Cal' POV
Bukas na... bukas na ang pinakahihintay kong araw...
March 17... the wedding day.
Nandito ako ngayon sa balcony ko. Hindi pa kase ako makatulog dahil siguro... na-e-excite lang ako.
Umiinom ako ng wine ngayon bigla kase akong nag-crave sa wine.
Phone ring...
Babe is calling...
"Hey!" Bungad ko.
"Hi Babe! Hindi ako makatulog... na-e-excite na kase ako para bukas. Ikaw ba??" Malambing na tanong nya.
"Same to you. Hindi rin ako makatulog." Sagot ko sa kanya.
"Sige na... kailangan ko na ring piliting matulog. Kailangan ko pang mag-beauty rest. I love you." Sabi nya.
"I love you too."
Call ended...
Hay... makatulog na rin pala. Maaga pa bukas.
-----
"Mahal na mahal na mahal kita. Mas mahal pa nga ata kita kesa sa sarili ko. Kaya siguro hindi ko na kakayanin kung mawawala ka pa sa akin. Na-e-excite na tuloy ako na dumating yung araw na maglalakad ka sa altar papalapit sa'kin." - Me
"Mahal na mahal na mahal kita my handsome boy friend, Cal Dela Fuente."
"You're my first and last girl friend, Nikki Villaruel. Ayaw ko nang humanap ng ng iba kase nandito ka na."
-----
"A-aaahhh!" Napasigaw ako sa sobrang sakit ng aking ulo.
Bakit ganito??
Sino ang babaeng yon?
Mukhang familiar ang boses nya...
Hindi ko sya mamukhaan dahil masyadong blured sya sa alaala ko.
Bakit ganun?? Simula ng magising ako noon, sya na palagi ang napapanaginipan ko.
Napansin ko ang medyo bukas na cabinet ko... nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
Lumapit ako doon at nakita ko ang isang... kwintas na may pendant na singsing.
Kinuha ko ito at tinitigan ang singsing...
"Ano ba 'yan? Birthday mo pero ako 'yung na-surprise."
"First of all, happy birthday Cal."
"Ito nga pala ang gift ko sa'yo. Isang promise ring."
Nagsalita na naman sya sa isip ko.
Sino ka ba talaga?? So meaning sya ang nagbigay nitong singsing.
Walang kinuwento sa 'kin si Stacey about dito.
4 am pa lang...
Pumunta ako sa kwarto ni Kisha...
May kutob talaga ako na mayroon ditong makakapagpaalala sa nakaraan ko.
Hindi naman masamang maging curious di ba??
Tulog na tulog pa ang kapatid ko...
Anong meron dito?? Bakit sumakit ang ulo ko nung bagong dating kami dito.
Napansin ko yung phone ni Kisha sa side table nya.
Bakit parang may nagtutulak sa 'kin para pakialaman ang phone nya.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...