Chapter 15

5 2 0
                                    

Grade 12...

Nikki's POV

Friday night...

Busy ako ngayon sa pag-iisip kung ano ba ang gagawin ko sa 3rd anniversary namin.

Iniisip ko pa lang sya, ang dami nang pumapasok sa isip ko pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin.

Biglang tumunog ang aking cellphone.

May nag text...

*Fr: My Handsome Boyfriend

       I can't wait to see you next week
my Beautiful girlfriend. I miss you so damn much kahit na magkasama lang tayo kanina hahaha... You're my life. Please be with me until forever. I love you. Good night.

Parang tumalon ang puso ko dahil sa sobrang kilig.

Grabe! Araw-araw na lang akong pinapakilig.

*To: My Handsome Boyfriend

         Thank you for making me smile everyday. I love you. Good night my handsome boyfriend.

Itinago ko na ang aking cellphone at nahiga na.

Hay... Ang sarap tuloy matulog ng may ngiti sa labi.

Maraming araw ang lumipas at bukas na ang 3rd anniversary namin at the same time, ang birthday ni Cal.

Na-e-excite ako na ewan!

Basta sa tuwing anniversary namin at birthday nya, lagi na lang akong na-e-excite.

Ang gift ko sa kanya ay perfume na talagang nagustuhan ko sa kanya tapos may nakalagay na ilang messages. Gumawa rin ako scrap book na naglalaman ng pictures namin.

Ginawa ko ito simula pa nung Saturday at ngayon lang ako natapos kasi gusto ko perfect at special dahil special sya sa 'kin.

Tumunog ang phone ko.

Si Cal pala... Nag text.

*Fr: My Handsome Boyfriend

        Magkita tayo kung saan tayo madalas tumambay... bukas sa garden.. uwian.

Nangunot ang aking noo.

Nasanay kase ako na may 'I love you' sa last ng message nya pero ngayon wala na.

Siguro may inaasikaso lang yun tapos nagmamadali.

Tama... Baka ganun na nga. Masyado lang siguro akong nag-iilusyon.

Tuesday morning...
August 7...

Maaga akong nagising dahil sa ka-excitedan.

Umalis ako ng maaga sa bahay baka kase hinihintay ako ni Cal sa may guard house.

Pero pagdating ko...

Huh? Wala pa sya?

'Kala ko nandito na sya, masyado akong na-excite.

Hahaha... Sabi nga pala nya sa text, magkita kami mamayang uwian... pero nagbabakasakali lang naman ako.

Mabilis tumakbo ang oras at last subject na namin pero hindi kami sinipot ng lecturer namin kaya nagkwentuhan na lang muna kami nina Pia at Lexie.

For sure hindi pa dismissed si Cal.

"Nikki, anong plano nyo ni Cal? Don't tell me, nakalimutan mo ang araw na 'to?" Tanong ni Pia.

Maybe Its TimeWhere stories live. Discover now