawain para sure na makapunta."

("Don't worry. Holiday yon. Sige bye na. Next next week na yun.")

"Okay."

Call ended...

Tss... ayoko sanang pumunta sa reunion pero nakakahiya naman kung hindi kaya pupunta na lang ako.

For sure makikita ko sila don.

Tumingin ako sa salamin. Mukha na akong haggard dahil sa kakaiyak. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko.

Tama na yung 3 months na pagmumukmok ko.

"Tama na Nikki. Wala ka nang magagawa kung hindi ang mag-move on. Move on na lang ang way para mabago ang sarili mo."

Naisip kong pumunta sa mall para magpafacial.

"Oh hi Ms. Nikki." Bungad sa akin ng nag-aayos sa akin sa salon.

"Cathy, whole treatment." Sabi ko.

"Okay miss. Lets go."

Kung ano anong facial cleanser ang nilagay sa mukha ko pati na rin eyebag removal.

Pagkatapos sa mukha, inayos naman ang buhok ko. Curl ang dulo nito. Nilagyan din ako ng light make up.

Pinalinis ko na rin ang kuko ko sa kamay at paa.

"Wow Ms. Nikki. Iba na naman ang aura nyo ngayon. So gorgeous!" Sabi ni Cathy.

"Thanks. Uhm... Cathy, sa next next week punta ulit ako dito. May reunion kase kami." Sabi ko tapos nagbayad na ng cash sa cashier.

"Sure Ms. Nikki. Schedule ko na po agad."

"Okay. Thanks. Bye."

Lumabas na ako ng salon at pumunta na ako sa bilihan ng dress at bumili ng bagong outfit.

Isang off shoulder na white tapos below the knee na black skirt at black na high heels.

Minsan lang ako nagsusuot ng ganito. Bakit ba? Trip ko eh.

Naglakad na ulit ako sa mall suot ang mga pinamili ko.

"Pare ang ganda nya oh. Mukhang model."

"Hindi mo ba sya kilala. Sya si Nikki Smith noh."

"Talaga? Wow!"

"Di ba si mam Nikki yon? Ang ganda talaga nya?"

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now